Development Studies Society
The Development Studies Society is an organization based in the University of the Philippines Manila which aims to recognize and promote the welfare of the Development Studies students, protect and uphold the rights of the student body, and commit the organization to the ideals of academic excellence, human rights, social justice and nationalism. Ang teoryang hindi tinatambalan ng praktika ay baog. Ang praktikang hindi ginagabayan ng teorya ay bulag.
29/06/2026
๐๐ฃ๐๐๐๐๐๐๐ก ๐๐ก๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ข๐ก๐ ๐๐๐๐๐ฌ๐๐๐ก! ๐๐๐๐๐ก๐๐ก ๐๐ก๐ ๐ฃ๐๐ฆ๐๐ฆ๐ ๐ข ๐๐ง ๐ฃ๐๐ก๐จ๐ก๐จ๐ฃ๐๐ ๐ก๐ ๐๐ฆ๐ง๐๐๐ข!
Noong Hunyo 26, inilunsad ang ๐๐ฎ๐น๐๐๐ผ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ป๐ฎ๐๐๐ป๐ฎ๐ป: ๐๐ฒ๐ณ๐ฒ๐ป๐ฑ ๐๐ฐ๐ฎ๐ฑ๐ฒ๐บ๐ถ๐ฐ ๐๐ฟ๐ฒ๐ฒ๐ฑ๐ผ๐บ ๐๐ฎ๐บ๐ฝ๐ฎ๐ถ๐ด๐ป bilang pagtugon sa lumalalang panunupil sa akademikong kalayaan at sa karapatan ng mga estudyante na matuto kasama ang mamamayan sa pamamagitan ng community integration at fieldwork.
Ang unibersidad ay hindi lamang binubuo ng mga pagkatuto sa loob ng silid-aralan at mga babasahin na kinakailangang tapusin. Bahagi ng tunay na edukasyon ang pakikipamuhay sa mamamayan, pag-aaral sa kongkretong kalagayan ng lipunan, at pagsasabuhay ng mga natutuhan sa pamamagitan ng paglilingkod sa mga batayang sektor.
Subalit sa halip na suportahan ang ganitong uri ng pagkatuto, patuloy na dumarami ang mga hakbang na pumipigil dito. Sa mga nagdaang taon, patuloy na dumarami ang mga burukratikong rekisito at prosesong ipinapataw sa mga estudyante at g**o na nagsasagawa ng immersions at fieldwork. Kasabay nito ang tumitinding surveillance, red-tagging, intimidasyon, at militarisasyon na naglalayong pigilan ang mga kabataang makisalamuha sa mga komunidad at maunawaan ang kongkretong kalagayan ng sambayanan.
Para sa mga mag-aaral ng Araling Pangkaunlaran at iba pang disiplina na nakaugat sa paglilingkod sa mamamayan, ang community integration ay isang mahalagang prosesong nagpapabuhay muli sa pagkatuto, pananaliksik, at pakikipamuhay sa mga magsasaka, mangingisda, manggagawa, katutubo, at iba pang marhinalisadong sektor upang higit na maunawaan ang mga ugat ng kahirapan at kawalan ng katarungan sa lipunan. Ang edukasyong nakakulong sa apat na sulok ng silid-aralan ay hindi sapat upang humubog ng mga lingkod-bayan na tunay na nagsisilbi sa sambayanan.
Mariing kinondena ng Development Studies Society ang mga patakaran at mekanismong naglilimita sa community integration at practicum ng mga estudyante. Sa halip na suportahan ang kritikal na pag-aaral at malayang pananaliksik, nagiging instrumento ang mga ito sa pagpapatahimik at pagkitid ng demokratikong espasyo sa loob at labas ng pamantasan. Ayon kay Niele, Chairperson ng Development Studies Society, "๐ง๐ฎ๐ธ๐ผ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ป๐ฒ๐ผ๐น๐ถ๐ฏ๐ฒ๐ฟ๐ฎ๐น ๐ป๐ฎ ๐ฒ๐ฑ๐๐ธ๐ฎ๐๐๐ผ๐ป ๐๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ด-๐ฎ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐น ๐ป๐ฎ ๐น๐๐บ๐๐น๐๐ฏ๐ผ๐ด ๐๐ฎ ๐บ๐ด๐ฎ ๐บ๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐ด๐๐ฎ๐๐ฎ๐ธ๐ฎ ๐ฎ๐ ๐บ๐ฎ๐ป๐ด๐ถ๐ป๐ด๐ถ๐๐ฑ๐ฎ, ๐ฑ๐ฎ๐ต๐ถ๐น ๐๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ฑ๐ฎ๐น๐๐๐ผ๐ป๐ด ๐๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐ป๐ฎ๐๐๐ป๐ฎ๐ป ๐ป๐ฎ๐๐ถ๐ป ๐ป๐ฎ๐๐ถ๐๐ถ๐ฝ๐ฎ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐๐ป๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ ๐๐ด๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ต๐ถ๐ต๐ถ๐ฟ๐ฎ๐ฝ." Ipinunto niyang ang mga paghihigpit sa community integration ay hindi lamang pumipinsala sa pagkatuto ng mga estudyante, kundi maging sa karapatan nilang magsuri, makiisa, at maglingkod sa mamamayan.
