Dear Kuya Eds

Dear Kuya Eds

Share

Majayjay, Laguna—Ngayong panahon ng Pandemya marami pa rin talaga ang nangangailangan ng ating tulong dahil dito at sa tulong ninyo naglalayun ang Proyektong “Dear Kuya Eds” na tuparin ang simpleng Wish o kahilingan ng ating kapwa Majayjayeno.

Photos from Dear Kuya Eds's post 15/03/2022

Dear Kuya Eds❣️❣️❣️
03.14.2022

Disclaimer:

Ang Dear Kuya Eds ay isang programa sa pamamagitan ng Social Media na naglalayung maging tulay para sa mga Indibidwal na gustong tumulong sa mga Majayjayenong dapat at nangangailangan ng tulong lalo na ngayong panahon ng Pandemya.

Ang anumang post kaugnay nito ay naghahangad na magbigay pag-asa at lakas ng loob sa iba na alagaan ang sarili at magpagamot kahit pa sa gitna ng Pandemya. Maraming Salamat po!

❣️❣️❣️❣️❣️❣️❣️❣️❣️❣️❣️❣️❣️❣️❣️❣️❣️❣️❣️

Majayjay, Laguna——Maraming maraming Salamat po sa Pamunuan ng Ospital ng Makati, Surgery Department especially to Dr. A. Narreto at mga staff dahil sa mga sumusunod na dahilan:

Una, matapos ang mahabang paghihintay admitted na sa OsMak si Raziel Zoleta na inoperahan kaninang umaga.

Pangalawa, naayos na po ang reseta at Laboratory ni Valentin Estopido na maggagamutan muna bago ang posibleng Surgery.

At pangatlo, nakaraos ang Libreng CT-Scan at Laboratory ni Heraclea Arsolacia, dito malalaman ang susunod na medical procedure ng mga Doktor.

Tatlong pasyente lumalaban vs Goiter. Isama po natin sila sa ating mga panalangin.

Sa huli, maraming salamat din po kay Mayor Jojo Clado sa suporta at sa aking kapatid na si Aiza Reyes sa assistance sa mga pasyente.

To God Be the Glory! 🙏❤️

Want your organization to be the top-listed Government Service in Majayjay?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address


Majayjay-Botocan Highway
Majayjay
4005