Koop.Works

Koop.Works

Share

10/05/2026

To all mothers and mother figures,

Today is a special day to honor your endless love, strength, sacrifices, and care. Through every challenge and quiet sacrifice, you continue to nurture, guide, and uplift the people around you with unwavering compassion and resilience. Your presence brings comfort, your wisdom brings strength, and your love leaves a lasting impact that shapes lives every day.

Thank you for all that you doβ€”seen and unseen. Today and every day, we celebrate and appreciate you.

π‡πšπ©π©π² πŒπ¨π­π‘πžπ«β€™π¬ πƒπšπ²! πŸ’βœ¨

06/05/2026

ADVISORY | PUP shifts to online modality at Main Academic Building (East and West Wings)

Polytechnic University of the Philippines has announced a shift to online modality for students with classes at the Main Academic Building, specifically the East and West Wings, starting May 6, 2026 until further notice. This follows the fire incident that occurred on May 5.

Source: Polytechnic University of the Philippines (Official)

Photos from Koop.Works's post 05/05/2026

π™π™€π˜Όπ™π™π™π™€ | Bigkis ng Bayan: COOP-UNITY, Sandigan ng Tsuper at Magsasaka sa Panahon ng Krisis

Sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis at pangunahing bilihin, muling pinatunayan ng sektor ng kooperatiba ang kapangyarihan ng pagkakaisa sa pamamagitan ng paglulunsad ng programang COOPUNITY: Katuwang ng Tsuper sa Pasada. Sa pagtutulungan ng Koop.Works at Union of Metro Manila Cooperatives (UMMC), isinakatuparan ang isang inisyatibo na hindi lamang tumutugon sa agarang pangangailangan ng mga tsuper, kundi nagbibigay rin ng suporta sa mga lokal na magsasaka.

Nagsimula ang araw sa isang maikling oryentasyon na nagbigay-linaw sa mahalagang papel ng mga union cooperatives sa pag-uugnay ng iba’t ibang kooperatiba upang makalikha ng mas malawak na epekto sa lipunan. Ipinaliwanag din dito ang layunin ng COOP-UNITY bilang tugon sa kasalukuyang hamon ng ekonomiya. Layon nitong maibsan ang pasanin ng mga Public Utility Jeepney drivers, TNVS drivers, at riders na direktang naaapektuhan ng pagtaas ng presyo ng krudo. Kasabay nito, pinalawak din ng programa ang saklaw ng pagtulong sa pamamagitan ng pagkuha ng bigas at gulay mula sa mga kooperatiba, na nagbibigay ng dagdag na kita sa mga magsasaka.

Sa aktwal na repacking ng relief goods, kapansin-pansin ang organisado at masiglang pagtutulungan ng mga boluntaryo. Agad silang nagbahagi ng mga gawain upang masigurong maayos at episyente ang proseso. May mga nakatuon sa pagsukat ng tig-tatatlong kilo ng bigas sa bawat pack, habang ang iba naman ay maingat na pumipili at naghahanda ng mga gulay upang matiyak ang kalidad nito. Mayroon ding grupo na nagsasaayos ng pantay-pantay na bahagi ng bawat relief pack upang masigurong patas ang matatanggap ng bawat benepisyaryo. Sa kabila ng abalang gawain, nanatiling magaan ang kapaligiran, na pinupuno ng tawanan at kwentuhan ng mga kalahok.

Sa pamamagitan ng sama-samang pagsisikap, matagumpay na nakabuo ang grupo ng 150 relief packs na ipamamahagi sa mga tsuper mula sa Marikina, Pasig, Pateros, at Taguig bilang unang batch ng distribusyon noong ika-3 ng Mayo. Para sa mga benepisyaryo, ang simpleng tulong na ito ay nagsisilbing malaking ginhawa sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.

Ayon sa mga tagapag-organisa, ang COOP-UNITY ay hindi lamang isang programang pangtulong, kundi isang simbolo ng kapayapaan at pakikiisa ng iba’t ibang sektor. Ipinapakita nito na sa panahon ng krisis, ang pagtutulungan ang nagsisilbing sandigan upang makabangon.

Hinihikayat din ng mga boluntaryo, tulad ni Gwenn Alaurin ang kapwa kabataan na patuloy na makilahok sa mga ganitong gawain. Para sa kanya, kahit ang simpleng pagkilos ay may malaking ambag sa kapwa.

Ang COOP-UNITY ay hindi pagtatapos ng isang proyekto, kundi simula ng mas marami pang inisyatibo na naglalayong maghatid ng pag-asa at pagbabago sa komunidad.
____
Written by: Ira Bustamante, Jaivy CapariΓ±o, Shandonne Oliver & Ilyssa Bejo
Layout by: Jherica Famero
Photos from: Krizel Boco & Justine Susa

Want your university to be the top-listed University in Manila?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Address


2nd Floor, East Wing, A. Mabini Campus Polytechnic University Of The Philippines, Sta. Mesa
Manila