Dark Side
19/06/2024
TIL DEATH DO US PART
Ika-Siyam na Kabanata
Bigla naman nakaramdam ng kakaiba si Alisza. Hindi siya mapalagay na parang may kung anong bumabagabag sakanya. Dumadag pa isipin niya ang hindi pag reply ng asawa sa kanyang mga text messages. Pero bago paman siya makapag isip ng kung ano ano'y ibinaling nalang niya ang atensyon sa anak.
Renier: “Nasaan si Sergeant Rivera?” tanong nito sa kasamahang police. Nadatnan nitong wala na roon si Troy.
Police1: “Naku sir, mukhang natipohan si Sergeant Rivera ng anak ni Mayor” mahina at natatawa nitong saad.
Napa-iling si Renier. Alam niyang hindi imposible na magustogan si Troy ng dalaga, matipuno at maganda itong lalaki na talagang kapansin pansin sa mga kababaehan. Bukod roon ay marami narin naging issue at controversy ang dalaga sa lugar nila. Mahilig itong kumabit at talagang hobby na nito ang manira ng pamilya. Na kalaunan nga'y unti unti narin nakakalimutan ng tao dahil mag lilimang taon rin itong namalagi sa Canada.
Sopia: “Can I have your cellphone number?” wala na itong pakundangan, wala siyang sasayanging oras. Kapag may natipohan siya'y ora mismo gusto niya itong makuha.
Troy: “Sorry ma'am, pero hindi kopo pwedeng ibigay ang number ko sainyo. May asawa napo akong tao.” agad na tugon nito. Hindi rin niya alam kung bakit iyon nasabi. Siguro dahil narin sa labis napag iisip.
Sopia: “Napaka malisyoso mo naman, Sarge. Gusto kolang hingin ang number mo, for tomorrow. I want you to es**rt me again dahil may performance ako bukas sa plaza. Mahirap na baka pagka gulohan ako doon sa gitna” pagdadahilan nito. Nagpapabango kasi ito sa mga tao para mapag takpan ang mga naging issue niya. Gumagawa rin sila ng mga pakulo na puro naman kaplastikan dahil nalalapit narin ang halalan.
Samantalang napahiya naman si Troy sa tinuran niya sa dalaga. Sa tingin niya'y masyado siyang nag aassume at binibigyan ng kahulogan ang pag request nito sakanya.
Kinabukasan nga'y maaga siyang nakatanggap ng mensahe mula kay Sopia. Nagpapa sundo na ito, pero ang gusto nito ay siya lang mag isa. Pero hindi naman pumayag si Troy, ayaw niyang gumawa ng paraan para mapalapit siya sa dalaga. Dahil alam niya sa sarili na hindi niya maiiwasang hindi maattract sa dalaga. Nagpasya siyang isama si Renier, at ang partner niyang si SP01 Jomar Sullaga. Hindi narin niya ipinaalam sa dalaga.
Troy: “Good morning Ma'am Sopia” bungad nito sa dalaga na kakalabas lang sa building ng condo unit nito.
Animo'y bigla itong naging isang linta ng makalapit kay Troy, agad itong lumingkis sa makisig na braso ng lalaki. Nabigla naman si Troy sa ginawa ng dalaga at hindi rin siya kompartable sa ganoon dahil maraming tao ang nakakakita sakanila. Kaya marahan niyang tinanggal ang pagkakakapit sakanya ng babae. Nainis naman si Sopia sa ginawa nito, kaya irritable itong pumasok sa van na hindi manlang napansin ang mga tao sa loob.
Sopia: “What! May kasama ka?” Nabigla ito ng makita ang kasamahan ni Troy.
Renier: “Good morning po ma'am Sopia” bati nito sa dalaga pero hindi manlang siya nito pinukulan ng tingin.
Habang inaalalayan ni Troy si Sopia sapag akyat ng stage ay hindi nito maiwasang mapatitig sa babae, lalo na nang maamoy nito ang nakakaakit na perfume ng dalaga. Biglang sumagi sakanya ang senaryo nila ng sunduin niya ito, hindi niya alam pero hindi niya maiwasang mapangiti sa isiping iyon. Mali man pero nakaramdam siya kakaiba sa dalaga.
Tila' nga nagugulohan na si Troy. May kung ano ang bumabagabag sakanya. Tila' nagiging marupok na siya sa tuksong lumalapit sakanya sa kataohan ni Sopia. Madalas nga siyang mapa sulyap sa dalaga, madalas rin silang magkakatigin. Kung siya ay natatakot sakanyang nararamdaman. Ang dalaga naman ay nasisiyahan dahil ramdam nito namay epekto na siya sa lalaki. Alam niyang naattract na ito sakanya, kaya mas lalo siyang ginaganahan na akitin ito at hindi siya titigil na hindi ito makuha.
____
Mahigpit na yakap ang sinalubong ni Alisza sa asawa, kakauwi lang nito galing sa Quezon Province. Hindi niya alam pero sobra niya itong na miss na parang ilang taon itong nawala. Natutuwa naman si Troy sa tinuran ng asawa dahil parang naging extra sweet ito sakanya ng mga sandaling iyon. Kaya bahagya nitong nakalimutan si Sopia.
