Ang Pinsel - AP Publications
07/03/2026
BALITA | HIGIT PA SA PALABAS
Pagyanig ng Sining, pagpapatibay ng kaligtasan
tampok sa MonSal Show 2026
MULING idinaan ng MonSal 2017 - Longos Montérnos Saltator sa sining ng pagtatanghal ngayong gabi, Marso 7, ang kanilang pagpapaaala sa bawat mag-aaral sa kahalagahan ng pagiging handa sa oras ng sakuna.
Sa loob ng isang oras, napagsanib ng nasabing samahan ng mag-aaral ang kanilang pagmamahal sa sining at obligasyon sa kapwa.
"Pinaghugutan namin sa piyesang ito ang palagi nating isinasagawa na Earthquake drill. Ito ay reminder sa ating lahat na hindi lamang dapat natin ito gawin dahil kailangan kundi ito ay isa sa tanging daan para matiyak ang ating kaligtasan," pagbabahagi ni Bb. Elise Cabrito, artistic director ng MonSal, sa lahat ng mag-aaral na dumalo.
Sumentro ang pagtatanghal sa pagtatampok ng mala-virtual reality na paraan nang pagpapakita ng mga posibleng sitwasyon sa oras ng pagyanig ng lupa.
"Binalanse namin ang paggamit ng graphics para sa paglalarawan ng magiging epekto ng sakuna. Pagkatapos, itinawid naman namin sa drama at sayaw ang pagpapakita ng magiging kalagayan natin kapag nangyari ito," dugtong niya.
Sa kabila ng mga problemang teknikal, hindi ito naging balakid upang maisakatuparan ang kanilang taunang hangarin-- magtanghal at mulatin ang kapwa sa mga napapanahong usapin.
"The show must go on. Walang kahit anong pagkakataon ang makapagpapahinto sa MonSal na tuparin ang layunin namin sa pagtatanghal: ipamalas ang pagmamahal sa sining at mag-iwan ng aral sa manonood hinggil sa usaping sila rin ay dapat makisangkot," aniya.
Sa parehong programa, iginawad naman ng SOAS ang pagkilala sa mga nagsipagwaging mag-aaral sa kanilang painting contest nitong Pebrero.
Para sa Baitang 7 at 8, kinilala ang Baitang 7 (AM classes - Tagapagsanay: G. Andy Bobon), unang karangalan; Baitang 7 (PM classes - G. Roberto Bebita), ikalawang karangalan, at Baitang 8 (PM classes - Bb. Jamelle Sollorin).
Sa kabilang banda, iginawad naman sa Baitang 9 (AM classes - G. Nestor Bernadas), unang karangalan; Baitang 10 (PM classes - Gng. Maricel Evaristo), at Baitang 10 (AM classes - G. Emerson Barbosa) para sa nasabing baitang.
Via | Angel De Castro, Mark Glend Tempog, Janine Advincula, at Jewel Garcia
03/03/2026
BALITANG NCR PALARO | AHON NA AHON ang Sangay ng Malabon matapos maging dominante sa ikalawang laban nila, 44 - 37, kontra Las Piñas sa NCR Palaro 5v5 girls.
Pinalasap ni Althea Santos ang pagiging beterana sa Palaro matapos niyang pigilan ang Las Piñas na makausad sa pagkakatabla sa ikatlong kuwarter.
"Mas mahusay ang pinakitang laro ngayon ng Malabon. Lamang tayo sa lahat pagkatapos hinarurot pa natin ang kalamangan matapos nilang makahabol at tumabla," bahagi ni Coach Nestor Ramilo.
Sa kasalukuyan, 2-0 slate na ang Malabon sa bracket kung saan kabilang sila.
"Tiwala ako na magiging dominante pa tayo sa bracket natin at sana mailusot hanggang semi quarter," dagdag pa ni Coach Ramilo.
Nakatakda naman harapin ng Malabon ang Pasay sa Game 1 bukas.
Via | Ryle Watson
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Pampano Street, Baranggay Longos
Malabon