Baliktanaw

Baliktanaw

Share

10/07/2026

๐—๐—ฃ ๐—”๐—ญ๐—จ๐—ฆ๐—”๐—ก๐—ข, ๐—œ๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—ฅ๐—ข๐—ž๐—Ÿ๐—”๐— ๐—” ๐—•๐—œ๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—š ๐—œ๐—ž๐—”-๐Ÿฎ๐Ÿฌ ๐—ฅ๐—˜๐—›๐—˜๐—ก๐—ง๐—˜ ๐—ก๐—š ๐— ๐—”๐—š-๐—”๐—”๐—ฅ๐—”๐—Ÿ ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—จ๐—ฃ

Pormal nang ipinakikilala sa publiko ang ika-20 Rehente ng Mag-aaral ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP) na si John Paul โ€œJPโ€ Azusano, Pangulo ng PUP Sentral na Konseho ng Mag-aaral (PUP SKM), na opisyal na nahalal sa kakatapos lamang na Ika-26 na Kongreso ng Alyansa ng Nagkakaisang Konseho ng PUP (ANAK PUP) na ginanap ngayong araw, Hulyo 10.

Sa isinagawang rank-based selection, nagtamo ni Asuzano ang botong 24 mula sa kabuuang 35 boto ng mga student council president at delegado na kumatawan sa iba't ibang kolehiyo at kampus ng PUP System. Matatandaang isa si Asuzano sa opisyal na nominado na sumailalim sa serye ng konsultasyon, pangangampanya, presentasyon ng vision paper, deliberasyon, at sumalang sa pinal na proseso ng pagpili bilang kinatawan.

Kasunod ng proklamasyon, pormal ding nanumpa si Asuzano sa tungkulin kasama ang mga bagong halal na opisyal ng Ika-26 ANAK PUP Executive Committee, na magsisilbing pederasyon ng mga konseho ng mag-aaral sa buong PUP System.

Bilang ika-20 Rehente ng Mag-aaral, inaasahang pangungunahan ni Azusano ang representasyon ng humigit-kumulang 107,000 Iskolar ng Bayan sa Lupon ng mga Rehente ng PUP, bitbit ang kanyang adbokasiyang na nakatuon sa makamasa at demokratikong representasyon ng sangkaestudyantehan.

Photos from Baliktanaw's post 10/07/2026

๐—ก๐—š๐—”๐—ฌ๐—ข๐—ก | Kasalukuyang nagsasagawa ng General Assembly ang hanay ng mga delegado sa pamamagitan ng nominasyon para sa cluster representatives bilang bahagi ng pagbuo ng ika-26 na Alyansa ng Nagkakaisang Konseho ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (ANAK PUP) Executive Committee, kaugnay ng idinadaos na ikatlong araw ng First Semestral Convention ng ika-26 na Kongreso ng ANAK PUP ngayong araw, Hulyo 10, sa Manila Room, 7th Floor, Hasmin Building, Marcelo H. Del Pilar Campus, PUP Manila.

Pormal nang nagtapos kanina ang deliberasyon mula sa mga panukalang resolusyon ng mga delegado at ng pormal na ipinarating ni ika-25 Pangulo ng ANAK PUP at ika-19 Rehente ng Mag-aaral ng PUP na si Michael Troy Cabangon ang kanyang term report; hudyat ng pagtatapos ng kaniyang termino.

Gayunpaman, matapos ang proseso ng nominasyon, nakatakdang magsagawa ng halalan ang General Assembly para sa mga cluster representatives at iba pang opisyal na bubuo sa ika-26 na ANAK PUP Executive Committee, na hihiranging kinatawan ng iba't ibang cluster sa buong PUP System.

Samantala, sa susunod na proseso, nakatakda na ring iharap ang apat na opisyal na nominado sa pagka-20 Rehente ng Mag-aaral ng PUP ang kani-kanilang vision papers sa harap ng General Assembly bago isagawa ang pinal na proseso ng pagpili ng susunod na Student Regent.

Bukod pa rito, ayon sa kongreso, bagaman apat ang opisyal na nominado para sa naturang posisyon, kauna-unahang matutunghayan sa kasaysayan ng Student Regent Selection ang โ€˜rank-based selectionโ€™ bilang paraan sa pagpili ng susunod na Rehente ng Mag-aaral ng PUP.

| Dexter Flores

Photos from Baliktanaw's post 10/07/2026

๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—ก๐—”๐—ก | Pormal nang sinimulan at binuksan sa publiko ngayong umaga, Hulyo 10, ang ikatlong araw ng First Semestral Convention ng ika-26 na Kongreso ng Alyansa ng Nagkakaisang Konseho ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (ANAK PUP), kung saan nakatakdang magsagawa ng mahahalagang deliberasyon ang kongreso at isagawa ang pagpili sa ika-20 Rehente ng Mag-aaral ng PUP, sa Manila Room, 7th Floor, Hasmin Building, Marcelo H. Del Pilar Campus, PUP Manila.

