PNOY - KCAST
15/07/2026
𝗔𝗻𝘂𝗻𝘀𝘆𝗼 | 𝗣𝗡𝗢𝗬 𝗚𝗘𝗡𝗘𝗥𝗔𝗟 𝗔𝗦𝗦𝗘𝗠𝗕𝗟𝗬
Inaanyayahan ang lahat ng mag-aaral ng kursong 𝘽𝙖𝙩𝙨𝙞𝙡𝙮𝙚𝙧 𝙣𝙜 𝙎𝙚𝙠𝙪𝙣𝙙𝙖𝙧𝙮𝙖𝙣𝙜 𝙀𝙙𝙪𝙠𝙖𝙨𝙮𝙤𝙣, medyor sa Filipino na dumalo sa 𝗣𝗡𝗢𝗬 𝗚𝗲𝗻𝗲𝗿𝗮𝗹 𝗔𝘀𝘀𝗲𝗺𝗯𝗹𝘆. Tatalakayin sa pagtitipong ito ang mahahalagang plano, programa, at mga gawain ng organisasyon na naglalayong higit pang mapatatag ang samahan ng bawat kasapi.
𝗣𝗲𝘁𝘀𝗮: Hulyo 16, 2026 (Huwebes)
𝗢𝗿𝗮𝘀: 4:00 PM – 6:00 PM
𝗟𝘂𝗴𝗮𝗿: KCAST Old Library
Mahalaga ang inyong pagdalo upang maging kabahagi sa pagpaplano at pagtalakay sa mga programang isasagawa ng organisasyon sa mga susunod na panahon. Ang inyong aktibong pakikilahok ay susi sa patuloy na paglago at tagumpay ng PNOY.
𝗣𝗮𝗮𝗹𝗮𝗹𝗮: Ang mga mag-aaral na nasa Unang Taon (1st Year) ay inaasahang magsusuot ng pulang t-shirt, samantalang ang mga nasa Ikalawang Taon (2nd Year) hanggang Ikaapat na Taon (4th Year) ay inaasahang magsusuot ng PNOY Shirt.
26/06/2026
𝐇𝐢𝐠𝐡𝐥𝐢𝐠𝐡𝐭𝐬 | 𝐂𝐨𝐥𝐥𝐞𝐠𝐞 𝐨𝐟 𝐓𝐞𝐚𝐜𝐡𝐞𝐫 𝐄𝐝𝐮𝐜𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧
A discussion toward commitment to excellence ❤️
The College of Teacher Education (CTE) successfully conducted its 1st Faculty Meeting for the 1st semester of AY 2026-2027 to discuss key academic preparations, including faculty loading, syllabus and coursepack templates, submission schedules, faculty introductions, and other institutional concerns.
The CTE is grateful for the time, collaboration, and dedication of every faculty member during the College of Teacher Education (CTE) Faculty Meeting.
May our shared vision continue to inspire excellence, innovation, and service in shaping future educators.
Together, we continue to strengthen our commitment to quality teacher education.
