RODEO Tabloid

RODEO Tabloid

Share

2 LALAKING MAGKAANKAS SA MOTORSIKLO, PINAGBABARIL SA BAYAN NG AROROY, MASBATE
Ulat ni: BOMBO JESS
Video: Credit to the Owner

Pinagbabaril ang daIawang IaIaki dakong aIas 4:30 hapon noong February 28, 2023 sa Barangay Nabongsoran, Aroroy, Masbate.

Ang mga biktima ay nakilalang sina 
Noli Yamson y Dela Cruz, nasa hustong  binata, magsasaka at residente ng Sitio Matongao Brgy. Cabangcalan, Aroroy at si Bryan Garcia Francisco, 30 anyos, negosyante, high school graduate at residente ng Purok 6 Barangay Ibingay, Masbate City.

Ang mga tumakas na salarin ay kasalukuyang pang inaalam ng Aroroy Municipal Police Station.

Batay sa ulat na ipinarating sa Rodeo Tabloid: Bandang alas 4:30 Ng hapon noong Pebrero 28, 2023, ipinaalam sa Aroroy MPS ng mga tauhan ng Community Police Assistance Center (CPAC) na nakabase sa Brgy Luy-a, Aroroy na mayroong insidente ng pamamaril na nangyari sa nasabing nasambit na lugar. Matapos matanggap ang impormasyon ay agad na rumesponde ang mga tauhan ng Aroroy MPS sa nasabing insidente.

Nabatid sa imbestigasyon, na habang sakay ang mga biktima sa kanilang motorsiklo (Rusi TC-175 black, Chassis number RFCPCLXJOMB002216, Engine number RF150FMGQYE40817), patungo sa munisipyo ng Mandaon ay hinabol sila ng mga suspek at niratrat ng putok ng baril.

Dead on the spot si Nilo Dela Cruz Yamson habang nagtamo naman ng mga tama ng punglo si Mark Bryan Garcia Francisco at dinala ito sa Aroroy Municipal Hospital sa Brgy. Jaboyoan upang magamot. 

Narekober ng mga Otoridad sa crime scene ang apat (4) na piraso nang basyo ng bala para sa kalibre 45.

Nagsasagawa naman ng malalimang imbestigasyon ang mga tauhan ng Aroroy MPS para sa posibleng pagkakakilanlan at pagkahuIi ng mga suspek. 

Dinala ang labi ni Nilo Yamson sa St. Laurence Funeral Parlor sa Barangay Jaboyoan para sa post-mortem examination.

#BomboRadyoLegazpi
#ParionNgayon
#RodeoTabloid

Rated PG: Gabayan po ng magulang ang mga Kabataan sa panunuod ng balitang ito dahil sa maseselang eksena na makikita sa video. 02/03/2023

NABONGSORAN, AROROY SHOOTING INCIDENT

2 LALAKING MAGKAANKAS SA MOTORSIKLO, PINAGBABARIL SA BAYAN NG AROROY, MASBATE Ulat ni: BOMBO JESS Video: Credit to the Owner Pinagbabaril ang daIawang IaIaki dakong aIas 4:30 hapon noong February 28, 2023 sa Barangay Nabongsoran, Aroroy, Masbate. Ang mga biktima ay nakilalang sina Noli Yamson y Dela Cruz, nasa hustong binata, magsasaka at residente ng Sitio Matongao Brgy. Cabangcalan, Aroroy at si Bryan Garcia Francisco, 30 anyos, negosyante, high school graduate at residente ng Purok 6 Barangay Ibingay, Masbate City. Ang mga tumakas na salarin ay kasalukuyang pang inaalam ng Aroroy Municipal Police Station. Batay sa ulat na ipinarating sa Rodeo Tabloid: Bandang alas 4:30 Ng hapon noong Pebrero 28, 2023, ipinaalam sa Aroroy MPS ng mga tauhan ng Community Police Assistance Center (CPAC) na nakabase sa Brgy Luy-a, Aroroy na mayroong insidente ng pamamaril na nangyari sa nasabing nasambit na lugar. Matapos matanggap ang impormasyon ay agad na rumesponde ang mga tauhan ng Aroroy MPS sa nasabing insidente. Nabatid sa imbestigasyon, na habang sakay ang mga biktima sa kanilang motorsiklo (Rusi TC-175 black, Chassis number RFCPCLXJOMB002216, Engine number RF150FMGQYE40817), patungo sa munisipyo ng Mandaon ay hinabol sila ng mga suspek at niratrat ng putok ng baril. Dead on the spot si Nilo Dela Cruz Yamson habang nagtamo naman ng mga tama ng punglo si Mark Bryan Garcia Francisco at dinala ito sa Aroroy Municipal Hospital sa Brgy. Jaboyoan upang magamot. Narekober ng mga Otoridad sa crime scene ang apat (4) na piraso nang basyo ng bala para sa kalibre 45. Nagsasagawa naman ng malalimang imbestigasyon ang mga tauhan ng Aroroy MPS para sa posibleng pagkakakilanlan at pagkahuIi ng mga suspek. Dinala ang labi ni Nilo Yamson sa St. Laurence Funeral Parlor sa Barangay Jaboyoan para sa post-mortem examination. #BomboRadyoLegazpi #ParionNgayon #RodeoTabloid Rated PG: Gabayan po ng magulang ang mga Kabataan sa panunuod ng balitang ito dahil sa maseselang eksena na makikita sa video.

19/02/2023

MGA MOTORISTA INIREREKLAMO ANG ISANG QUARRY OPERATIONS SA BARANGAY TUGBO, MASBATE CITY

Want your business to be the top-listed Media Company in Masbate?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Telephone

Address


PC Camp Site, Barangay Ibingay
Masbate
5400