Coach Bucag Blog
Kasi minsan ang pagkatalo, hindi ibig sabihin mahina ka.
Ibig sabihin, tinuturuan ka lang maging mas matatag.
23/01/2026
Ang talento ay hindi aksidente ito’y kaloob ng Diyos.
Pero ang kaloob na walang direksyon ay puwedeng mauwi sa pagkaligaw. Kahit gaano ka kagaling, kung sarili mo lang ang sinusunod mo, mauubos ka.
Hindi hinahanap ng Diyos ang pinaka-magaling, kundi ang pusong marunong magtiwala.
Sapagkat kapag Siya ang gabay, ang talento ay nagiging misyon, at ang tagumpay ay nagiging may kabuluhan.
Proverbs 3:5–6
Magtiwala ka sa Panginoon nang buong puso mo at huwag kang manalig sa sarili mong karunungan. Kilalanin mo Siya sa lahat ng iyong lakad, at Siya ang magtutuwid ng iyong mga landas.
Hindi inuuna ng Diyos ang galing inuuna Niya ang pusong marunong magtiwala.
COACH BUCAG
19/01/2026
Ang buhay ay parang laro.
Hindi mo na mababago ang mga naging galaw mo kahapon,
ang mga pagkakamaling nagdulot ng talo,
o ang mga pagkakataong pinalampas mo.
Pero sa bawat bagong araw, may bagong round.
May bagong pagkakataong pumili ng mas tamang hakbang,
mas matalinong desisyon,
at mas matatag na paninindigan.
Hindi ka talo dahil lang natalo ka minsan.
Talo ka lang kapag tumigil ka nang maglaro.
Kaya ituloy mo lang.
Ayusin mo ang diskarte,
matuto sa nakaraan,
at pagandahin ang susunod mong hakbang.
Dahil sa buhay,
hindi ang simula ang pinakamahalaga,
kundi kung paano ka bumabangon
at kung paano mo tinatapos ang laban.
Coach Bucag
14/12/2025
Kain muna tayo mga guys batil Patong
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the public figure
Telephone
Address
METRO MANILA
Manila