BSEd - Filipino 4-2
17/01/2025
๐จ๐ก๐ข ๐ฃ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐๐ฆ๐๐ฑ ๐๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ผ!
Ikinagagalak namin na batiin ang mga mag-aaral mula sa BSED FILIPINO 4-2 para sa kanilang husay at dedikasyon na malampasan ang unang semestre sa huling taon sa kolehiyo. Hindi man naging madali ang bawat balasa ng baraha subalit sinubukan pa rin na tatagan ang paninindigan tungo sa tagumpay. Napagod man at huminto panandalian ngunit ipinagpatuloy ang pagtuturo para sa kabataan. Wala nang pag-aalinlangan na bumalik pa sa kabiguan dahil nakamit na natin ang inaasam na kasukdulan. Madaragdagan man ng ilang beses na pagkabigo subalit sa prinsipyo tayoโy titindig at lalaban sa dulo.
Muli, ito na ang huling pagkakataon upang ipamalas ang ating husay sa larangan ng pagtuturo. Binabati namin kayo. Ilabas na ang huling alas at sabay na isigaw ang ๐จ๐ก๐ข hanggang wakas!
14/11/2024
"๐ฆ๐๐ธ๐ถ ๐๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ถ๐ด๐ถ๐ป๐ด ๐น๐ถ๐ฑ๐ฒ๐ฟ, ๐ฑ๐ถ๐ฟ๐ฒ๐ธ๐๐ผ๐ฟ, ๐ฎ๐ ๐๐ถ๐๐ฎ ๐ฟ๐ถ๐ป ๐ฎ๐ ๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ฑ๐ฎ๐ป๐ฐ๐ฒ๐ฟ!"
Mag-ingay para sa isa sa mga matatapang na namuno sa mga pangkatang gawain, maging direktor ng dula, at maging isang magaan na miyembro sa mga pangkatang gawain, walang iba kung hindi si ๐๐. ๐๐ฅ๐๐ฑ๐ ๐๐จ๐ฒ ๐๐ก๐๐ฏ๐๐ณ. Maligayang kaarawan sa iyo aming kamag-aral, hindi maikakailang isa ka sa magpapamalas ng rikit ng Wikang Filipino dahil tiyak kaming taglay mo ang pagiging malikhain na siyang magbibigay buhay sa pagpapalaganap ng Wika lalo na ang mga akdang pampanitikang hitik sa karunungan sa pamamagitan ng iyong mga karanasan.
Mula sa ๐๐ฆ๐๐ฑ-๐๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ผ ๐ฐ-๐ฎ, hiling namin ay kagalakan at tagumpay sa lahat ng mithiin mo sa buhay. Nawa'y ipagpatuloy ang pagpapanday sa pangarap na inaasam anuman ang hamong kaharapin. Muli, Maligayang kaarawan!
03/11/2024
ษช'สส แด
แดษดแดแด, แด
แดษดแดแด, แด
แดษดแดแด,
แดกษชแดส แดส สแดษดแด
s, สแดษดแด
s, สแดษดแด
s...
*snap* ๐ซฐ
they're creepy and they're kooky,
mysterious and spooky,
they're all together ooky,
mga anak ni '๐๐๐ฎ ๐๐ ๐๐ฉ ๐ฟ๐ค๐ ๐๐๐๐ ๐ฎ ๐๐ป๐
Bukas, Nobyembre 4 at 5, mahiwagaan at kilabutan sa inihanda ng BSEd Filipino sa darating na ๐๐ฒ๐ป๐ฒ๐ฟ๐ฎ๐น ๐๐๐๐ฒ๐บ๐ฏ๐น๐ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฐ: ๐๐๐ ๐๐น๐น ๐๐น๐ผ๐ป๐ด ๐ฆ๐ธ๏ธ
Don't thing-k twice, don't thing-k thrice! Halina't maghasik ng kababalaghan sa '๐ช๐ต๐ถ๐๐ฝ๐ฒ๐ฟ๐ ๐ณ๐ฟ๐ผ๐บ ๐๐ต๐ฒ ๐ฆ๐ต๐ฎ๐ฑ๐ผ๐๐!' Kitakits, mga Edukista! ๐ฏ๏ธ๐ค๐
16/10/2024
"๐๐ฎ๐ง๐ ๐ฌ๐ ๐ญ๐ข๐ง๐ ๐ข๐ง ๐ฆ๐จ ๐๐ฒ ๐๐ฎ๐ฌ๐ฒ ๐ค๐, ๐๐ฐ๐๐ง ๐ค๐จ ๐ง๐ ๐ฅ๐๐ง๐ ๐ค๐ฎ๐ง๐ ๐ฆ๐๐ฌ๐๐ฌ๐๐๐ข ๐ฆ๐จ ๐ฉ๐ โ๐ฒ๐๐ง ๐ค๐๐ฉ๐๐ ๐ง๐๐ค๐ข๐ฅ๐๐ฅ๐ ๐ฆ๐จ ๐ง๐ ๐ฌ๐ข๐ฒ๐!"
Ang Pangulo ng BSEd-FILIPINO 4-2 at ang Pangulo rin ng PLM Cadets Teachers' Organization, walang iba kung hindi si ๐๐๐ฃ๐ค๐ค๐ฃ๐ ๐๐ซ๐๐ฃ๐๐๐ง ๐
๐ค๐๐ฃ ๐ฝ๐ช๐๐ฃ๐๐๐ก๐ค๐ง. Isang nag-aalab na pagbati tanging para sa iyo, ang isa sa maituturing na hiyas ng mga mandirigma sa hinaharap ng Filipino, dulot ng iyong walang kapantay na talento sa sining at pamumuno, mapa-klasrum man o konseho. Tunay na ikaw ay may natatanging pagmamahal sa iyong kinuhang programa at tungkulin dahil anuman ang naging hamon at dikta ng mapanghusgang mga mata, patuloy ka pa rin sa iyong obra. Paniguradong isa ka sa natatanging mga g**o sa hinaharap na tiyak na huhubog sa mga kabataan upang ipamalas din ang kanilang husay sa larangang kanilang napupusuan dulot ng iyong hindi matatawarang mga karanasan.
Mula sa BSEd-Filipino 4-2, hiling namin ay kagalakan at tagumpay sa lahat ng mithiin mo sa buhay. Nawa'y ipagpatuloy ang pagpapanday sa pangarap na inaasam anuman ang hamong kaharapin. Muli, Maligayang kaarawan!
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the school
Telephone
Website
Address
Intramuros
Manila
1002