SAMASA PUP COC

SAMASA PUP COC

Share

16/03/2026

WALANG ESPASYO ANG PASISMO SA PAMANTASAN NAMIN!

Sa halip na kaalaman, disimpormasyon ang inihatid sa mga estudyante kahapon, Marso 15, nang magsalita ang mga kinatawan ng NTF-ELCAC sa ROTC Orientation sa PUP Grandstand. Sa kanilang walang kwentang pagbabahagi, inakusahan nilang β€œfront” umano ng CPP-NPA-NDF ang mga progresibong organisasyon at pinalalabas na laganap ang recruitment sa loob ng unibersidadβ€”mga alegasyong walang malinaw na batayan.

Mariing tinututulan ng Sandigan ng Mag-aaral para sa Sambayanan PUP COC ang ganitong uri ng terror-tagging. Wala itong ambag kundi pananakot at pagtatangkang patahimikin ang mga estudyanteng nag-oorganisa at naninindigan para sa kanilang demokratikong karapatan at ilihis ang mga estudyante mula sa pagkamulat nito sa tunay na lagay ng lipunang mapagsamantala.

Isang malaking tanong kung bakit pinahintulutan ng PUP Administration na makapagsalita ang NTF-ELCAC sa isang programang walang malinaw na kinalaman sa kanila. Dapat magpaliwanag ang administrasyon ng PUP at ang ROTC Unit kung bakit nabigyan ng espasyo ang ganitong uri ng panghihimasok sa loob ng pamantasan.

Kahit na lagpas pa sa daliri ng mga tao sa likod ng ahensyang ito ang plano nilang magpabalik-balik sa pamantasan, mananatili ang tindig ng mga Iskolar ng Bayan na walang espasyo ang pasismo sa loob ng unibersidad. Ang pamantasan ay para sa malayang pag-aaral, kritikal na pag-iisip, at kolektibong pagkilos ng mga Iskolar ng Bayan, hindi para sa pananakot at madilim na propaganda ng administrasyong Marcos-Duterte.

Photos from SAMASA PUP COC's post 09/03/2026

TINGNAN | Masiglang sinalubong ng mga Iskolar ng Bayan ang huling batch ng mga PUPCET takers matapos ang matagumpay na mobilisasyon sa Liwasang Bonifacio bilang bahagi ng paggunita sa International Working Women’s Day. πŸ’œ

Binigyang-diin sa mga diskusyon ang mga isyung kinahaharap ng kababaihan, kabilang ang patuloy na karahasan laban sa kanila, gayundin ang panawagang ibasura ang 12% VAT sa mga produktong pangunahing ginagamit ng kababaihan tulad ng sanitary napkins, mga gamot, at iba pang pangangailangan.

Ang dagdag na buwis ay lalong nagpapataas ng presyo ng mga produktong ito habang hindi naman sapat na naipapamahagi sa mga batayang serbisyong panlipunan tulad ng edukasyon, healthcare, at seguridad.

Inaasahan din ang mga (future) Iskolar ng Bayan ng ating Sintang Paaralan na ipagpatuloy ang mga panawagang ito upang sama-sama nating makamit ang pananagutan at ang pagsusulong ng pambansang demokrasya. ✊🏻

Photos from SAMASA PUP COC's post 16/11/2025

MGA KABATAANG ALAGAD NG MIDYA, OUR FUTURE IS ON THE LINE! FIGHT BACK AGAINST CORRUPTION AND TYRANNY!

Sa gitna ng malawakang korapsyon na dulot ng gobyernong dapat nagbibigay serbisyo sa taumbayan, tuluyan nang umaalingasaw ang kabulukan ng sistemang panlipunan na inaanak ng mga naghaharing uri. Sa bawat takbo ng araw ay may nabubunyag naghaharing opisyales katulad ni Marcos Jr. kung paanong inuuna nila ang pansariling interest at kapangyarihan kaysa sa interes ng sambayanan.

Panagutin ang lahat ng sangkot! Hindi hahayaan ng kabataan na tumakbo na lamang ang mga opisyales mula sa kanilang pagkakasala at tuluyan na mabura ang katiwalian at pandarambong ng gobyerno sa kinabukasan natin.

Bukas, sa National Day of Action for International Students’ Day, ipapakita natin na hindi tayo henerasyong tatahimik habang inaagaw ang ating hinaharap!

SUMAMA SA KILOS-PROTESTA
NATIONAL DAY OF ACTION
NOVEMBER 17

KONDUKTA:
πŸ“Œ 8:00 AM | Pakat at Production Work @ PUP Main
πŸ“Œ 2:00 PM β€” Assembly @ P. Noval
πŸ“Œ 3:00 PM β€” Main Program @ Mendiola

π—¦π—¨π— π—”π—Ÿπ—œ 𝗦𝗔 𝗖𝗒𝗒π—₯π——π—œπ—‘π—”π—§π—œπ—‘π—š π—šπ—–:
https://m.me/j/AbY1VwAgJlHA4-CW/

Please donate for production work:
09765367374
So***a S.

Want your organization to be the top-listed Government Service in Manila?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Address


Polytechnic University Of The Philippines, Mabini Campus, College Of Communication Bldg. , Anonas Street , NDC Compound, Sta. Mesa
Manila
1016