Extra Service PH.

Extra Service PH.

Share

21/12/2020

PILIPINAS! Sa kasagsagan ng pandemya ilang mga pangyayari ang sumubok sa mamamayang Pilipino. May mga bagyong nagdala ng kasawian, pagbaha at pagkasira ng ari-arian. Mayroon din naman na mga pangyayaring sumubok sa pagpapakatao ng ilan. Kung ating natatandaan, isa sa mga aralin na ating tinahak noong tayo ay bata pa lamang ang siyang humuhubog sa ating pagpapahalaga at kaasalan. Ngunit, sa panahon ngayon, ito ay sinubok kung papaano maipapakita ng isang taong alagad ng batas.

Ika-20 ng Disyembre, 5:10 nang hapon sa Barangay Cabayaoasan in Paniqui, Tarlac ay winakasan ni Police Senior Master Sergeant Jonel Nuezca, 46 taong gulang ang mag-inang nagngangalang Sonya at Frank Anthony Gregorio, 56 taong gulang at 25 taong gulang. Ang alitan ay sinabing nagmula sa ingay ng Boga, ito ay gawa sa PVC pipe o kaya ay sa kawayan. Ang komprontasyon ay di lamang naganap sa araw na iyon bagkus ay may naganap na rin na alitan noon pa man dahil sa right of way. Ito ay naayos na sa barangay ngunit may sumibol na di pagkakaunawaan dahil naman sa ingay ng boga. Ang pangyayaring ito ay tumagal nang mahigit sampung minuto, yakap yakap ni Ginang Gregorio ang anak upang di mahila ng nasabing pulis. Hindi paawat ang magkabilang Partido, siya rin namang makikita ang pagsali ng anak ng kriminal na kalaunang nagmitsa ng pagbunot at pagbaril ng pulis sa mag-ina.

Umani ng batikos sa Internet ang di kaaya-ayang paguugali ng bata na ang pangalan ay Elisha Nuezca. Bago patayin ng pulis ang mag-ina ay may binanggit ang batang ito patungkol sa dalawa, “My Father is a Police Man!” Lingid sa kaalaman ng bata ang bigat ng iniwan niyang mga salita. Dahil dito makikita natin ang ilan sa mga Hashtags mula sa Twitter App, gaya ng at MY FATHER IS A POLICEMAN. Ang pagbibitaw ng linyang ito ay nagbigay ng pasilip sa kung paanong pamamaraan pinalaki ng pulis ang kanyang anak. Malaki ang gampanin ng magulang sa pagpapalaki ng kanilang mga anak, na nabibigyan sila nang maayos na paggabay at patnubay sa paglaki.

Kabahagi ng Extra Service Ph, nanawagan kami sa pagkilala sa ilang karumal dumal na krimen ng kapulisan na magkaron ng malawakang reporma sa ikabubuti ng kapulisan. Para na rin sa ikapapayapa ng mag-inang si Sonya Gregorio at Frank Anthony Gregorio.

20/12/2020

MALAKING POPULASYON! Ang patuloy na pag-igting ng kahirapan sa Pilipinas at kapabayaan ng pagpapatupad sa batas ang isa sa dahilan kung bakit dumarami ang kababaihan at kabataan na naaabuso ng prostitusyon at human trafficking.

Ang dalawang lugar na nabanggit ay ilan lamang sa lugar na ang mga negosyante at siyang nagmamay ari ng bar ang tumatamasa ng benepisyo mula sa mga kababaihan na naaabuso sa sekswal na pamamaraan. Mahigit 500,000 na s*x workers amg matatagpuan sa Pilipinas, 3000 dito ay makikita sa Baguio, isa sa dinarayo ng mga turista sa Pilipinas. Ayon kay Tex, isang Baguio-based rights advocate at miyembro ng Philippine S*x Worker Collective, “ Ang dahilan kung bakit patuloy pa rin nagaganap ang pang-aabuso ay dahil sa hindi ito ganong binibigyang pansin ng pamahalaan.” (Dumlao, 2013)

Upang mabawasan ang stigma sa mga s*x workers, isang NGO, bilang bahagi ng kanilang kampanya, ang W***E (Women Hookers Organizing For Their Rights and Empowerment), na siyang nakipag-usap sa ilang s*x workers sa Baguio upang ipromote ang kanilang karapatan.

