Djkjay

Djkjay

Share

Photos from Djkjay's post 24/10/2024

REHIYON // INSIDENTE NG LOOTING SA GITNA NG PANANALASA NG BAGYONG KRISTINE SA BICOL, NAITALA SA NAGA CITY, CAMARINES SUR

SA GITNA ng mapaminsalang pananalasa ng Bagyong Kristine sa Kabikulan nitong mga nakaraang araw, isang supermarket and department Store sa Barangay Igualdad, Naga City ang naging biktima ng Looting.

Isang viral post sa Facebook ng isang content creator, ang nagpakita ng larawan sa ilang kalalakihan na nagnakaw sa Cabral Bicolandia Supermart. Sa caption, binanggit na may pahintulot umano ang may-ari batay sa pahayag ng gwardya ng establisimyento.

Ayon sa may-ari, nadiskubre nila ang insidente nang bumisita sila sa tindahan sa Barangay Igualdad bandang alas-2 ng hapon matapos makatanggap ng mga ulat na may mga taong pumasok at nagnakaw ng mga paninda.

Pagdating nila, tumambad sa kanila ang eksenang nawala na ang lahat ng mga paninda, kabilang ang mga branded na sigarilyo, alak, at pera mula sa cash registry.

Bago pa man mangyari ang insidente, ibinahagi ng may-ari na may plano na silang makipagtulungan sa ilang mga indibidwal upang magbigay ng relief goods para sa mga biktima ng pagbaha sa lungsod.

"Mayroon na kaming kasosyo para sa paglulunsad ng relief operation dahil, ayon sa aming mga empleyado, maraming tao ang naapektuhan. Ngunit lahat ng aming stock ay nawala, at hindi namin alam kung paano makakabangon mula rito," pahayag ng CBS Management sa isang private message na ipinadala sa PDI Bicol.

Samantala, nanawagan ang kapulisan sa mga may-ari ng negosyo sa Bicol na ireport ang anumang insidente ng looting sa kanilang lugar para sa agarang aksyon.

- JAAL News Update

Source : via Ma. April Mier -Manjares/PDI Bicol

📸 FB post

Photos from Djkjay's post 24/10/2024

REHIYON// DPWH RO 5 NAGLABAS NG STATUS UPDATE SA MGA NATIONAL HIGHWAYS AT TULAY NA APEKTADO NG BAGYONG KRISTINE

NAGLABAS ng update ang Department of Public Works and Highways (DPWH) - Bureau of Maintenance kahapon, Oktubre 23, 2024, kaugnay sa epekto ng Bagyong Kristine sa rehiyon.

Mayroong tatlumpung (30) seksyon ng kalsada na nananatiling sarado sa trapiko. Ang mga pagsasara ng kalsada ay dulot ng iba’t ibang insidente tulad ng landslide, pagbaha, paglubog ng kalsada, mga natumbang puno, pagbagsak ng mga detour road, pagkasira ng kalsada, pagbagsak ng mga bato, at pagbagsak ng mga tulay.

Kaugnay nito, batay sa inilabas na update ng DPWH Bicol tungkol sa mga nasirang imprastraktura sa rehiyon, kung saan 22 pinsala ang naitala sa anim na lalawigan.

Samantala, lahat ng pambansang kalsada at tulay sa iba pang apektadong lugar sa rehiyon ay nananatiling nadaraanan ng lahat ng uri ng sasakyan batay sa petsa at oras ng ulat.

Patuloy na mino-monitor at nililinis ng DPWH ang mga kalsada upang matiyak ang kaligtasan at access sa pambansang network ng kalsada, na mahalaga para sa mga relief efforts sa mga apektadong lugar.

