Kilos Handa
28/03/2026
Sa oras ng lindol, ang kahandaan ay maaaring magligtas ng buhay. π‘
Siguraduhing may nakahandang Emergency Go Bag na naglalaman ng mga pangunahing pangangailangan tulad ng gamot π, pagkain π, tubig π°, mahahalagang dokumento π, at mga gamit para sa kaligtasan at komunikasyon βοΈ.
Mainam na ihanda ito nang maaga at ilagay sa lugar na madaling makuha sakaling magkaroon ng biglaang paglikas. Tandaan na sa oras ng sakuna, mahalaga ang bawat segundo. Ang pagiging handa ay makakatulong upang mapanatili ang kaligtasan ng buong pamilya.
Huwag hintayin ang pagdating ng sakuna bago kumilos.
Maging alerto, maging handa, at maging ligtas!
28/03/2026
Hindi natin kayang pigilan ang pagdating ng sakuna, pero kaya nating paghandaan ang mga posibleng mangyari. π§οΈπ
Kapag dumating ang sakuna, bawat segundo ay mahalaga. Ang tamang kaalaman at mabilis na aksyon ang magsisilbing gabay natin upang makaiwas sa mas malaking pinsala. At matapos ang lahat, ang maingat na pagbangon at pagtutulungan ang susi sa muling pagbangon ng komunidad. π€π
Hindi man natin kontrolado ang sitwasyon, kontrolado natin kung paano tayo maghahanda.
Maging handa, manatiling alerto, at unahin ang kaligtasan; para sa sarili at sa iba. βοΈ
28/03/2026
Hindi natin alam kung kailan darating ang lindol ngunit ang kahandaan ay laging nasa ating kamay. πβ οΈ
Ang lindol ay isang biglaang pagyanig ng lupa dulot ng paggalaw ng fault line o aktibidad ng bulkan. Maaari itong magdulot ng ibaβt ibang panganib tulad ng pagyanig ng lupa, pagkabiyak ng lupa, pagguho, at maging tsunami (daluyong).
Iba-iba rin ang lakas ng lindol mula sa halos hindi nararamdaman hanggang sa ganap na pagkawasak ng mga gusali at kapaligiran. Kaya mahalagang maunawaan natin ang earthquake intensity at ang mga posibleng epekto nito sa ating kaligtasan. π π₯
Sa panahon ng sakuna, kaalaman ang unang depensa. Ang pagiging handa ay hindi opsyon, bagkus ito ay responsibilidad. π‘
Maging alerto, maging handa, at protektahan ang sarili at pamilya. βοΈ
28/03/2026
Alam niyo ba na ang pagiging handa ay hindi lang basta opsyonβito ay LIFESAVER! π‘οΈπͺ
Sa gitna ng anumang pagyanig, ang kaalaman mo ang magliligtas sa iyo at sa iyong pamilya.
Huwag nating hintayin ang sakuna bago tayo kumilos! πββοΈπ¨ Check na ba ang iyong listahan?
1οΈβ£ Earthquake Intensity Scale β Gaano ba kalakas ang yanig? Dapat alamin! ππ€
2οΈβ£ Gabay sa Paghahanda β May plano na ba ang buong pamilya? Duck, Cover, and Hold! π’π¦
3οΈβ£ Emergency Go Bag β Kumpleto na ba ang gamit mo? Huwag kalimutan ang tubig, pagkain, at first aid kit! ππ¦π
Sama-sama tayong maging wais at laging handa! π―β¨
06/11/2023
βAng kaligtasan ng ina ay kaligtasan ng pamilya.β π¨βπ©βπ§βπ¦
Alam niyo ba na maraming sanggol ang namamatay dahil sa ibaβt ibang komplikasyon? π Huwag kang mag-alala dahil ang mga komplikasyong ito ay maaaring maagapan sa ANTENATAL CHECK-UP! π€°
Sa proyektong ito, nais naming ipahiwatig sa mga mommies at future mommies ang:
π Kahalagahan ng Antenatal Check Up;
π Ano ang ginagawa sa Check Up; at ang
π Posibleng mangyari kapag walang check up
Pagkatapos basahin ang sumusunod, maaarin sagutan ang aming Evaluation Form:
π https://forms.gle/1yU6XF2cVqdCsZta6
Mula sa UST College of Nursing 2026, alalahanin ang Gabay kay Mommy ay Aruga kay Baby! π€±
Click here to claim your Sponsored Listing.
Website
Address
University Of Santo Tomas
Manila