Mayor Romeo Amorado
BARANGAY ASSEMBLY 2026
MATAGUMPAY NA NAISAGAWA
Congratulations po sa lahat ng Kapitan at Sangguniang Barangay sa katagumpayan ng katatapos na Barangay Assemblies. Binabati ko kayo sa maayos na programa, malinaw na pag-uulat at accomplishments ng bawat isa.
Nawa ay ipagpatuloy po natin ang pagkakapit-bisig at masigasig na paglilingkod sa ating mga kababayan para sa tuluy-tuloy na pag-unlad ng ating minamahal na Bayan ng Majayjay.
Maraming salamat po. Mabuhay!
MAJAYJAY PUBLIC INFORMATION OFFICE
05/04/2026
5 April
"He is not here for He is risen"
To the faithful believers, may the benefits and blessings that the resurrection brings be upon us all.
MAJAYJAY PUBLIC INFORMATION OFFICE
01/04/2026
Isang matagumpay na araw po ang aking pagbati sa sa ating minamahal na mga g**o, magulang, panauhin at sa inyong lahat na magsisipagtapos sa taong ito..
Ang araw na ito ay espesyal sapagkat ipinagdiriwang natin ang inyong pagtatapos, “Class of 2026”. Ang seremonyang ito ang naglalagay ng selyo sa inyong pangarap na minithing makamtan at ngayon ay nagkaroon ng katuparan.
Buong-puso ang aking pagbati sa inyong lahat sa katatagan at determinasyon na inyong ipinakita habang lumalaban sa mga hamon upang umabot sa araw na ito at tanggapin ang inyong diploma.
Ang inyong pagkatao ay hinubog upang maging mabubuting mamamayan na ikararangal ng ating bayan. Ang bawat isa sa inyo ay inihanda upang magkaroon ng kakayahang mamuno sa anumang larangan at maging kapaki-pakinabang sa ating komunidad. Tandaan na ang tunay na tagumpay ay hindi lamang nasusukat sa pag-unlad ng sariling buhay, Kundi sa kung paano ninyo magagamit ang inyong kaalaman at kakayahan upang makatulong sa pag-unlad ng ating bayan.
Anoman o saan man kayo makarating ay huwag ninyong kalilimutan pasalamatan ang mga magulang na una ninyong naging g**o sa sariling tahanan, ang kanilang mga turo at sakripisyo upang kayo ay makapag-aral. Gayundin, marapat na pasalamatan ang inyong mga g**o at namumuno sa paaralan na inyong naging pangalawang magulang. Ang kanilang pagtitiyaga at dedikasyon sa pagtuturo ang naghatid sa inyo sa entabladong ito.
Sa paglabas ninyo sa bulwagang ito, inyo nawang baunin ang lahat ng natutunan at gamitin ang mga iyon sa pagharap sa mas malawak na mundong inyong gagalawan. Dahil dito ay may tapang at lakas kayong harapin ang panibagong hamon ng buhay. Kalakip ang pagtitiwala sa Diyos, naniniwala ako na anumang pagsubok ay inyong kakayaning mapagtagumpayan.
Muli, CONGRATULATIONS Class of 2026! Mabuhay ang Kabataang Pilipino!
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Majayjay
4005