Anakbayan PUP - CPSPA

Anakbayan PUP - CPSPA

Share

It fights for jobs, land reform, education, rights and justice.

Photos from Anakbayan PUP - CPSPA's post 23/10/2025

TIGNAN | Ngayong ika-23 ng Oktubre ay nagkaroon ng mobilisasyon ang iba't-ibang pang-masang organisasyon sa PUP, upang kondenahin ang pamamasista ng estado sa hanay ng sangkaestudyantehan. Ito'y matapos padalhan ng PNP-CIDG ng subpoena sina Sentral na Konseho ng Mag-aaral (SKM) President Tiffany Faith Brillante, at si Jacob Baluyot na National Chairperson ng Alyansa ng Kabataang Mamamahayag (AKM) hinggil sa protesta kontra korapsyon noong Setyembre 21.

Ang mga ganitong pag-atake sa mga mamamahayag at konseho ay manipestasyon na duwag ang estado, dahil kinakailangan nitong takutin ang mga kabataan para pigilan itong makapag-organisa, at makapagpakilos pa nang mas marami. Ngunit, hindi nito magagapi ang diwang palaban ng kabataang mulat sa korapsyon, at nabubulok na mala-kolonyal at mala-pyudal na panlipunang kaayusan.

Walang mali sa paglaban. Mayroong mali kaya ang mamamayan ay lumalaban. At hindi ito matatapos hangga't nariyan sina Marcos Jr. at Sara Duterte na walang ibang ginawa kundi magnakaw, at supilin ang taumbayang galit na iginigiit lamang ang kanilang mga demokratikong kahilingan.

Photos from Anakbayan PUP - CPSPA's post 17/10/2025

ANAKBAYAN PUP CPSPA EXECUTIVE OFFICERS 25'

Maunlad at matagumpay na naganap ang General Assembly ng Anakbayan CPSPA noong ika-10 ng Oktubre, isang pagtitipong nagsilbing patunay ng pagkakaisa at militansya ng kabataang estudyante. Ang pagpupulong ng balangay ay isinagawa matapos ang matagumpay na Walkout laban sa Korapsyon, isang kilos-protesta sa loob ng Pamantasan na mariing kinondena ang mga katiwaliang patuloy na bumabalot sa ating sistemang pampulitika.

Sumunod dito ay taas-kamao, buong puso, at militanteng tinanggap ng mga bagong miyembro ng balangay ang tungkuling maging bahagi ng Executive Committee para sa taong panuruang 2025–2026. Isang makabuluhang araw ito para sa lahat na sumisimbolo ng pagpapatuloy ng diwa ng paglilingkod at pakikibaka; panibagong yugto ng pamumuno na handang humarap sa mga hamon ng panahon.

Sa kanilang panunumpa, ipinahayag nila ang kahandaan na tumungo sa lansangan, maglingkod nang tapat, kumilos nang walang pag-iimbot, at ipagpatuloy ang adhikain ng Anakbayan CPSPA tungo sa pagpapalakas ng organisasyon at sa walang humpay na pagtataguyod ng interes ng kabataan at ng masang anakpawis.

Ngayon ang panahon ng pagkilos, ng sama-samang paninindigan, at ng walang takot na paglaban para sa bayan.

Mga lingkod-bayan, sumapi sa Anakbayan PUP CPSPA!

20/09/2025

𝗜𝗦𝗞𝗢𝗟𝗔𝗥 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡, 𝗕𝗔𝗛𝗔𝗜𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗢𝗧𝗘𝗦𝗧𝗔 𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗨𝗡𝗘𝗧𝗔! ✊🔥

Sa rumaragasang korapsyon sa pamahalaan natin, walang ibang biktima kung hindi ang sambayanang pinasasamantalahan. Habang nagpapakasasa sa pondo ng mamamayan ang mga kongresita't kontraktor, patuloy na pinagkakaitan ng karampatang pondo ang mga Iskolar ng Bayan. Danas pa rin ng mga estudyante ang mababang kalidad ng edukasyon, ang kawalan ng mga pasilidad at klasrum, at mababang pasahod sa kaguruan at mga kawani.

Marcos noon, Marcos pa rin ngayon! Tatak magnanakaw! Kabi-kabilaan din ang atake sa mamamayan! Tahasang nananakot, nadarambong, at pasismo ng estado. Kaya naman bukas, bilang ika-53 anibersaryo ng Martial Law, babahain natin ang Luneta, Manila sa ganap na ika-siyam ng umaga! Panahon na para panagutin ang lahat ng burukrata kapitalista sa gobyerno, mula kay Marcos Jr., Sara Duterte, hanggang sa kanilang mga alipores!

Mula Sta. Mesa tungong Luneta, pagkaisahin natin ang ating lakas! PUP Community, rise against corruption and tyranny! Dumalo at magpadalo:
🔻5:30 AM to 6:20 AM - Meet-up at PUP, Main Gate.
🔻07:00AM - Assembly at Kalaw Ave. corner Taft
🔻07:45AM - March to Luneta
🔻09:00AM to 12:00NN - Program at Luneta
🔻12:00NN to 01:30PM - March to Mendiola
🔻01:30PM to 02:30PM - Program at Mendiola
🔻02:30PM - EDSA People Power Monument

COORDINATING GC 2.0:
http://m.me/j/AbYu2Q2wEMNfBIho/

PUP RACT SIGN-UP FORM FOR ORGANIZATIONS:
https://tinyurl.com/JoinPUPRACT

Want your organization to be the top-listed Government Service in Manila?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE
Manila