CMCES Library
04/02/2026
Thank you dear stakeholders for visiting our school library today.
02/04/26
Sino ang wika nito?
"Ang hindi magmahal sa sariling wika ay masahol pa sa malansang isda'
02/08/2025
Bakit nga ba?
๐๐ ๐๐๐๐๐ง ๐ง๐๐ก๐๐ช๐๐ ๐ก๐ '๐๐จ๐๐จ๐ฆ๐ง'?
Ang August ay ang ikawalong buwan sa Gregorian calendar. Bago pa mang tawaging August, tinawag muna itong 'Sextilis' sa lumang Roman calendar. Ang Sextilis ang ikaanim na buwan sa ten-month calendar ng sinaunang Romano na nagsisimula sa buwan ng March. Naging ikawalong buwan ang August nang idinagdag ang mga buwan ng January at February bago ang March noong 700 B.C. sa ilalim ni King Numa Pompilius. Binubuo lamang ng 28 na araw ang August noon bago ito dagdagan ng dalawa pang araw ni Julius Caesar sa kanyang Julian calendar noong 46 B.C.
Ang buwan ng August ay ipinangalan ng Roman Senate ang buwan ng August mula kay Roman Emperor Augustus Caesar o si Octavian, ang kauna-unahang emperador ng Roman empire. Si Augustus ang namuno sa Roma matapos paslangin si Julius Caesar. Bilang emperador, nireorganisa niya ang Roma. Ipinatupad niya ang sistema ng pagbubuwis at sensus, pinalawak ang mga kalsada, pinatatag ang pundasyon ng kasal, at muling isinabuhay ang ilang mga kasanayang pangrelihiyon. Pinalawak niya rin ang imperyo hanggang sa Egypt, Spain, at gitnang Europa. Pumanaw si Augustus noong 14 CE.
Encyclopedia Britannica. August. Retrieved from https://www.britannica.com/topic/August-month
National Geographic. Caesar Augustus. Retrieved from https://education.nationalgeographic.org/resource/caesar-augustus/
19/04/2025
Love it
CTTO
11/11/2024
November is reading month.
Reading is the key of learning, so,
let's pick a book, read and share stories with others.
Have fun in reading!
19/10/2024
San Lorenzo Ruiz
๐ฆ๐ ๐๐ข๐ฅ๐๐ก๐ญ๐ข ๐ฅ๐จ๐๐ญ ๐๐๐๐๐ก๐ ๐๐๐จ๐ก๐-๐จ๐ก๐๐๐๐ก๐ ๐๐๐๐๐ฃ๐๐ก๐ข๐ก๐ ๐ฆ๐๐ก๐ง๐ข
October 18, 1987. Idineklara ng Simbahang Katolika, sa pangunguna ni Pope John Paul (ngayoโy Saint John Paul II) si Lorenzo Ruiz bilang Santo, kasama ang iba pang kapwa martir, sa kanoninasyong ginanap sa Saint Peterโs Square sa Vatican City. Si Ruiz ang kauna-unahang Filipino na idineklarang Santo ng Simbahan.
Isinilang noong 17th century mula sa Tsinong ama at Filipinang ina, nagsilbi si Ruiz bilang sakristan sa murang edad sa Binondo Church. Nang akusahan ng mga Espanyol sa salang pagpatay, nilisan ni Ruiz ang Pilipinas sa tulong ng mga paring Dominikano. Naglayag si Ruiz patungong Okinawa, Japan. Laganap ang pang-uusig ng Tokugawa Shogunate sa mga Kristiyano nang marating ni Ruiz ang Japan. Dahil dito, siya ay inaresto at ipiniit. Si Ruiz, kasama ang iba pang mga misyonaryo, ay pinahirapan hanggang sa kitilin sa pamamagitan ng pagbitin noong September 1637. Sa kabila ng pang-uusig at pagpapahirap sa kanya, hindi itinakwil ni Ruiz ang kanyang pagiging tapat na Kristiyano. Ayon sa mga tala, sinambit ni Ruiz ang โ๐๐จ๐ฐ ๐๐ข๐ต๐ฉ๐ฐ๐ญ๐ช๐ค๐ถ๐ด ๐ด๐ถ๐ฎ ๐ฆ๐ต ๐ข๐ฏ๐ช๐ฎ๐ฐ ๐ฑ๐ณ๐ฐ๐ฎ๐ฑ๐ต๐ฐ ๐ฑ๐ข๐ณ๐ข๐ต๐ฐ๐ฒ๐ถ๐ฆ ๐ฑ๐ณ๐ฐ ๐๐ฆ๐ฐ ๐ฎ๐ฐ๐ณ๐ต๐ฆ๐ฎ ๐ฐ๐ฃ๐ช๐ฃ๐ฐ. ๐๐ช ๐ฎ๐ช๐ญ๐ญ๐ฆ ๐ท๐ช๐ต๐ข๐ด ๐ฉ๐ข๐ฃ๐ฆ๐ณ๐ฆ๐ฎ, ๐ค๐ถ๐ฏ๐ค๐ต๐ข๐ด ๐ฆ๐ช ๐ฐ๐ง๐ง๐ฆ๐ณ๐ณ๐ฆ๐ฎ.' (I am a Catholic and wholeheartedly do accept death for God; Had I a thousand lives, all these to Him shall I offer.)โ bago siya bawian ng buhay.
Bagamaโt nakarating sa kaalaman ng mga Espanyol at kanilang pinapurihan ang pagkamartir ni Ruiz, kakaunting kaalaman lamang ang kanilang nababatid at hindi na gumawa pa ng hakbang ang mga ito upang ilakad ang pagiging โSantoโ ni Ruiz. Taong 1977, inilakad ng General Chapter of the Dominican Order sa Vatican City ang pagiging Santo ni Ruiz gamit ang detalyadong tala ng pagkamartir ni Ruiz sa Japan. Noong 1981 nang ideklarang โBlessedโ ni Pope John Paul II si Ruiz nang siya ay bumisita sa Pilipinas. Ito ang kauna-unahang beatification na isinagawa sa labas ng Vatican. Matapos makumpirma ang paghihimala ni Ruiz, idineklara siyang Santo ni Pope John Paul noong 1987. Ipinagdiriwang ang kapistahan ni Ruiz tuwing September 28.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the organization
Telephone
Website
Address
Mandaue City
6014
Opening Hours
| Monday | 8am - 5pm |
| Tuesday | 9am - 5pm |
| Wednesday | 9am - 5pm |
| Thursday | 9am - 5pm |
| Friday | 9am - 5pm |