-JAAL News Update

Source: DPWH RO5

📸 DPWH RO5

Photos from Djkjay's post 23/10/2024

NASYUNAL // PBBM PINULONG ANG NDRRMC, SITUATIONAL REPORTS TINALAKAY

PINULONG ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para alamin ang mga gaganapan sa pananalasa at epekto lalo na sa Kabikulan ng Bagyong Krisitne sa isang situation briefing at upang tasahin sa Headquarter ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa Kampo Emilio Aguinaldo, Lungsod Quezon ngayong araw ika-23 ng Oktubre, 2024.

Bilang tugon sa inaasahang epekto ng bagyo, inatasan ni Pangulong Marcos Jr. ang lahat ng kinauukulang ahensya na makipagtulungan nang mabuti sa mga lokal na pamahalaan (LGUs) upang masigurong mabilis na matutulungan ang mga Pilipinong nangangailangan ng agarang suporta.

Sa ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA), inaasahang lalakas pa ang Bagyong Kristine bago ito mag-landfall sa Hilagang Luzon ngayong gabi o maagang bahagi ng umaga bukas, ika-24 ng Oktubre 2024.

Ayon pa sa forecast track, itinaas na ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 sa Catanduanes, silangang bahagi ng Camarines Norte, silangang bahagi ng Albay, at silangang bahagi ng Sorsogon sa Luzon, gayundin sa hilagang-silangang bahagi ng Hilagang Samar at hilagang bahagi ng Silangang Samar sa Visayas.

Dagdag pa ng PAGASA, posibleng itaas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 3 bilang pinakamataas na signal habang dumaraan ang bagyo.

- JAAL News Update

Source: Presidential Communication Office

📸 Dost_pagasa/RTVM

Photos from Djkjay's post 22/10/2024

PROBINSYA // MONITORING SA PANANALASA NG BAGYONG KRISTINE, PAIGTINGIN – GOV. KHO

NAGLABAS ng derektiba si Masbate Governor Antonio T. Kho sa lahat ng ahensyang may kinalaman sa Disaster Preparedness and Management kabilang ang mga Local Government Units ng lalawigan na paigtingin at mahigpit na imonitor ang sitwasyon ng pananalasa ng bagyong Krisitne sa Lalawigan.

Bunsod nito, ang Pamahalaang Panlalawigan ng Masbate ay agad na ipinatupad ang pansamantalang suspensyon ng mga klase sa lahat ng antas, pribado at pampubliko.

Kaugnay nito, ang mga transaksyon, operasyon at trabaho sa pampublikong tanggapan ay suspendido rin, maliban sa mga ahensyang may kaugnayan sa disaster management, habang ipinaubaya naman ito sa deskresyon ng mga private companies and offices sa buong lalawigan na nasa ilalim ng Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 ngayong araw, Martes, Oktubre 22, 2024, dahil sa Bagyong Kristine.

Ayon sa pahayag ng Masbate Provincial Risk Reduction Management Office, handa ang tanggapan na tumugon sa anumang emergencies, evacuation and rescue operations at mahigpit na inaantabayan ang sitwasyon sa buong lalawigan.

Naiulat na rin ang mga pagbaha, pag-apaw ng tubig sa mga ilog sa ilang municipalidad at ciudad ng Masbate. Patuloy pa ring kinunonsulida ng tanggapan ang mga datus at bilang ng evacuees maging ang pinsala sa mga nasalantang lugar. Nakaposisyon na rin ang mga Food and Non-food items mula sa PSWD, MSWDs, at CSWD.

Samantala, lahat ng mga lokal na pamahalaan ay inaatasang bantayan ang sitwasyon sa kanilang mga nasasakupan upang maprotektahan ang buhay at ari-arian.

Pinapayuhan din ang mga residente na maging mapag-matyag at sumubaybay sa mga anunsyo at abiso ng Provincial at Local Government Units sa kalagayan at kaganapan dala ng naturang kalamidad.

- JAAL News Update

Source: Masbate PIO

📸 Masbate PIO

Want your business to be the top-listed Media Company in Masbate?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address


Masbate
5400