Matatandaang sa unang dalawang araw ng convention na ginanap nitong Hulyo 8, at kahapon, Hulyo 9, ay itinampok ang talakayan sa mga paunang mosyon, educational discussions, at presentasyon ng mga unit reports mula sa iba't ibang kolehiyo at kampus ng PUP. Gayundin ang paglalatag ng mga konseho ng mag-aaral hinggil sa kalagayan ng kani-kanilang yunit, mga naisakatuparang programa, at mga pangunahing suliraning kinahaharap ng kanilang mga nasasakupan.

Bukod dito, naisakatuparan noong unang araw ng convention ang paunang pagpaplano para sa nalalapit na State of the Nation Address (SONA) 2026, kabilang ang mga panukalang educational discussions, propaganda campaigns, unity statement, at pagsasagawa ng mga SONA ng Bayan sa iba't ibang kampus at kolehiyo bilang bahagi ng pagpapalawak ng pakikilahok ng mga Iskolar ng Bayan.

Samantala, sa ikalawang araw, kahapon, tinalakay naman ng kongreso ang Program and Receipts Expenditures of Student Councils and Student Publications of the PUP System for Fiscal Year 2027, kung saan binigyang-diin ng mga delegado ang pangangailangan ng sapat na suporta at badyet para sa mga konseho ng mag-aaral at publikasyon sa gitna ng patuloy na mga hamon sa loob ng pamantasan. Kaugnay nito, isinagawa ng kongreso ang Pagbasa ng mga nakahain at nakabinbing resolusyon.

Ngayon, sa pagbubukas ng ikatlong araw ng kongreso, itinakda ang pagpapatuloy ng naudlot na pagbasa sa mga nakabinbing resolusyon at ang presentasyon ng mga vision paper ng mga nominado. Kasunod nito, nakatakdang sumailalim sa debate ang mga kandidato bago tuluyang tumungo sa pagpili ng susunod at ika-20 Rehente ng Mag-aaral ng PUP. Bahagi ito ng pagsusulong ng isang bukas at demokratikong proseso para sa representasyon at kapakanan ng humigit-kumulang 107,000 Iskolar ng Bayan.

Maaaring subaybayan ang naturang convention sa pamamagitan ng opisyal na Facebook Livestream sa link na ito: https://www.facebook.com/share/v/17WqkLZUXv/

| Dexter Flores

08/07/2026

๐—œ๐—–๐—ฌ๐— ๐—œ | Pormal nang nagtapos kahapon, Hulyo 7, 2026, ganap na alas-11:59 ng gabi ang opisyal na panahon ng pangangampanya ng apat na nominado para sa paghahanap ng ika-20 Rehente ng Mag-aaral ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP).

Matatandaang sinimulan ang opisyal na campaign period noong Hunyo 23, 2026 at orihinal na nakatakdang magtapos noong Hulyo 2, 2026. Maaalala ring kalauna'y naghain ng petisyon ang apat na opisyal na nominado upang palawigin ang panahon ng pangangampanya, sa layuning magkaroon ng mas malawak na konsultasyon at maipabatid sa humigit-kumulang 107,000 mga Iskolar ng Bayan sa buong sistema ng PUP ang kanilang mga plataporma at kwalipikasyon.

Bagaman pinaboran ng ANAK PUP Commission on Elections (COMELEC) at Search Committee ang naturang petisyon ng mga nominado nagkaloob ng limang (5) karagdagang araw sa halip na pitong araw na ekstensiyon. Bunsod nito, opisyal na napalawig ang campaign period hanggang Hulyo 7, 2026 habang nanatiling umiiral ang lahat ng itinakdang tuntunin at regulasyon sa pangangampanya.

Gayunpaman, nananatili sa opisyal na talaan ng ang apat na nominado na sina Alvin Aligam ng College of Communication Student Council (PUP COC-SC), John Paul โ€œJPโ€ Azusano ng PUP Sentral na Konseho ng Mag-aaral (PUP SKM), Cherry Jhoana Ubani ng College of Political Science and Public Administration Student Council (PUP CPSPA-SC), at Louisze Louriel Valeroso ng PUP Quezon City Supreme Student Council (PUPQC SSC).

Samantala, nakatakdang idaos ngayong araw ang First Semestral Convention ng ANAK PUP 26th Congress, kung saan magsasama-sama ang mga Iskolar ng Bayan at mga kinatawan ng iba't ibang konseho para sa susunod na yugto ng makasaysayang proseso ng pagpili sa ika-20 Rehente ng Mag-aaral ng PUP.

Want your business to be the top-listed Media Company in Manila?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


Anonas Street
Manila
1016

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm