Tune Anak ning Mabalacat

Tune Anak ning Mabalacat

Share

29/05/2026

Mas mabilis, mas accessible, at mas abot-kaya para sa maraming pasahero. Deserve ng TNVS riders ang malinaw at patas na sistema

Layunin ng bagong alyansa na maisulong ang pagkilala sa MC Taxi bilang lehitimong transportasyon sa Angeles City, Mabalacat City, at iba pang lugar sa lalawigan.

Kabilang sa mga bumubuo nito ang iba't ibang rider groups gaya ng Alpha Riders Group of Supreme Wolves, Ika Mu Pampanga Riders, San Fernando Troops Riders Pampanga, Freelance Angkas Delivery Riders Pampanga, MODA Riders Group, Coalition of MC Taxi Pampanga, Legendary Riders Group, MTO Riders Club, at CK Boys.

"Ang MC Taxi ay bahagi ng transport solution, hindi problema. Ang kailangan ay malinaw na patakaran, maayos na koordinasyon, at patas na sistema para sa riders, pasahero, at lokal na pamahalaan," ayon kay Robby Lacson, Founder ng Ika Mu Pampanga Riders.

Ayon sa TNVS Alliance, libu-libong riders at kanilang mga pamilya ang umaasa sa motorcycle taxi at TNVS operations bilang pangunahing kabuhayan. Nanawagan din sila sa mga opisyal ng Angeles City, Mabalacat City, at iba pang LGUs sa Pampanga na magkaroon ng bukas na dayalogo upang makabuo ng ligtas, organisado, at makatarungang transport system para sa lahat.

29/05/2026

💪 Isa-isang nalilinis ang kalsada ng Pampanga. Tuloy-tuloy lang ang laban para sa mas ligtas na komunidad

🚔 10 Suspek, Arestado sa Pampanga; Mahigit ₱218K Halaga ng Shabu at 2 Baril, Nasamsam

Sa ilalim ng pamumuno ni PCOL Eugene M. Marcelo, matagumpay na naaresto ng Pampanga PPO ang 9 drug suspects sa magkakahiwalay na buy-bust operations sa Mabalacat City, Porac, San Fernando City, Candaba, Guagua, at Sta. Ana noong May 27, 2026.

Nasamsam sa operasyon ang 32.18 gramo ng shabu na may halagang ₱218,824, kasama ang isang .22 caliber pistol. Samantala, sa pagpapatupad ng search warrant ng San Fernando CPS, naaresto rin ang isang suspek at nakumpiska ang isang 9mm Bernardelli pistol, mga magazine, at live ammunition.

Ayon kay PCOL Marcelo, patuloy ang mahigpit na kampanya ng Pampanga police laban sa ilegal na droga at mga loose fi****ms upang mapanatili ang kapayapaan at seguridad ng mga Kapampangan. (Source: PNP Pampanga Police Provincial Office)

Want your organization to be the top-listed Non Profit Organization in Mabalacat?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


Mabalacat
2010