Patrol Probinsya
22/10/2025
FOLLOW - UP OPERATION , NAUWI SA ENGKWENTRO, SUSPEK PATAY
(Laarni Barairo)
CALAMBA CITY, Laguna - Naging mapanganib ang follow-up operation sa Brgy. Parian, sa lungsod dito, kung saan nagresulta ito sa pagkamatay ng suspek na si alyas Papalo a t pagkakaaresto ng isa pa, alyas Allan, parehong taga-Brgy. Parian.
May warrant of arrest si Papalo para sa Frustrated Murder at itinuturing na pangunahing suspek sa dalawang pamamaril sa lungsod.
Nakumpiska sa mga suspek ang mga armas at hand gr***de.
Sugat naman ang natamo ni PMSg Christopher John Chupeco sa kaliwang bra*o at nagpapagaling ngayon sa pinakamalapit na pagamutan.
Kamakailan , isang 4-anyos na bata ang nadamay sa shootout sa Brgy. San Cristobal, sa nasabing lungsod kung saan nagsasagawa ng arrest warrant ang mga awtoridad.
Dalawang sibilyan ang nasawi, kabilang ang bata, at sugatan ang dalawang pulis. Ang mga suspek ay mahaharap sa mga ka*ong resisting arrest, disobedience to a lawful order, murder, frustrated murder, at paglabag sa illegal possession of fi****ms law.
Ayon kay PLtCOL Dennis C. De Guzman, hepe ng kapulisan, seryoso ang mga kapulisan sa paglaban sa mga kriminal na sumisira sa kapayapaan ng lungsod. Patuloy ang imbestigasyon ng mga kapiisam sa lugar ng insidente.
19/09/2025
BINATANG MAGSASAKA TINANGAY NG BAHA SA LOPEZ, QUEZON
Wala ng buhay nang marekober ang katawan ng isang 27-anyos na magsasaka na natangay ng baha habang tumatawid sa ilog sa Barangay VergaƱa sa Lopez, Quezon.
Ayon sa report ng Lopez police, nangyari ang trahedya noong Miyerkules ng umaga, Setyembre 17, habang ang biktima na residente ng naturang barangay ay patawid sa ilog papunta sa kanilang lugar na pinag-aanihan ng niyog kasama ang dalawang katrabaho sa bukid.
Subalit dahil sa walang tigil na pag-ulan, biglang lumaki ang tubig sa ilog at bumilis ang agos nito.
Ligtas na nakatawid ang dalawa niyang kasama subalit natangay ng malakas na agos ang biktima.
Isang multi-agency search and rescue operation ang inilunsad kasama ang mga tauhan ng Philippine National Police, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, Bureau of Fire Protection, Philippine Coast Guard, at mga lokal na opisyal.
Gumamit pa ng drone ang mga rescue team para mahanap ito.
Natagpuan ang bangkay ng biktima dakong alas-7:00 ng umaga nitong Huwebes, may dalawang kilometro ang layo mula sa pinangyarihan ng insidente.
Photo: Lopez, Quezon LGU
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
CampGNakar
Lucena
4301