Kasabay nito, iginiit din ng organisasyon na ang pakikipamuhay ay hindi isang pribilehiyo kundi mahalagang bahagi ng isang edukasyong nakaugat sa realidad ng sambayanan. Binigyang-diin ni Marc ng Development Studies Society na hindi maaaring ihiwalay ang edukasyon sa mamamayan. Aniya, ang mga pamantasan ay dapat manatiling espasyo ng malayang pag-iisip at kritikal na pagsusuri, kung saan malayang nakapag-aaral at nakikipag-ugnayan ang mga estudyante sa iba't ibang sektor ng lipunan. "๐ฆ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ธ๐ฎ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฒ๐ฑ๐๐ธ๐ฎ๐๐๐ผ๐ป๐ด ๐ต๐ถ๐๐ฎ๐น๐ฎ๐ ๐๐ฎ ๐บ๐ฎ๐บ๐ฎ๐บ๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ ๐ฒ๐ฑ๐๐ธ๐ฎ๐๐๐ผ๐ป๐ด ๐ต๐๐ป๐ด๐ธ๐ฎ๐ด, ๐ฎ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐ฎ๐น๐ฎ๐บ๐ฎ๐ป๐ด ๐ต๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐ถ๐ป๐ถ๐น๐ถ๐น๐ถ๐ป๐ด๐ธ๐ผ๐ฑ ๐๐ฎ ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ ๐ธ๐ฎ๐ฎ๐น๐ฎ๐บ๐ฎ๐ป๐ด ๐ต๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐ด๐ฎ๐ป๐ฎ๐ฝ ๐ป๐ฎ ๐ป๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ธ๐ถ๐ป๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ป," pagtatapos niya.
Sa gitna ng tumitinding panunupil, nananawagan ang kampanya sa mga administrasyon ng mga kolehiyo at unibersidad na tumindig para sa akademikong kalayaan, alisin ang mga mapanghadlang na proseso, at ipagtanggol ang mga makabayang mag-aaral laban sa red-tagging at iba pang anyo ng intimidasyon. Iginigiit din ang pagbuwag sa NTF-ELCAC at ang paglalaan ng pampublikong pondo sa mga serbisyong panlipunan, kabilang ang edukasyon, sa halip na sa mga programang nagpapalaganap ng panunupil.
Hinihikayat din ang mas malawak na hanay ng mga kabataan na huwag ikulong ang kanilang pag-aaral sa loob ng mga institusyon kundi dalhin ito sa mga komunidad, kung saan higit na mauunawaan ang materyal na kalagayan ng sambayanang Pilipino.
๐๐ป๐ฎ๐ฎ๐ป๐๐ฎ๐๐ฎ๐ต๐ฎ๐ป ๐ป๐ฎ๐บ๐ถ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐น๐ฎ๐ต๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ ๐บ๐ฎ๐ธ๐ถ๐ถ๐๐ฎ ๐๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ฝ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐น๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐บ๐ฝ๐ฎ๐ป๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ฑ๐ฒ๐บ๐ถ๐ธ๐ผ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ฎ๐ฎ๐ป! Sama-sama nating ipagtanggol ang karapatan ng mga estudyante na matuto mula sa mamamayan at igiit ang isang edukasyong tunay na nagsisilbi sa sambayanan.
Magrehistro bilang indibidwal o organisasyon sa:
https://forms.gle/oyFqXuKavj77AtSv6
26/06/2026
๐๐๐๐๐ก๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐ฅ๐๐๐๐ข๐ !
