telePharmD

telePharmD

Share

Photos from telePharmD's post 28/10/2025

๐“ฆ๐“ช๐“ฐ ๐“ฑ๐“ช๐”‚๐“ช๐“ช๐“ท๐“ฐ ๐“ช๐“ฐ๐“ช๐”€๐“ฒ๐“ท ๐“ท๐“ฐ ๐“Ÿ๐“พ๐“ต๐“ถ๐“ธ๐“ท๐”‚๐“ช ๐“ช๐“ท๐“ฐ ๐“ซ๐“ช๐”€๐“ช๐“ฝ ๐“ฑ๐“ฒ๐“ท๐“ฐ๐“ช ๐“ถ๐“ธ! ๐Ÿ˜ท๐Ÿ’œ

Alamin kung paano ito nagsisimula, paano maiiwasan, at bakit bawat hinga ay mahalaga!

๐Ÿ’ก Ang pulmonya ay isang impeksiyon sa baga kung saan ang mga air sac (alveoli) ay namamaga at napupuno ng likido o nana, na nakahahadlang sa pagpasok ng oxygen sa ating katawan. Maaaring sanhi ito ng bacteria, virus, o fungi, at kadalasang tumatama sa mga bata, matatanda, at mga may mahinang resistensya.

๐Ÿฉบ Mga sintomas:
- Ubo (na may plema o sipon)
- Lagnat at panginginig
- Hirap sa paghinga o mabilis na paghinga
- Pananakit ng dibdib tuwing umuubo o humihinga

๐Ÿ’ช Iwasan ito sa simpleng paraan:

๐Ÿ’‰Magpabakuna laban sa pneumococcal at influenza
๐ŸšญIwasan ang paninigarilyo at labis na pag-inom ng alak
๐ŸงผUgaliing maghugas ng kamay at takpan ang bibig kapag umuubo o bumabahing
๐Ÿ‘ฉโ€โš•๏ธMagpagamot agad sa unang senyales ng impeksiyon

๐ŸŒ Tuwing Nobyembre 12, ginugunita ang World Pneumonia Day upang paalalahanan tayong lahat na bawat hinga ay may halaga โ€” at ang pulmonya ay malulunasan at maiiwasan! ๐Ÿ’œ

Photos from telePharmD's post 27/09/2025

๐Ÿง  ๐Œ๐š๐ฒ ๐’๐ข๐ง๐ญ๐จ๐ฆ๐š๐ฌ ๐ง๐  ๐“๐ซ๐š๐ง๐ฌ๐ข๐ž๐ง๐ญ ๐ˆ๐ฌ๐œ๐ก๐ž๐ฆ๐ข๐œ ๐€๐ญ๐ญ๐š๐œ๐ค? ๐€๐ ๐š๐ ๐Œ๐š๐ ๐ฉ๐š๐ญ๐ข๐ง๐ ๐ข๐ง! ๐Ÿง 

โš ๏ธAyon sa World Health Organization (WHO) noong 2020, ang Pilipinas ay umabot sa 74,167 ang namatay dahil sa stroke.

โ€ผ๏ธAng American Heart Association ay naglabas ng pahayag na ang sino man ang nakakaranas ng sintomas ng stroke ay dapat agad magpagamot. Natuklasan nila na 10% hanggang 15% ng mga nagkakaroon ng โ€œTransient Strokeโ€ ay nagkakaroon ng totoong stroke sa loob lamang ng 90 araw.

๐Ÿ’กTandaan:
Maagang pagsuri at paggamot sa posibleng kondisyon ay makakatulong upang maiwasan ang stroke. Ang pag-alam sa mga kondisyon na nagpapataas ng panganib sa stroke at pamumuhay ng malusog ang pinakamabisang paraan para makaiwas sa Transient Ischemic Attack.

Manatiling updated at abangan ang mga health tips at info posts mula sa UST TelePharmD, ang inyong kaagapay sa ligtas at wais na paggamit ng gamot at pangangalaga ng kalusugan! ๐Ÿ’œ

Basta gamot, Pharmacist ang may sagot! ๐Ÿ’Š

Photos from telePharmD's post 29/08/2025

๐Ÿซ ๐—›๐˜‚๐˜„๐—ฎ๐—ด ๐—ต๐—ถ๐—ป๐˜๐—ฎ๐˜†๐—ถ๐—ป ๐—น๐˜‚๐—บ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐˜€ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐˜€๐—ถ๐—ป๐˜๐—ผ๐—บ๐—ฎ๐˜€! ๐—ž๐˜‚๐—ป๐—ด ๐—ถ๐—ธ๐—ฎ๐˜„ ๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ฎ๐˜€๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—ฏ, ๐—บ๐—ฎ๐—ด๐—ฝ๐—ฎ๐˜€๐˜‚๐—ฟ๐—ถ ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—ฎ๐—ด๐—ฎ. ๐—”๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐˜๐˜‚๐—ธ๐—น๐—ฎ๐˜€ ๐—ฎ๐˜† ๐—ธ๐—ฎ๐˜๐˜‚๐—บ๐—ฏ๐—ฎ๐˜€ ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐˜€ ๐—บ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐˜‚๐—ต๐—ฎ๐˜†. ๐Ÿซ