20/06/2026
𝐏𝐍𝐎𝐘, 𝐍𝐚𝐤𝐢𝐢𝐬𝐚 𝐬𝐚 𝐀𝐝𝐡𝐢𝐤𝐚𝐢𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐧𝐠𝐤𝐚𝐩𝐚𝐲𝐚𝐩𝐚𝐚𝐧
Bilang paggunita sa 𝟏𝟑𝐭𝐡 𝐀𝐧𝐧𝐮𝐚𝐥 𝐂𝐨𝐦𝐦𝐞𝐦𝐨𝐫𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐨𝐟 𝐭𝐡𝐞 𝐃𝐞𝐜𝐥𝐚𝐫𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐨𝐟 𝐖𝐨𝐫𝐥𝐝 𝐏𝐞𝐚𝐜𝐞, na may temang “𝐘𝐨𝐮𝐭𝐡 𝐑𝐢𝐬𝐞 𝐔𝐩 𝐟𝐨𝐫 𝐏𝐞𝐚𝐜𝐞 𝐚𝐧𝐝 𝐔𝐧𝐢𝐭𝐲 𝐓𝐡𝐫𝐨𝐮𝐠𝐡 𝐏𝐞𝐚𝐜𝐞 𝐖𝐚𝐥𝐤 𝐚𝐧𝐝 𝐂𝐨𝐥𝐥𝐞𝐜𝐭𝐢𝐯𝐞 𝐀𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧𝐬!”, aktibong nakilahok ang iilang mga mag-aaral na kasapi ng 𝐏𝐢𝐥𝐢𝐩𝐢𝐧𝐨𝐧𝐠 𝐍𝐚𝐠𝐩𝐚𝐩𝐚𝐲𝐚𝐛𝐨𝐧𝐠 𝐬𝐚 𝐎𝐫𝐢𝐡𝐢𝐧𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐘𝐚𝐦𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐏𝐢𝐥𝐢𝐩𝐢𝐧𝐚𝐬 (𝐏𝐍𝐎𝐘) sa nasabing aktibidad ngayong araw, 𝐇𝐮𝐧𝐲𝐨 𝟐𝟎, 𝟐𝟎𝟐𝟔, sa 𝐊𝐚𝐩𝐚𝐥𝐨𝐧𝐠 𝐆𝐫𝐞𝐞𝐧 𝐏𝐚𝐫𝐚𝐝𝐢𝐬𝐞.
Ang kanilang pakikilahok ay sumasalamin sa patuloy na pagsusulong ng 𝐤𝐚𝐩𝐚𝐲𝐚𝐩𝐚𝐚𝐧, 𝐩𝐚𝐠𝐤𝐚𝐤𝐚𝐢𝐬𝐚, at 𝐬𝐚𝐦𝐚-𝐬𝐚𝐦𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐤𝐢𝐥𝐨𝐬 para sa ikabubuti ng bayan. Nawa’y magsilbi itong inspirasyon sa 𝐤𝐚𝐛𝐚𝐭𝐚𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐢𝐥𝐢𝐩𝐢𝐧𝐨 na maging katuwang sa pagbuo ng isang 𝐦𝐚𝐬 𝐦𝐚𝐩𝐚𝐲𝐚𝐩𝐚 𝐚𝐭 𝐦𝐚𝐮𝐧𝐥𝐚𝐝 𝐧𝐚 𝐥𝐢𝐩𝐮𝐧𝐚𝐧.
18/06/2026
𝐏𝐍𝐎𝐘, 𝐈𝐤𝐢𝐧𝐚𝐬𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐌𝐢𝐝-𝐘𝐞𝐚𝐫 𝐄𝐯𝐚𝐥𝐮𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧
Ikinasa ng Pilipinong Nagpapayabong sa Orihinal na Yaman ng Pilipinas (PNOY) ng Kapalong College of Agriculture, Sciences and Technology (KCAST) ang Mid-Year Evaluation upang tasahin ang mga naisakatuparang programa, proyekto, at gawain ng organisasyon sa unang hati ng taong 2026.
Idinaos ang gawain noong Hunyo 17, 2026, mula ika-10:30 ng umaga hanggang ika-2:00 ng hapon sa Andris Grill and Sizzling House, kung saan nagsagawa ng masusing pagtalakay at pagsusuri ang mga opisyal at kasapi ng organisasyon.
Layunin ng Mid-Year Evaluation na masukat ang progreso ng organisasyon, matukoy ang mga hamon na kinakaharap, at makabuo ng mga estratehiyang magpapalakas sa mga susunod na programa ng PNOY. Bahagi rin ito ng pagpapanatili ng mahusay na pamamahala at pagtitiyak na ang bawat inisyatiba ay naaayon sa adhikain ng organisasyon na mapayabong ang orihinal na yaman ng Pilipinas.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Telephone
Website
Address
Maniki
Kapalong
8113
Opening Hours
| Monday | 8am - 5pm |
| Tuesday | 8am - 5pm |
| Wednesday | 8am - 5pm |
| Thursday | 8am - 5pm |
| Friday | 8am - 5pm |