Moonlight GL
18/04/2026
Chapter 16
POV ni Zaria
Parang bumagal ang lahat.
Nakatingin lang ako habang papalapit ang kambal.
Handa na sana akong mapagalitan. O hilahin agad palabas. O kung ano mang eksena na kayang gawin ni Elyra.
Pero hindi ’yon ang nangyari.
“Magandang gabi po!”
Masiglang bati ng isang boses.
Napalingon ako.
Si Aling Caridad. Ngumiti siya nang malapad habang lumalapit sa gate.
“Kay gaganda naman ng bisita natin,” dagdag niya.
Saglit akong natigilan.
Pagkababa ng kambal, may hawak silang paper bags—mga mamahaling tingnan kahit hindi ko pa binubuksan.
Lumapit si Aurelia at iniabot iyon kay Aling Caridad.
“Happy birthday po,” sabi niya, magalang.
Sumunod si Elyra, bahagyang ngumiti. “We brought something.”
Napakurap ako.
Ha? Hindi nila ako sinusundo?
Hindi ako ang pakay nila?
“Sus, hindi na kailangan ’yan!” natatawang sabi ni Aling Caridad pero tinanggap pa rin. “Salamat, hija. Pumasok kayo!”
Tuwang-tuwa ang mga tao.May mga bulungan.
“Mga Nocturne ’yan…”
“Ang gaganda…”
“Ang bait pa…”
At bago ko pa maproseso ang lahat—
nakapasok na sila.Parang… normal lang.
Parang… invited. Napatingin ako kay Mill.
“Alam mo ’to?” bulong ko.
Umiling siya. “Hindi.”
Doon nagsimula ang mas masayang salo-salo.
Mas dumami ang tawa. Mas dumami ang kwentuhan.
Ang mga matatanda, halos hindi makapaniwala na kasama nila sa isang simpleng handaan ang mga Nocturne.
Si Aling Caridad, todo asikaso naman sa kanila.
“Eto, tikman n’yo ’to!”
“Uy, dagdagan mo pa plato nila!”
“Anak, kumuha ka pa ng juice!”
Si Aurelia—nakikipag-usap sa mga matatanda, maayos, kalmado. Si Elyra—nakangiti, sumasagot, minsan tumatawa pa.
Parang… ibang-iba sila sa nakasanayan ko.
Pero—hindi nila ako pinapansin. Kahit isang beses.
Kahit isang sulyap. Parang wala ako.
Parang hindi ako ang dahilan kung bakit sila nandito.
At hindi ko alam kung bakit— pero may kung anong kumirot sa dibdib ko.
“Uy, Zaria!” tawag ng kaklase ko. “Kain ka pa!”
“Ah—oo,” sagot ko.
Umupo ako. Kumain. Ngumiti. Nakipagkwentuhan.
Pero paminsan-minsan— napapatingin pa rin ako sa kanila.
At sa tuwing titingin ako— hindi nila ako tinitingnan pabalik.
Hindi ko napansin ang oras.
Hanggang sa—
“Zaria.”
Napalingon ako. Nakatayo si Aurelia. Sa likod niya si Elyra.
Parehong seryoso ulit.
“Uuwi na tayo,” sabi niya.
Napahinto ako.
“Ah—okay…”
Tumayo ako.
“Hatid ko na siya,” sabat ni Mill, agad tumayo rin. “Ako naman nagdala sa kanya dito.”
Sandaling katahimikan. Ngumiti si Elyra. Pero hindi iyon ’yung ngiti kanina.
“Talaga?” sabi niya, may halong sarkasmo.
“Yeah,” diretso sagot ni Mill. “Responsibilidad ko rin siya.”
Napatingin ako kay Elyra.
May kung anong nagbago sa mata niya.
“Responsibilidad?” ulit niya. “Since when?”
“Since ako ang nag-imbita,” sagot ni Mill, hindi nagpapatalo.
“Cute,” sagot ni Elyra, bahagyang tumawa. “Pero hindi mo na kailangan mag-effort.”
Napakunot ang noo ko. “Elyra—”
“Let’s go,” putol niya.
“Ako na nga—” pilit ni Mill.
Pero bago pa siya makalapit— hinawakan ni Elyra ang k**ay ko.
Parang walang balak bumitaw.
Nanlaki ang mata ko.
“Sa amin siya sasabay,” sabi niya, malamig.
Napatingin si Mill sa k**ay niya sa pulso ko.
“Bitawan mo siya,” sabi niya, mas mababa ang boses.
“Why?” taas-kilay ni Elyra. “Ayaw ba niya?”
Napatingin silang dalawa sa’kin.
Napabuntong-hininga ako.
“Mill…” sabi ko, mahina. “Okay na. Sasabay na ’ko sa kanila.”
Kitang-kita ko ang pagbabago ng mukha niya.
