1-Rider Party-List

1-Rider Party-List

Share

Photos from 1-Rider Party-List's post 27/05/2026

Balikan natin ang mga panukalang batas na isinusulong ni Cong. Rodge Gutierrez ng 1-Rider Partylist, mula sa kaligtasan sa daan, proteksyon sa hanapbuhay, hanggang sa modernong sistema ng transportasyon.

25/05/2026

Sa pagdinig ngayon ng Committee on Transportation, binigyang-diin ni Cong. Rodge Gutierrez ng 1-Rider Party-List ang matagal nang problemang kinakaharap ng maraming riders: ang pagkaantala sa paglabas ng OR/CR at plaka na kadalasan ay hindi naman kasalanan ng rider, kundi dulot ng proseso at pagkukulang ng ilang dealers.

Hindi dapat ang rider ang napaparusahan sa sistemang wala siyang kontrol. Habang naghahanapbuhay at umaasa sa kanilang motorsiklo araw-araw, marami ang naaapektuhan ng delayed registration at dokumento.

Tinalakay rin ang mga problema sa paggamit ng eGov App na makakatulong sana para sa transparent na proseso at access sa mga programa ng LTO. Kung maayos ang implementasyon at kumpleto ang functionality nito, maaari itong magsilbing paraan para masubaybayan ng riders ang status ng kanilang OR/CR, maiwasan ang aberya, at mabawasan ang pahirap sa proseso.

Huwag sanang ipasa sa riders ang problema ng sistema. Ayusin ang proseso, panagutin ang may pagkukulang, at unahin ang kapakanan ng mga Kagulong.

Kung isa ka sa mga naapektuhan ng delayed OR/CR, plaka, o iba pang isyu sa rehistro at proseso, iparating sa amin ang inyong karanasan. Mag-message sa aming official pages at ibahagi ang inyong concerns para patuloy nating maitaas ang boses ng riders at maisulong ang mga solusyong kailangan sa mga pagdinig at panukala.

11/05/2026

Paalala mula sa 1-Rider Partylist: Siguraduhing may helmet bawat sakay. Ride safe, Kagulong!

07/05/2026

RIDE SAFE, KAGULONG! Habang umaandar, parehong kamay sa manibela at buong atensyon sa kalsada. Kung kailangang gumamit ng mobile phone, tumabi at huminto muna.

Want your organization to be the top-listed Government Service in Legazpi?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


Cabangan West
Legazpi
4500