Malvar Rural Health Unit

Malvar Rural Health Unit

Share

01/04/2026

📣 Abiso mula sa inyong Malvar RHU
Ngayong Holy Week (April 2–5, 2026), may ilang pagbabago sa ating schedule ng serbisyo.

Inaanyayahan po namin kayong planuhin ang inyong pagpunta. Para sa mga nangangailangan ng konsultasyon, bukas po ang OPD sa itinakdang oras.

👉 Magbabalik po ang regular schedule ng ibang serbisyo sa Lunes, April 6, 2026.

Maraming salamat sa inyong pag-unawa. Nawa’y maging mapayapa at makabuluhan ang inyong Semana Santa. 🙏

31/03/2026

‼️DOH: ALAMIN ANG SELF-CARE SA MENOPAUSAL STAGE‼️

Ang menopause ay isang natural na yugto sa buhay ng kababaihan kung saan tuluyan nang humihinto ang regla. Bago ito mangyari, maaaring maranasan ang iba’t ibang pagbabago sa katawan tulad ng hot flashes, mood changes, at iba pa.

Mahalagang pangalagaan ang sarili sa pamamagitan ng tamang nutrisyon, regular na ehersisyo, sapat na pahinga, at pagkonsulta sa health professional kung kinakailangan.

31/03/2026

DOH, NAGPAALALA – MAY LAKAS SA PAGHINGI NG TULONG

Pag-usapan natin ang mga bagay na madalas nating sinasarili: pagod, lungkot, at mga pagkakataong gusto na nating umayaw.

Bakit?

Because, it’s okay not to be okay.

Baka may friend kang waiting lang sa 'Musta?' mo. Try mong i-message ngayon.

20/03/2026

Hindi na kailangang pumila para magpa-register sa PhilHealth YAKAP (Konsulta). Gamit ang eGovPH app, mabilis at madali na ang pag-access sa inyong health benefits!
Paano mag-register?
1. I-download ang eGovPH app at i-verify ang account.
2. I-click ang PhilHealth icon sa app.
3. Piliin ang probinsya (Batangas), bayan (Malvar), at Malvar Rural Health Unit bilang inyong preferred clinic/health center.
Bakit sulit ang YAKAP?
✅ Libreng Check-up
✅ Libreng Lab Tests
✅ Libreng Gamot

Para po sa ibang katanungan o concerns, maaari po kayong bumisita sa ating Malvar RHU-YAKAP office 2nd floor malvar rhu katabi ng elevator..

I-secure na ang kalusugan ng pamilya. Mag-register na ngayon! ❤️🇵🇭

Want your practice to be the top-listed Clinic in Malvar?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Telephone

Website

Address


Malvar
4233