Pero ngumiti pa rin siya.
“Sure?”
Tumango ako.
“Thank you,” dagdag ko.
Saglit siyang tumingin kay Elyra.
“Make sure she gets home safe.”
“Obviously,” sagot ni Elyra, walang emosyon.
Dahan-dahan niyang binitawan ang k**ay ko—pero agad din akong hinila papalayo.
Hindi na ako nakalingon.
Hindi na ako nakapagpaalam nang maayos.
At habang papalayo kami—
ramdam ko pa rin ang init ng k**ay ni Elyra sa pulso ko.
At ang lamig ng tingin niya kay Mill—
na hindi ko maintindihan kung saan nanggagaling.
Pagkasara pa lang ng pinto ng kotse.
“Anong ginagawa mo?”
Napapikit ako saglit.
Si Aurelia ang nagmamaneho. Tahimik lang siya, pero ramdam kong nakikinig.
“Sumagot ka,” dagdag ni Elyra, mas matigas ang tono.
Napabuntong-hininga ako. “Nasa birthday ako.”
“Hindi ’yon ang tinatanong ko,” mabilis niyang sagot. “Bakit ka umalis ng school nang hindi naghihintay?”
Napalingon ako sa kanya.
“Nagpaalam ako sa sarili ko,” sagot ko, pilit kalmado.
“Hindi ka nakakatawa,” malamig niyang sagot.
“Hindi rin naman ako nagbibiro.”
“Zaria,” singit ni Aurelia, hindi tumitingin. “Chill lang.”
“Hindi ako chill,” balik agad ni Elyra. “Sinabi na nga namin na susunduin ka.”
“Hindi ko naman kayo nakita,” sagot ko.
“Because you didn’t wait!”
“May lakad ako!”
“Hindi ’yon excuse!”
“Tama na,” sabat ni Aurelia, this time mas firm.
“Alam mo ba kung gaano ka delikado ’yon?” dagdag ni Elyra, mas mababa na ang boses pero mas may diin. “Basta ka na lang sumasama kung kanino.”
Napairap ako. “Ilang beses ko bang ulit ulitin na hindi ‘kung sino-sino’. Si Mill ’yon.”
“Exactly,” sagot niya agad.
“Ano bang problema mo kay Mill?” tanong ko, hindi ko na napigilan.
Pero halata ang inis sa mukha niya.
“Wala,” sagot niya, mabilis.
“Talaga?” taas-kilay ko. “Kasi parang meron.”
“Wala akong kailangang ipaliwanag sa’yo.”
“Eh ako?” sagot ko. “Kailangan ko bang ipaliwanag lahat ng gagawin ko sa’yo?”
Tumahimik ulit ang kotse.
Ramdam ko ang bigat ng hangin.
“Responsibilidad ka namin,” singit ni Aurelia, kalmado pero malamig. “While our parents are away.”
“Alam ko ’yon,” sagot ko, mas mahina na.
“Then act like it,” dagdag ni Elyra.
Napatingin ako sa kanya.
“Hindi ako bata,” sabi ko. “Kaya kong magdesisyon para sa sarili ko.”
“At kapag may nangyari sa’yo?” balik niya. “Kami ang mananagot.”
“Hindi naman ako pabaya—”
“Pero matigas ang ulo mo,” putol niya.
Napatahimik ako.
“Hindi ibig sabihin no’n na kontrolado n’yo na ’ko,” dagdag ko.
“Hindi ka namin kinokontrol.” iritableng saad ni Elyra.
“Pinoprotektahan ka namin.”
Napalingon ako sa bintana.
Streetlights. Isa-isa.
“Hindi ko kailangan ng ganun,” sabi ko, mahina.
“Hindi mo kailangan,” ulit niya. “Pero ginagawa pa rin namin.”
Hindi ko na alam ang isasagot.
Kasi sa totoo lang— hindi ko rin maintindihan kung bakit ganito sila. Si Aurelia—maintindihin, kalmado… pero malamig. Si Elyra—mainitin ang ulo… pero parang laging gustong siya ang masunod. At ako—
naiipit sa gitna. “Next time,” sabi ni Elyra, bumalik ang konting tigas sa boses, “maghintay ka.”
Napabuntong-hininga ako.
“Fine.”
Hanggang sa makarating kami sa mansyon.
Pagbukas ng pinto—
lumabas ako agad. Pero bago ako tuluyang makalayo—
“Zaria.”
Napahinto ako.
Hindi ako lumingon.
“Don’t do that again.”
Saglit akong napapikit.
“Goodnight,” sagot ko.
At naglakad na ako papasok.
Pero kahit nakatalikod ako— ramdam ko pa rin ang tingin niya sa likod ko. At hindi ko alam kung bakit… pero mas mabigat pa ’yon kaysa sa mga sinabi niya kanina.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the public figure
Telephone
Website
Address
Manila