DERLG

DERLG

Share

Photos from DERLG's post 08/08/2021

MASSDROP MARKETING aka MDM VENTURES ni-raid ng NBI noong August 6, 2021. Sinalakay ng mga tauhan ng NBI-Anti Fraud Division ang opisina ng Massdrop Marketing.

Sa mga hindi nakakaalam ang MASSDROP po ay isang purchasing, direct selling, at franchising company.

Dalawang beses na po sila nabigyan ng SEC Advisory dahil nakitaan ito ng "investment scheme". Nang nabigyan sila ng advisory ng SEC bigla po sila nagpalit ng company name na MDM VENTURES.

Ang mga ganitong investment scheme na programa ay kailangan ng SECONDARY LICENSE galing sa SEC. Pero hindi ito nagawa ng MASSDROP at patuloy pa rin ang kanilang operasyon.

Wag po tayo papasok sa mga ganitong negosyo na may investment scheme na nangangako na dodoble ang pera mo na ininvest sa loob lang ng ilang buwan na wala kang ginagawa.

Related Links:

https://www.sec.gov.ph/advisories-2021/massdrop-marketing-and-franchising-opc-massdrop-marketing/

https://www.sec.gov.ph/advisories-2021/mdm-ventures-corporation/

https://www.gmanetwork.com/news/balitambayan/balita/798283/mga-sangkot-umano-sa-investment-scam-arestado-ilang-celebs-at-influencers-nabiktima/story/

Want your business to be the top-listed Media Company in Makati?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Telephone

Address


San Antonio
Makati
1203