Project Barkadahan

Project Barkadahan

Share

21/08/2025

Maligayang Pagbati sa ating !πŸŽ‰

Ngayong taon ay ipinagdiriwang ng Project Barkadahan ang ikatlong taong anibersaryo ng pagkakagawad kay Hon. Juan Gabriel "Biboy" Cada ng pagkilala bilang isa sa tatlumpung 'NATATANGING LIDER-KABATAAN NG LALAWIGAN NG QUEZON'.

Dahil dito sumilang ang grupong pang-kabataan, ang Project Barkadahan noong taong 2022, na layong isulong ang mabuti at mahusay na paggogobyerno ng mga kabataan sa paaralan, barangay at bayan.

Tuloy lang ang ating trabaho, mga kabarkada sa paglilingkod! Tuloy lang ang ating barkadahan! At sa panibagong taong ito, nawa ay lumawig pa ang ating barkadahan ng mga lider-kabataang nagnanais ng mahusay at mabuting uri ng paggogobyerno na sa kabataan mismo magmumula.

Mabuhay ang bawat kabarkada natin sa paglilingkod!✊

16/01/2025

π˜πŽπ”π“π‡ π‚πŽπƒπ„ 𝐒𝐀 ππ€π‘π€ππ†π€π˜ πŸ’, ππ€π’π€πƒπŽ 𝐍𝐀 𝐒𝐀 π’π€ππ†π†π”ππˆπ€ππ† ππ€π‘π€ππ†π€π˜!

Matapos ang ilang buwan na pagsusulong sa plenaryo ng ating kabarkada sa paglilingkod na si SK Chairman Biboy Cada at bilang Chairman ng Comm. on Sports and Youth Development, tagumpay na naipasa natin ang isang Barangay Ordinance na layong mapalakas pa ang karapatan at kahusayan ng kabataan sa Barangay 4.

Mula rito ay mas magiging malinaw ang responsibilidad at gampanin ng isang kabataan at maging ng SK sa ating barangay gayundin ang kanilang mga karapatan na dapat nilang natatamasa at inilalaan sa kanila ng pamahalaang Barangay at Sangguniang Kabataan.

Ang lahat ng ito ay hindi magiging posible kung wala ang ating mga masisipag na kabarkada sa Sangguniang Barangay 4 na mga kapwa kagawad at Punong Barangay. Buong pasasalamat po ang ating ipinahahayon sa kanilang palagiang pagsuporta sa Sangguniang Kabataan at Katipunan ng Kabataan ng ating Barangay.

Patuloy po nating isusulong ang isang progresibong paglilingkuran sa ating barangay at sa bayan kasama ang ating mga kabarkada sa mahusay na pagggogobyerno mula sa Model SK. Ang aming buong pasasalamat po sa inyong paggabay sa paglikha ng Youth Code at pagtataguyod ng mabuting pamamahala't halimbawa sa aming mga lider kabataan sa buong Pilipinas.

πŸ‘‰Ang pinal na kopya ng ating Youth Code of Barangay 4 ay mababasa sa ating SKloud.

Mobile uploads 15/10/2024

~malayo pa... pero malayo-layo na rin ang ating narating...

Bunga ng patuloy na pagpupunyagi ng Project Barkadahan sa mga nagdaang panahon, narito tayo ngayon at unti-unti nating natutupad ang ating AGENDA BARKADAHAN sa ating barangay para sa mga kapwa kabataanπŸ§‘β€οΈπŸ’™

Photos from Sangguniang Kabataan ng Barangay 4 - Lucban, Quezon's post 15/10/2024

Matagumpay na isinagawa ngayong araw ang 2nd Barangay Assembly sa Barangay 4 Hall sa pangunguna ni Punong Barangay Josephine A. Juacalla at mga Kagawad ng Sangguniang Barangay 4.

Kaalinsabay nito ay ang pagpapahayon rin ng ating kabarkada sa paglilingkod, SK Chairman Juan Gabriel "Biboy" Cada ng mga nagawang proyekto at programa ng Sangguniang Kabataan ng Barangay 4 sa loob ng mga nagdaang buwan.

Kaya naman narito ang ilan sa mga 'highlights' ng SK Barangay 4 Report na pinamagatang "State of the Sangguniang Kabataan Address sa Barangay" na nakasentro sa pagtupad sa 4 Point Agenda Barkadahan ng administrasyon.

Photos from Project Barkadahan's post 27/10/2023

πŸ“£Sa pagpili ng kandidato para sa Sangguniang Kabataan, DAPAT SIGURADO KA! ALAMIN AT KILALANIN!

Kaya naman kilalanin natin ang susunod na magpapaunlad ng Committee on Youth Livelihood & Employment si SK Kagawad GAB BUCAD ng Sangguniang Kabataan Barangay 4 - Lucban.

Want your organization to be the top-listed Government Service in Lucban?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


Barangay 4
Lucban
4328