Reliving Philippines

Reliving Philippines

Share

Photos from Reliving Philippines's post 26/07/2018

See what our customers say about Reliv Now For Kids!

Photos from Reliving Philippines's post 24/07/2018

See what our customers say about Reliv Now For Kids.

22/07/2018

May mga adulto at bata na maganang kumain ng gulay at mayroon naman na hindi. Ang ilan sa dahilan:
• Ang mga tao na mahilig sa gulay ay sinanay ng kanilang mga magulang na kumain nito noong bata pa sila.
• Ang iba naman ay hindi kinaugalian na kumain ng iba't ibang uri ng gulay, sa halip ay ang mga pagkain na naproseso na.
Kaya mahalaga bilang magulang na turuan ang inyong mga anak na kumain ng gulay! PERO PAANO?
Iminungkahi ng Facts for Life, na inilathala ng United Nations Children’s Fund, na minsan man lamang sa isang araw pagkatapos sumuso sa ina o sa bote, ang mga sanggol na mga anim na buwan na ay dapat pakainin ng gulay na pinakuluan, binalatan, at pagkatapos ay dinurog. Mas maraming uri ng pagkain, mas magaling para sa bata. Sinabi ni Dr. Vagner Lapate, isang espesyalista sa bata sa Brazil, na bagaman gatas ang pangunahing pagkain sa unang dalawang taon, ang pagbibigay ng ibang pagkain ay “nagpapasigla sa bata na tumikim ng ibang pagkain.”

Sa aklat na Medicina​—Mitos y Verdades (Medisina​—Mga Kathang-Isip at mga Katotohanan), iminungkahi ni Carla Leonel na ang kaunting katas ng kahel, mga puree (dinurog upang maging masa) ng prutas (tulad ng saging, mansanas, at papaya), cereal at sopas na may gulay ay isama sa pagkain ng bata nang mas maagang edad kaysa sa binanggit sa itaas. Siyempre pa, yamang iba-iba ang pangmalas hinggil dito, matalino na kumonsulta ka muna sa iyong pediatrician.

Kaya habang bata pa si bunso pakainin na sya ng iba't ibang uri ng gulay. At upang mas maging malusog at mapatatag ang immune system painumin sya ng Reliv Now For Kids na mayroong kompleto at balansing nutrisyon na kailangan ng kanyang katawan.

Credit .org/tl

Want your business to be the top-listed Grocery Store in Lipa City?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Telephone

Address


Lipa City
4217

Opening Hours

Monday 9am - 4pm
Tuesday 9am - 4pm
Wednesday 9am - 4pm
Thursday 9am - 4pm
Friday 9am - 4pm