Jesse Concepcion
Vice Mayor Jesse Concepcion is a dedicated public servant in Mariveles, Bataan, known for his commitment to community development and public service. With a focus on grassroots initiatives, he works to improve local governance, support economic growth, and enhance social welfare programs. Despite being a senior and less tech-savvy, he remains actively engaged with his constituents, ensuring that their voices are heard and their needs are addressed.
11/06/2026
𝑨𝒓𝒂𝒘 𝒏𝒈 𝑲𝒂𝒍𝒂𝒚𝒂𝒂𝒏
Sa pagdiriwang ng ika-128 Anibersaryo ng Araw ng Kalayaan, ating alalahanin ang kagitingan at sakripisyo ng ating mga bayani na nagbigay-daan upang matamasa natin ang kalayaang tinatamasa natin ngayon.
Nawa’y magsilbing inspirasyon sa atin ang kanilang katapangan, pagmamahal sa bayan, at diwa ng paglilingkod upang higit nating mahalin, pahalagahan, at paglingkuran ang ating bayang sinilangan.
10/06/2026
Kasama po natin sa pagpupulong ang ating butihing Mayor Aj Concepcion at mga department heads upang talakayin ang mahahalagang usapin, programa, at mga proyekto ng ating pamahalaang lokal. Tinalakay rin sa pagpupulong na ito ang mga naihain na concerns at obserbasyon na nangangailangan ng agarang at maayos na solusyon upang higit na mapabuti ang ating mga serbisyo sa mamamayan. Kasabay nito ang pagtalakay sa naging obserbasyon sa ginaganap na Rice Distribution sa lahat ng Barangay sa ating bayan.
09/06/2026
Sa ating pangunguna sa ika-49 na Sesyon ng Sangguniang Bayan, muli nating tinalakay at pinagpasyahan ang mga panukalang ordinansa, resolusyon at iba pang mahahalagang usapin na may layuning higit pang mapaunlad ang ating bayan at mapabuti ang serbisyo para sa ating mga kababayan.
Patuloy nating isusulong ang mga programang nakatuon sa kapakanan ng mamamayan at sa patuloy na pag-unlad ng Mariveles.
08/06/2026
Dinaluhan po natin ang Training on the System for Prevention, Early Identification, Referral, and Intervention of Delays, Disorders, and Disabilities in Early Childhood.
Patuloy po nating palawakin ang ating kaalaman at kakayahan sa maagang pagtukoy at tamang pagtugon sa pangangailangan ng mga kabataan upang masuportahan ang kanilang maayos na paglaki at pag unlad para sa kanilang magandang kinabukasan.
08/06/2026
Ating sinimulan ang linggong ito sa pamamagitan ng pagbibigay-galang sa ating watawat bilang simbolo ng ating pagkakaisa at pagmamahal sa bayan. Patuloy nating gampanan ang ating mga tungkulin ng may pagmamalasakit at dedikasyon para sa bawat Mariveleño.
08/06/2026
Welcome Back to School, mga mag-aaral!
Sa muling pagbubukas ng mga paaralan, nawa’y magsilbi itong panibagong pagkakataon upang matuto, umunlad, at mas mapalapit sa inyong mga pangarap. Sikapin ninyong maging masipag, disiplinado, at determinado sa bawat araw ng inyong pag-aaral.
Kasama ninyo ang Pamahalaang Bayan ng Mariveles sa pagtataguyod ng mas maliwanag na kinabukasan para sa bawat kabataang Mariveleño.
Maligayang pagbabalik-eskwela, mga mag-aaral!
Sa muling pagbubukas ng mga paaralan, nawa’y magsilbi itong panibagong pagkakataon upang matuto, umunlad, at mas mapalapit sa inyong mga pangarap. Sikapin ninyong maging masipag, disiplinado, at determinado sa bawat araw ng inyong pag-aaral.
Kasama ninyo ang Pamahalaang Bayan ng Mariveles sa pagtataguyod ng mas maliwanag na kinabukasan para sa bawat kabataang Mariveleño.
Welcome back to school at ingat po kayo palagi!
04/06/2026
Nakakatuwang makita ang mga ngiti sa mukha ng ating mga kababayan sa pagtanggap ng 25 kilong bigas na munting tulong para sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.
Patuloy pa rin po ang pamamahagi ng tulong sa iba't ibang barangay sa ating bayan upang mas marami pang pamilyang Mariveleño ang mabigyan ng suporta.
04/06/2026
Atin pong muling inihatid ang serbisyong abot-kamay hanggang sa barangay sa ating mga kababayan sa Barangay Cabcaben. Patuloy po nating pinapalakas ang ugnayan ng lokal na pamahalaan at ng bawat komunidad sa pamamagitan ng mga serbisyong direktang dinadala sa mga barangay. Maraming salamat po sa mainit na pagtanggap at pakikiisa ng ating mga kababayan.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Mariveles