Sa gitna ng tumitinding pag-atake sa akademikomg kalaayan, patuloy na nilalansag ng estado ang mga espasyong nagbibigay daan sa mga estudyante upang matuto mula sa masang anakpawis.
Ang community integration at fieldwork sa mga komunidad, lalo na sa kanayunan, ay mahalagang bahagi ng edukasyon lalo na sa proseso ng paglalapat ng teorya sa kongkretong kalagayan ng lipunan. Sa pamamagitan nito, nahuhubog ang mga estudyante hindi lamang bilang mahuhusay na intelektwal kundi bilang mamamayang may malalim na pag-unawa sa mga ugat ng kahirapan, kawalan ng lupa, at iba pang demokratikong suliranin ng sambayanan.
Ngunit sa halip na kilalanin ang halaga nito, patuloy itong tinatarget ng mga naratibo ng โterror groomingโ ng NTF-ELCAC. Ang community integration at fieldwork ay ginagawang target ng red-tagging at panunupil. Lalo pa itong pinatitindi ng pagilalim ng administrasyon sa panig ng estado at pinaiigting ang mga burukratikong mga patakaran sa loob ng mga pamantasan. Malinaw ito na pag-atake sa karapatan ng kabataan na matuto, mag-organisa, at makiisa sa sambayanan.
Sa harap ng mga pag-atakeng ito, itatayo ang ๐๐ฎ๐น๐๐๐ผ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ป๐ฎ๐๐๐ป๐ฎ๐ป: ๐๐ฒ๐ณ๐ฒ๐ป๐ฑ ๐๐ฐ๐ฎ๐ฑ๐ฒ๐บ๐ถ๐ฐ ๐๐ฟ๐ฒ๐ฒ๐ฑ๐ผ๐บ ๐๐ฎ๐บ๐ฝ๐ฎ๐ถ๐ด๐ป, isang kolektibong panawagan upang ipagtanggol ang karapatan ng mga estudyante sa malaya, makabayan, siyentipeko, at maka-masang edukasyon.
Iniimbitahan ang lahat na dumalo sa forum at makiisa sa pagpapalakas ng kampanya para sa akademikong kalayaan!
๐ June 26, 2026 (Friday)
๐ 2:00 PM
๐ College of Education Room 204, Benitez Hall, UP Diliman
03/06/2026
KABATAAN, MAKIISA SA LABAN NG MASA!
Dama ng mamamayang Pilipino ang krisis sa ilalim ng rehimeng US-Marcos na patuloy ang paggamit ng whole-of-nation approach para sugpuin ang mamamayang lumalaban. Nakikita ang tumitinding militarisasyon sa kanayunan tulad ng nangyaring pamamaslang ng berdugong AFP sa Toboso 19. Ang ganitong represyon ay dama rin ng mga estudyante sa kalunsuran. Lumalala ang red-tagging ng NTF-ELCAC sa mga kabataang-aktibista at ang mga represibong polisiya sa mga unibersidad na yumuyurak sa kalayaang pang-akademiko ng mga estudyante.
Tumataas ang matrikula, lumalala ang kawalan ng katiyakan sa kinabukasan, at lumalayo ang neoliberal na edukasyon sa tunay na pangangailangan ng mamamayan. Sa ganitong kalagayan, maraming estudyante ang nagsisimulang magtanong at magalit, bakit ganito ang sistema at sino ang tunay na nakikinabang dito? Saan ang kinalalagyan ng estudyante sa laban ng masa?
Sumama sa ating Educational Discussion ngayong Biyernes, Hunyo 5 (1-4 PM), sa pagtalakay sa papel ng kapangyarihang estudyante sa malawak na pakikibaka ng masa. Sama-sama nating suriin kung paano nahuhubog ang kamalayang estudyante sa gitna ng krisis, bakit mahalaga ang konkretong pag-unawa sa kalagayan ng masa, at kung bakit walang tunay na kapangyarihang estudyante kung hiwalay ito sa masa.
Susundan ito ng pagkilos at cultural night.
๐ป 4:00 PM - Assembly @ CAS Tambayan
๐ป 4:30 PM - Protest Action @ CAS Gate
๐ป 6:00 PM - Cultural Night @ CAS Oblation
Makilahok at makiisa sa laban para sa ating karapatan!
Click here to claim your Sponsored Listing.
Contact the establishment
Website
Address
College Of Arts And Sciences, P. Faura Street
Manila