Bukod sa Baguio, ang Angeles City, Pampanga, ay isa sa mga US Military base ay nagmistulang hotspot para sa mga dayuhan na naghahanap ng makakatalik. Ang aksyon ng pamahalaan ay hindi sapat para sa pagpuksa sa problemang ito. Bilang karagdagan, nagbitaw ng pahayag ang pangulo na nagsasabing, “They are all on the beach, sunbathing.” Binanggit niya ito noong State of the Nation address niya noong Hulyo na nagsilbing paanyaya sa mga taong may masamang hangarin sa kababaihan at kabataan.

Ang bilang ng mga kababaihan at kabataan sa Angeles, Pampanga na siyang ginagamit sa s*x work ay umabot ng 9000, sila ay nirehistro bilang mga entertainers upang maiwasan ang restriksyon ng batas. Higit na 100 kabataan kada taon ang dumaragdag sa bilang ng mga s*x worker dito para mapunan ang pangangailangan ng mga dayuhan. (Redfern, 2020)

Dahil sa pagsasawalang bahala ng pamahalaan sa isyung ito ay naapektuhan ang kaligtasan ng kababaihan at kabataan. Ito ay panawagan sa mga awtoridad upang paghusayin ang pagpapatupad ng batas para maging ligtas ang kababaihan at kabataan.

Masasabi ba natin na ligtas ang Pilipinas para sa kababaihan at kabataan?

07/12/2020

EXTRA SERVICE PH VLOGS: Prostitusyon na bunga ng kahirapan | Maikling rebyu sa librong The Secret ni Rhonda Byrne

Sa patong-patong na problema na kinakaharap ng ating mundo, marami sa ating ang napipilitang kumapit sa patalim para lamang mabuhay. Marami sa ating ang tila ba ay hindi makawala sa pagkakagapos sa kahirapan kaya nagagawang pasukin ang madilim na mundo ng prostitusyon.

Ngunit ayon sa libro ni Rhonda Byrne na "The Secret",tinatalakay ang kakayahan ng tao na mag attract o makuha ang anumang bagay na naisin nito basta't ito'y palaging iniisip. ang konseptong ito ay tinatawag na law of attraction.

Panoorin ang pang-4 na video ng Extra Service PH sa pagbibigay ng maikling rebyu sa nasabing libro at ng may pagbibigay ng mga konkretong halimbawa na alinsunod sa pokus ng aming campaign.




Disclaimer: NO COPYRIGHT INFRINGEMENT INTENDED

Photos from Extra Service PH.'s post 04/12/2020

Sa panahon ng pandemya hindi lamang mga ordinaryong serbisyo ang napunta online dahil sa lockdown at pangangailan ng physical distancing. Mula nang magsimula ang lockdown sa Pilipinas at sa buong mundo, napunta na rin ang pagbebenta ng katawan sa mga online platforms.

Mula twitter hanggang sa iba't ibang live streaming sites tulad ng Chaturbate at OnlyFans, sandamakmak na mga apektado ng lockdown ang tumuloy upang magbenta ng kanilang mga hubad na larawan at mahahalay na video para sa mga lokal at dayuhang parokyano.

Ipinakikita ng mga estadistika na tumaas lalo ang bilang ng mga taong nagnais/napilitan pumasok sa pagbebenta ng katawan online. Masaklap ay maging mga menor de edad ay nasasabak sa gawaing ito.

Want your school to be the top-listed School/college in Manila?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address


Philippine Normal University
Manila