JM Jacob

JM Jacob

Share

28/12/2025

Huli man daw at magaling, huli pa din. hehehe MALIGAYANG PASKO po at PAGAPALAIN KAYO NGAYONG 2026, MEDITH COMMUNITIES!!! Salamat sa walang sawang pagmamahal kay Medithay at sa mga taong nagmamahal sa kanya. Sama-sama pa rin tayo sa bagong taon at manifesting more happy and positive moments para sa lahat! love love love! isang mahigpit na yakap sainyong lahat!

Photos from JM Jacob's post 21/12/2025

ONE LOVE 2025! Nawa'y nabigyan po namin kayo ng saya ngayong Pasko, mga kids at mga mahal naming Senior Citizens ng Amaparado, Milaor! β€οΈπŸ’š Maraming Salamat po sa aming partners ngayong taon! MERRY CHRISTMAS PO SA ATING LAHAT! πŸŽ„βœ¨πŸŒŸβ„οΈ

Photos from Safeside Transport's post 21/12/2025
29/11/2025

Darating ang araw na hindi ka na muling papasok pa sa pinto na yan at titili ng "Siiiiiir" sa iba't ibang paraan. Nakita na kitang pumasok sa pinto na yan na nakangiti, Pumasok ng tumatawa. Pumasok ng kinikilig. at pumasok ng humahagulhol. Alam kong pagka-graduate mo, mas lalo kang magkakaroon ng oras na ipursige ang mas malalaki mo pang mga pangarap at kami ay magiging bahagi na lamang ng isang lugar na iyong lilingunin. 3rd year ka na. Isang taon na lang, aarangkada ka na. Habang nayayakap at nakakausap pa kita sa opisinang ito, i wanna tell you that I am incredibly proud of you. Ilang beses ka pinagbagsak, simula noon ng mga taong di hamak na mas malaki sayo, na may kakayanang burahin ang lahat ng mga nasimulan mo hanggang sa mga taong ginawa ka lang talagang hobby. Marami sila. Marami silang maraming gusto sabihin tungkol sayo. Marami silang ginawa kang sentro ng mga buhay nila. Marami silang naniniwalang mas mabubuti silang tao kesa sayo. Marami silang ang wish ngayong pasko eh gumapang ka sa hirap. Okay lang yan. Dahil mas marami ang nagmamahal at naniniwala sayo. Okay lang yan dahil paulit-ulit, simula noon hanggang ngayon, paulit-ulit kang tumatayo na tumatawa. Lahat ng karanasan mong ito ngayon ang nagpapalakas sayo. At your age, nakaharap mo na ang lahat ng klase ng tao. Mula sa mga totoong mapagmahal at nagmamalasakit hanggang sa mga taong hihilahin ka pababa. Lahat sila ay nakaharap mo na at sinubok ka na. I cannot imagine how strong you will still become pagdating mo ng 30s o 40s bilang isang asawa, nanay o boss ng sarili mong negosyo. Proven and tested, walang makakatibag sayo. And for that, I am truly proud of you as our student, as woman at higit sa lahat, bilang tao. Akap ng mahigpit Medithay!

Want your public figure to be the top-listed Public Figure in Makati?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


Makati