KIAL

KIAL

Share

18/02/2026

Ibahagi ko lang din,

Sa tatlong taon na binigay sa'min ni Kuya Coco para gumanap sa Batang Quiapo, mas kasiyahan ang naramdaman na'min sa bawat taping kaysa uminda sa hirap at pagod (kung may mahirap, lahat nahihirapan, kung nakakapagod, lahat napapagod, hindi para magreklamo ka).

Sa tatlong taon, lahat nakasundo namin (kabatian at kabiruan) dahil pantay-pantay ang turing (nag-aasikasuhan, nagtutulungan, nag-aalalayan). Ganyan kami sa taping at kung bakit ganyan ay dahil 'yan kay Direk CM, sa pagpapaintindi sa'min na isang pamilya lang kami sa BQ.

(Sa totoo lang, tapos na ang karakter namin pero ang utak ko nasa taping pa rin you know what i'm sayin' at hindi 'yan mamimiss ng isip kung hindi kami naging masaya sa BQ).

Blessed at thankful kaming matanggap ni Kuya Coco. Hindi kami artista pero naniwala s'yang kaya namin. Ang imik nga noong una'y "hindi ko kailangan ng magaling, lahat natututo basta mabait at marunong sumunod".

Lumalabas na on-the-spot ang acting workshop namin (sa mismong set na), ang action training naman namin ay nakaschedule tuwing walang taping. ('Pag nagawa namin ng maayos, makakarinig ka ng papuri, 'pag nagkamali, itinatama, 'pag hindi nakikinig sinisermunan, 'pag makulit, pinapagalitan) para sa ikauunlad ng kakayanan namin 'yan at nasa wasto kaming kaisipan kaya maluwag naming natatanggap bilang aral hindi para maging sama ng loob at magpakasensitibo tuwing masisita.

Good times and bad times, natural lang na maranasan mo 'yan hindi lang sa trabaho, balanse ang lahat, nasasa'yo na 'yan kung paano mo dadalhin at mauunawaan.

---

To Kuya Rod, nakita mo naman siguro Kuya kung paano makisama ang Tondo Gang noong nagkakasama tayo sa taping, pero sa naimik mo, hindi ka namin masasamahan d'yan Kuya. Maling mali ang siraan mo ang taong minsan nang nag-alok at nagbukas ng palad para tulungan kang maalis sa hindi maayos na sitwasyon kahit hindi ka naman n'ya kaano-ano. Kung anuman ang naging kalituhan mo sa isip, sana maituwid mo 'yan Kuya. Hindi ako para husgahan ka, walang taong perpekto lalo ngayong age of downfall, pero ang nakikita kong dumudurog sa'yo ay ego mo mismo. Tama na ang hindi magagandang salita Kuya, tutok na lang tayo sa mga anak at kung paano makakabangon ulit. Hiling ko ang paghupa ng mga nararamdaman mong sakit. 🙏🏼

Want your public figure to be the top-listed Public Figure in Manila?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address


Manila