OMA-Limay

OMA-Limay

Share

Photos from OMA-Limay's post 15/05/2026

𝐓𝐈𝐍𝐆𝐍𝐀𝐍 | 𝐏𝐚𝐠𝐠𝐮𝐧𝐢𝐭𝐚 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐌𝐚𝐠𝐬𝐚𝐬𝐚𝐤𝐚 𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐋𝐢𝐦𝐚𝐲 𝐬𝐚 𝐊𝐚𝐩𝐢𝐬𝐭𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐧𝐢 𝐒𝐚𝐧 𝐈𝐬𝐢𝐝𝐫𝐨 𝐋𝐚𝐛𝐫𝐚𝐝𝐨𝐫

Ngayong araw, Mayo 15, bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng kapistahan ni San Isidro Labrador, nagdaos ng banal na misa at nagsagawa ng parada ang ating mga magsasaka sa bayan ng Limay na ginanap sa Lower Duale.

Pinangunahan ito ni MAFC Chairman Ceferino P. Evangelio kasama ang iba’t ibang Farmers Association sa bayan ng Limay bilang pagpapakita ng pagkakaisa at pasasalamat para sa biyaya ng masaganang ani at kabuhayan.

Mabuhay ang mga magsasaka! Nawa’y patuloy kayong pagpalain ng ligtas na pamumuhay, mabuting kalusugan, at masaganang ani.

Photos from OMA-Limay's post 14/05/2026

𝐅𝐚𝐫𝐦-𝐭𝐨-𝐌𝐚𝐫𝐤𝐞𝐭 𝐑𝐨𝐚𝐝 𝐕𝐚𝐥𝐢𝐝𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧, 𝐈𝐬𝐢𝐧𝐚𝐠𝐚𝐰𝐚 𝐬𝐚 15 𝐒𝐢𝐭𝐞𝐬 𝐬𝐚 𝐁𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐋𝐢𝐦𝐚𝐲

Noong Mayo 12–13, nagsagawa ng Farm-to-Market Road (FMR) validation at assessment sa labinlimang (15) site sa bayan ng Limay na pinangunahan ng Office of the Municipal Agriculturist (OMA-Limay) sa pangunguna nina Engr. Jeremie Sagrado, Venree Clark Frianeza, Agricultural Consultant Alfredo Villaviray, at Renato Manalansan, katuwang ang Engineering Department, kasama sina Engr. Benedict Corpuz at Engr. Angelica Serso, gayundin ang DA-RFO III at PGB-ABE. Nakiisa rin sa nasabing aktibidad ang mga OJT mula sa BPSU-AC.

Isinagawa ang validation at assessment bilang pagtugon sa kahilingan ng ating butihing Mayor na si Richie Ja*on D. David upang mas mapadali ang transportasyon ng mga produktong agrikultural mula sa mga sakahan patungo sa pamilihan. Layunin din nitong makatulong sa pagpapalakas ng kabuhayan ng ating mga magsasaka at sa patuloy na pag-unlad ng sektor ng agrikultura sa bayan ng Limay.

Want your organization to be the top-listed Government Service in Limay?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


Limay
2103

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm