Panahon
Students
👨🏫 MUHADEER: SHIEKH Easa Real
MUHADARA SERIES
🗓️ 06/17/2026
⏰ 𝓣𝓲𝓶𝓮: 10:10𝗽𝗺 𝗣𝗶𝗻𝗮𝘀 🇵🇭
Link:
To join the meeting on Google Meet, click this link:
15/06/2026
May isa nanamang arabo at matandang babae ang nagbigay sa akin ng tubig habang ako'y naghahanap ng trabaho at tirik na tirikang araw dalawang tubig na malamig.
Jazakhallahukhair hindi man kita kilala pero ang Allah na ang magbibigay ng gantimpala sa iyo.
Inshallah!!
Gantimpala sa pagbibigay ng tubig sa nauuhaw, at ito ay maaaring maging dahilan ng kapatawaran at kaligtasan sa Araw ng Paghuhukom sa kapahintulutan ni Allah.
Sinabi ni Muhammad ﷺ:
"Habang may isang lalaki na naglalakad, siya ay nakaramdam ng matinding uhaw. Nakakita siya ng balon, bumaba rito at uminom. Pag-ahon niya, nakita niya ang isang a*o na hinihingal at dinidilaan ang lupa dahil sa uhaw. Sinabi ng lalaki: 'Ang a*ong ito ay nakararanas ng uhaw tulad ng naranasan ko.' Kaya bumaba siyang muli sa balon, pinuno ang kanyang sapatos ng tubig, at pinainom ang a*o. Kaya pinasalamatan siya ni Allah at pinatawad ang kanyang mga kasalanan."
— Sahih al-Bukhari at Sahih Muslim
At sinabi rin ng Propeta ﷺ:
"Sa bawat may buhay na nilalang na inyong pakikitaan ng kabutihan ay may gantimpala."
— Sahih al-Bukhari
Kaya ang pagbibigay ng tubig sa tao o maging sa hayop na nauuhaw ay kabilang sa mga dakilang sadaqah (kawanggawa). Ito ay maaaring maging dahilan ng awa ni Allah, kapatawaran ng kasalanan, at kaligtasan sa Araw ng Paghuhukom.
Maikling paalala:
"Kung ang pagpapainom ng tubig sa isang a*o ay naging dahilan ng kapatawaran ng kasalanan, gaano pa kaya kalaki ang gantimpala ng pagpapainom ng tubig sa isang taong nauuhaw?"
14/06/2026
Ang ilang matitibay na dalil mula sa Qur'an at Sunnah na nagpapakita na ang pagsubok ay para sa mga mananampalataya at hindi mananampalataya, at hindi ito katibayan na pinabayaan ng Allah ang tao.
1. "Diyos ko po, bakit ako pa?"
Qur'an
"At katiyakang susubukan Namin kayo sa pamamagitan ng kaunting takot, gutom, kakulangan sa yaman, buhay at mga bunga. At magbigay ka ng magandang balita sa mga matiisin."(Surah Al-Baqarah 2:155)
Hadith
Sinabi ng Propeta ﷺ:
"Ang mga taong pinakamatindi ang pagsubok ay ang mga Propeta, pagkatapos ay yaong pinakamalapit sa kanila sa pananampalataya, at pagkatapos ay yaong sumunod sa kanila."
— Muhammad, Sunan At-Tirmidhi 2398
2. "Sa dami ng tao sa mundo, bakit ako pa?"
Qur'an
"Inaakala ba ng mga tao na sila ay pababayaan na lamang dahil nagsabi sila ng: 'Kami ay nanampalataya,' at hindi sila susubukin?"(Surah Al-'Ankabut 29:2)
Hadith
Sinabi ng Propeta ﷺ:
"Kapag minamahal ng Allah ang isang tao, sinusubok Niya ito."
— Sahih al-Bukhari 5645
3. "Ano ba ang nagawa kong mali?"
Qur'an
"Walang anumang sakuna ang dumarating maliban sa kapahintulutan ng Allah."(Surah At-Taghabun 64:11)
Hindi lahat ng pagsubok ay kaparusahan. Maaaring ito ay:
paglilinis ng kasalanan,
pagtaas ng antas,
o pagsubok sa pananampalataya.
Hadith
"Walang anumang pagod, sakit, kalungkutan, dalamhati, pinsala o pag-aalala na dumadapo sa isang Muslim maliban na ipinambabayad ng Allah dito ang ilan sa kanyang mga kasalanan."
— Sahih al-Bukhari 5641
4. "Bakit sila ang ginhawa ng buhay nila, kami hindi?"
Qur'an
"Huwag mong hangarin ang ipinagkaloob Namin sa ilan sa kanila bilang palamuti ng buhay sa mundong ito upang subukin sila rito."(Surah Ta-Ha 20:131)
Qur'an
"Tunay na ang inyong mga yaman at mga anak ay isang pagsubok lamang."(Surah At-Taghabun 64:15)
Ang kayamanan ay maaari ring maging pagsubok gaya ng kahirapan.
5. "Hindi na ako naniniwala sa Diyos dahil puro paghihirap na lang."
Qur'an
"At may mga taong sumasamba sa Allah nang nasa gilid lamang; kapag may mabuting nangyari sa kanya siya ay kampante, ngunit kapag siya ay tinamaan ng pagsubok siya ay tumatalikod."(Surah Al-Hajj 22:11)
Hadith
Sinabi ng Propeta ﷺ:
"Napakaganda ng kalagayan ng mananampalataya. Kapag may mabuting nangyari, siya ay nagpapasalamat; at kapag may masamang nangyari, siya ay nagtitiis. At ito ay mabuti para sa kanya."
— Sahih Muslim 2999
Pagsubok Din Ba ang mga Hindi Mananampalataya?
Qur'an
"At susubukan Namin sila sa mabuti at masama bilang pagsubok."(Surah Al-A'raf 7:168)
Qur'an
"Huwag mong isipin na ang pagpapaliban ng Allah sa mga mapang-api ay mabuti para sa kanila."(Surah Ibrahim 14:42)
Pangwakas na Paalala
Qur'an
"Hindi nagpapataw ang Allah sa isang kaluluwa ng higit sa kanyang makakaya."(Surah Al-Baqarah 2:286)
Qur'an
"Katotohanang kasabay ng kahirapan ay kaginhawahan. Katotohanang kasabay ng kahirapan ay kaginhawahan."(Surah Ash-Sharh 94:5-6)
Qur'an
"At magtiis ka, sapagkat tunay na ang Allah ay kasama ng mga matiisin."(Surah Al-Anfal 8:46)
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Manila