Madalas na natutuklasan ang kanser sa baga sa huling yugto, ngunit maagang pagsusuri gamit ang Low-Dose CT (LDCT) scan ay maaaring magligtas ng buhay. Natutukoy nito ang maliliit na bukol bago pa lumabas ang sintomas at napatunayang nakababawas ng pagkamatay mula sa kanser ng 20โ€“24% sa mga taong may mataas na panganib. ๐—ฆ๐—ฎ ๐—ฃ๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜€, ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—Ÿ๐——๐—–๐—ง ๐—ฎ๐˜† ๐—ฎ๐˜ƒ๐—ฎ๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—ฏ๐—น๐—ฒ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฝ๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ผ๐˜€๐—ฝ๐—ถ๐˜๐—ฎ๐—น ๐—ด๐—ฎ๐˜†๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—Ÿ๐˜‚๐—ป๐—ด ๐—–๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฒ๐—ฟ ๐—ผ๐—ณ ๐˜๐—ต๐—ฒ ๐—ฃ๐—ต๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฒ๐˜€, ๐—ฃ๐—š๐—›, ๐—ฎ๐˜ ๐—ฆ๐˜. ๐—Ÿ๐˜‚๐—ธ๐—ฒโ€™๐˜€, ๐—ป๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ฏ๐—ถ๐—ฏ๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐˜€ ๐—บ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ผ๐—ป ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐—ฎ๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐˜๐˜‚๐—ธ๐—น๐—ฎ๐˜€. Malaki ang pagkakaiba: ang 5-taong survival rate ay 59% kung maagang natuklasan ang sakit, ngunit bumababa lamang sa 7% kapag nahuli nang natuklasan

๐Ÿ’ก ๐—ง๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ฎ๐—ฎ๐—ป: Bawat hinga ay mahalaga. Huwag balewalain ang mga sintomas. Magpasuri. Magtanong. Magsuri.

Manatiling updated at abangan ang mga health tips at info posts mula sa UST TelePharmD, ang inyong kaagapay sa ligtas at wais na paggamit ng gamot at pangangalaga ng kalusugan! ๐Ÿ’œ

Basta gamot, Pharmacist ang may sagot! ๐Ÿ’Š

Photos from telePharmD's post 22/08/2025

๐Ÿซ ๐— ๐—ฎ๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐˜€๐˜‚๐˜€๐˜‚๐—ฟ๐—ถ, ๐— ๐—ฎ๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—”๐—ธ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป! ๐—Ÿ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป ๐—ธ๐—ผ๐—ป๐˜๐—ฟ๐—ฎ ๐—ž๐—ฎ๐—ป๐˜€๐—ฒ๐—ฟ ๐˜€๐—ฎ ๐—•๐—ฎ๐—ด๐—ฎ. ๐Ÿซ

Ang kanser sa baga ay tinatawag na โ€œtahimik na sakitโ€ dahil kadalasan lumilitaw lang ang sintomas kapag malala na. Kayaโ€™t mahalaga ang maagang pagtuklas ๐—ด๐—ฎ๐—บ๐—ถ๐˜ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—Ÿ๐—ผ๐˜„-๐——๐—ผ๐˜€๐—ฒ ๐—–๐—ง (๐—Ÿ๐——๐—–๐—ง) ๐˜€๐—ฐ๐—ฎ๐—ป na nakakadetect ng bukol bago pa lumabas ang sintomas. Inirerekomenda ito para sa mga edad 50โ€“80, kasalukuyan o dating naninigarilyo, at mga lantad sa usok, kemikal, o may malakas na family history.

Higit sa lahat, ang ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ฏ๐—ถ๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฟ๐—ผ๐˜๐—ฒ๐—ธ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป ๐—ฎ๐˜† ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด-๐—ถ๐˜„๐—ฎ๐˜€: ๐—ถ๐˜๐—ถ๐—ด๐—ถ๐—น ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—ป๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—น๐˜†๐—ผ, umiwas sa usok at polusyon, at magpa-checkup kung high-risk. Ang kalusugan ng ating baga ay nakasalalay sa tamang kaalaman at mas malusog na pamumuhayโ€”maaaring makapagligtas ng buhay.

๐Ÿ’ก ๐—ง๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ฎ๐—ฎ๐—ป: Bawat hinga ay mahalaga. Huwag balewalain ang mga sintomas. Magpasuri. Magtanong. Magsuri.

Manatiling updated at abangan ang mga health tips at info posts mula sa UST TelePharmD, ang inyong kaagapay sa ligtas at wais na paggamit ng gamot at pangangalaga ng kalusugan! ๐Ÿ’œ

Basta gamot, Pharmacist ang may sagot! ๐Ÿ’Š

Want your practice to be the top-listed Clinic in Manila?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address


Manila
1008

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 8am - 5pm