Alisza: “Kumusta naman ang pyesta roon, babe masaya ba? Matagal narin akong hindi nakakarating sa isang pyestahan” tanong nito.
Troy: “Okay naman babe. Dapat nga isinama ko nalang kayo para makapanood rin kayo ng mga masasayang programs doon”
Alisza: “Naku, kung wala lang akong trabaho sasama talaga ako saiyo” anito.
Habang nasa kalagitnaan ng kanilang kwentoha'y nag ring ang telepono ni Troy. Hindi na nito tiningnan ang caller, agad na nitong sinagot ang tawag dahil alam niyang kung hindi ang Hepe ay mga kasamahan niya ang tumatawag sakanya. Meron din kasi siyang naka bukod na cellphone na personal used niya, para sa kanyang asawa at mga relatives. Ganoon rin naman si Alisza, hindi narin bago sakanya namay biglang tumatawag sa asawa, sanay na siya sa nature ng work nito.
“Hello, how are you?”
Natigilan bigla si Troy ng marinig ang boses ng caller. Ramdam niya ang pag bilis ng pintig ng kanyang dibdib.
Alisza: “Oh bakit babe, may problema?” may pag-aalala nitong tanong sa biglaang pag iba ng expression ng mukha ng asawa. Para itong nakakita ng multo.
Troy: “No babe, si Hepe. Wait lang at medyo confidential ito” kunwa'y paalam nito. Lumayo siya sa asawa. Tanging tango naman ang tugon ni Alisza. Ibinaling nalang nito ang atensyon sa dala at pasalubong ni Troy para sakanila.
Sopia: “Babe? So your wife is there” medyo natatawa pa ito.
Troy: “Ano pong kailangan ninyo. Bakit bigla kang napatawag, pagkakaalam ko tapos na ang tungkulin ko saiyo” mahina pero mariin nitong saad sa babae.
Sopia: “Nothing, na miss lang kita. I really wanna see you so bad”
Troy: “Ha? Syempre hindi na pwede” aniya.
Sopia: “You don't miss me?”
Hindi na nagsalita si Troy, dahil natatakot siyang baka biglang sumulpot ang kanyang asawa. Binaba na kaagad nito ang telepono. Bahagya siyang nakaramdam ng panghihinayang pero mas nanginginabaw parin sakanya ang asawa at binuo nilang pamilya, hanggat maaari ay hindi niya iyon sisirain.
Lumipas nga ang isang buwan at hindi narin nag paramdam sakanya si Sopia buhat ng binabaan niya ito ng tawag. Kinalimutan narin niya ang naging tagpo nilang dalawa.
“Buddy, birthday ko ngayon punta ka dahil may kunting kasiyahan kami mamaya. Pupunta rin sila Hepe” yaya ng partner niyang si SP01 Jomar Sullaga.
Troy: “Titingnan ko buddy, kapag pumayag ang asawa ko pupunta ako” anito.
Jomar: “Naku, sama sama na tayo, ngayon kana magpaalam. Minsan lang naman 'to.” pag-pupumilit nito.
Hindi na makatanggi si Troy dahil partner at madalas niya iyong nakakasama. Nahihiya rin siyang tumanggi dahil birthday at importanteng araw naman iyon ng kanyang partner. Nagpaalam nalang siya kay Alisza na pinayagan din naman siya. Hindi rin naman kasi ito mahigpit na asawa dahil ayaw nitong maging mukhang kontrabida sa mga kaibigan o katrabaho ni Troy. Basta naga-update ito sakanya ay okay na. minsan nga'y ito pa mismo ang nanghihikayat kay Troy na sumama sa mga nag yayaya sakanyan na mga kaibigan o katrabaho. Si Troy lang talaga ang ayaw dahil mas gusto nitong makasama ang kanyang mag ina.
Mabilis na nalasing si Troy, kahit mataas ang alcohol tolerance niya. Siguro ay nanibago siya dahil ilang taon narin siyang hindi umiinom ng kahit anong alak, mula ng mag sama sila ni Alisza. Nauna narin umalis si Renier at ang kanilang Hepe dahil may trabaho pa ang dalawa. Mga ilang minuto pa'y ramdam niya na ang pag bigat ng kanyang mga talukap. Lumalabo narin ang kanyang paningin na halatang lasing na lasing na. Basta naramdaman nalang niyang may umaalalay sakanyang maglakad. Naalala pa niya na inihiga siya nito sa isang malambot na k**a, bago pa siya tuluyang makatulog.
Napabalikwas siya ng mapagtantong nasa isang hotel room siya. Alas otso inpunto narin ng umaga. Ramdam niya ang kanyang kahuboon, kaya dahan dahan niyang ibinaling ang paningin sakanyang katabi. At laking gulat niya ng malaman kung sino ito......
ITUTULOY......
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Brgy. Nursery
Masbate
5400