Yellow Flash

Yellow Flash

Share

23/08/2025

Lahat tayo may takot

Ang pinagkaiba lang, hindi mo nahahalata sa akin

Bakit?

Kasi kumportable na ako sa mga takot na nararamdaman ko. Nagmumukha tuloy akong walang takot.

May mga taong boss nila ang takot at may mga taong best friend nila ang takot

Pag boss mo ang takot, napapagalaw ka nya. Dini-diktahan ka nya kung ano ang gagawin mo. At dahil dun, hindi mo na tuloy nalabas ang greatness mo kasi sinabi ng takot sayo na wag mo na gawin yung gusto mong gawin.

Pag best friend mo ang takot, nagbibigay lang sya ng advice sayo. Minsan pinapaalala nya sayo na pag hindi mo ginagawa ang dapat mong gawin… hindi mo maaabot ang mga gusto mong maabot.

Minsan din binibigyan ka nya ng senyales na gawin mo ang dapat mong gawin..

“Pangarap maliit pag di ka kinabahan” type s**t 😎

Sa totoo lang, baka nga mas natatakot pa ako kaysa sayo!

Kasi pag nagkamali ka, baka mawala yang 20k mo

Pag nagkamali ako, baka millions ang mawawala sa akin at tutumba ang empire na matagal ko nang tinayo

Hindi lang halata na natatakot ako kasi natutunan ko syang maging kaibigan…

Sa sobrang lagi syang sumusulpot sa mundo ko, naging best friend ko na sya.

Want your business to be the top-listed Clothing Store in Manila?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Culinary Team

Attire

Telephone

Website

Address


Manila