Organisasyong Pandayan
15/06/2026
๐ง๐๐ก๐๐ก๐๐ก | Narito ang kasalukuyang resulta ng SIKLAB: Organisasyong Pandayan Eleksiyon 2026, batay sa mga botong naitala mula 1:00 ng hapon hanggang 8:00 ng gabi ngayong Hunyo 15, 2026.
๐ฃ๐๐๐๐๐๐ | Para sa mga mag-aaral na hindi pa nakaboboto, bukas pa rin ang Microsoft Forms para sa pagsusumite ng inyong boto hanggang 1:00 ng hapon bukas, Hunyo 16, 2026.
15/06/2026
๐๐๐๐๐๐: ๐๐ซ๐ ๐๐ง๐ข๐ฌ๐๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง๐ ๐๐๐ง๐๐๐ฒ๐๐ง ๐๐ฅ๐๐ค๐ฌ๐ข๐ฒ๐จ๐ง ๐๐๐๐
โ
โNgayon ay muli nating gagampanan ang ating mahalagang tungkulin bilang mga kasapi ng organisasyon sa pagpili ng mga lider na magsisilbing katuwang sa pagpapatuloy ng mga adhikain, programa, at layunin ng Organisasyong Pandayan.
โ
โHinihikayat ang bawat isa na makilahok at gamitin ang kanilang boto nang may pag-iingat, pananagutan, at wastong pagpapasiya. Laging tandaan: ๐ฏ๐๐บ๐ผ๐๐ผ ๐ป๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐บ๐ฎ, ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐๐ฎ๐บ๐ฎ.
โ
โ
โ
โ
14/06/2026
๐ ๐ฒ๐ป๐๐ฎ๐ต๐ฒ ๐บ๐๐น๐ฎ ๐๐ฎ ๐๐ฎ๐๐ฎ๐น๐๐ธ๐๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ป๐ด๐๐น๐ผ ๐ฎ๐ ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ธ๐๐ถ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ป๐ด๐๐น๐ผ ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐บ๐ด๐ฎ ๐ ๐ฎ๐ด๐ถ๐ด๐ถ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ด๐ผ๐ป๐ด ๐ข๐ฝ๐ถ๐๐๐ฎ๐น๐ฒ๐ ๐ป๐ด ๐ข๐ฟ๐ด๐ฎ๐ป๐ถ๐๐ฎ๐๐๐ผ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ป๐ฑ๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐๐ฎ ๐ง๐ฎ๐ผ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ป๐๐ฟ๐๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒโ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ณ
โ
โKaugnay ng nalalapit na halalan, nagpahatid ng kanilang mensahe at mga hangarin ang kasalukuyang Pangulo at Kawaksing Pangulo ng Organisasyong Pandayan para sa mga bagong opisyales na mahahalal at manunungkulan sa Taong Panuruan 2026โ2027.
โ
โSi Bb. Seda, kasalukuyang Pangulo ng Organisasyong Pandayan at magtatapos na ngayong taon bilang mag-aaral sa ikaapat na taon, ay nagpahayag ng kaniyang hangarin na nawaโy patuloy na mahalin at payabungin ng mga susunod na lider ang wikang Filipino at pamunuan ang organisasyon nang may tapang, talino, at malasakit upang maipagpatuloy ang mga adhikain nito.
โ
โSamantala, si G. Verzosa, kasalukuyang Kawaksing Pangulo ng Organisasyong Pandayan at maglilingkod bilang Board Member on Records ng Institute of Teacher Education Student Council sa susunod na taong panuruan, ay nagpahatid din ng kaniyang hangarin na sanaโy maipagpatuloy ng mga susunod na opisyales ang mga adhikain ng organisasyon sa pamamagitan ng dedikadong paglilingkod, responsableng pamumuno, at malasakit sa bawat kasapi.
โ
โSa huli, hangad nina Bb. Seda at G. Verzosa na nawaโy manatiling matatag ang Organisasyong Pandayan sa pagtupad sa adhikain nitong itaguyod at pagyamanin ang wika, kultura, at panitikan.
โ
โ
14/06/2026
๐๐๐๐๐๐๐ | Ang ๐ฆ๐๐๐๐๐: ๐ข๐ฟ๐ด๐ฎ๐ป๐ถ๐๐ฎ๐๐๐ผ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ป๐ฑ๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐๐น๐ฒ๐ธ๐๐ถ๐๐ผ๐ป ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ ay opisyal na isasagawa bukas, ๐๐๐ป๐๐ผ ๐ญ๐ฑ, ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ (๐๐๐ป๐ฒ๐), simula ika-1:00 ng hapon at mananatiling bukas sa loob ng 24 oras sa pamamagitan ng ๐ ๐ถ๐ฐ๐ฟ๐ผ๐๐ผ๐ณ๐ ๐๐ผ๐ฟ๐บ๐.
โ
โBilang paghahanda sa araw ng halalan, inaanyayahan namin kayong balikan at higit pang kilalanin ang mga kandidatong handang maglingkod sa pamamagitan ng mga inilathalang post.
โ
โhttps://www.facebook.com/share/p/18pk1MRNAK/
โ
โhttps://www.facebook.com/share/p/1D4qVd8VxZ/
โ
โHalina't ๐บ๐ฎ๐ธ๐ถ๐ฏ๐ฎ๐ต๐ฎ๐ด๐ถ, ๐บ๐ฎ๐ธ๐ถ๐ถ๐๐ฎ, at ๐บ๐ฎ๐ธ๐ถ๐น๐ฎ๐ต๐ผ๐ธ sa halalan, Pandayan!
โ
โ
โ
โ
11/06/2026
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐: ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐
Bawat kandidato ay may kani-kaniyang pananaw, layunin, at adhikain para sa Organisasyong Pandayan.
Sa pagkakataong ito, atin namang tunghayan ang kanilang kasagutan sa tanong:
โ๐๐๐ป๐ด ๐ถ๐ธ๐ฎ๐ ๐ฎ๐ ๐บ๐ฎ๐ต๐ฎ๐ต๐ฎ๐น๐ฎ๐น ๐๐ฎ ๐ถ๐๐ผ๐ป๐ด ๐ป๐ถ๐ป๐ฎ๐ป๐ฎ๐ถ๐ ๐ป๐ฎ ๐ฝ๐ผ๐๐ถ๐๐๐ผ๐ป, ๐ฝ๐ฎ๐ฎ๐ป๐ผ ๐บ๐ผ ๐ถ๐ฝ๐ฎ๐ธ๐ถ๐ธ๐ถ๐น๐ฎ๐น๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ข๐ฟ๐ด๐ฎ๐ป๐ถ๐๐ฎ๐๐๐ผ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ป๐ฑ๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐๐ฎ ๐บ๐ด๐ฎ ๐บ๐ฎ๐ด-๐ฎ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐น ๐ป๐ฎ ๐ต๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐ธ๐ฎ๐๐ฎ๐ฝ๐ถ ๐ผ ๐บ๐ถ๐๐ฒ๐บ๐ฏ๐ฟ๐ผ ๐ป๐ถ๐๐ผ?โ
Kilalanin at alamin ang kanilang mga ideya at plano kung paano nila higit pang mapalalawak ang pagkilala at pakikilahok ng mga mag-aaral sa ating organisasyon.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the organization
Website
Address
Mabalacat
2010