DepEd RXII Kabacan National High School

DepEd RXII Kabacan National High School

Share

12/12/2025

𝐊𝐍𝐇𝐒, 𝐍𝐚𝐬𝐮𝐧𝐠𝐤𝐢𝐭 𝐚𝐧𝐠 𝐁𝐞𝐬𝐭 𝐇𝐨𝐬𝐭 𝐒𝐜𝐡𝐨𝐨𝐥 𝐀𝐰𝐚𝐫𝐝 𝐬𝐚 𝟓𝟎𝐭𝐡 𝐏𝐫𝐨𝐯𝐢𝐧𝐜𝐢𝐚𝐥 𝐌𝐞𝐞𝐭 𝟐𝟎𝟐𝟓

DISYEMBRE 12, 2025 - Iginawad sa Kabacan National High School ang parangal na Best Host School sa natatanging paaralan na nagbahagi ng kanilang serbisyo, pagtutok sa seguridad at kaayusan ng pananatili ng bawat atleta, mga tagapayo, mga opisyal ng delegasyon, mga magulang na bumubuo sa delegasyon ng Congressional District 1 bilang billeting quarter nitong Disyembre siyam hanggang 12 kaugnay sa 50th Provincial Meet 2025.

Isang karangalan na kilalanin at mapagtagumpayan ang naturang parangal na puspusang pinaghandaan ng bawat komite ng paaralan na pinangunahan ni G. Jasper Lobaton, P-IV, kaagpay sina G. Suharto Buisan at G. Mario Corpuz sa pakikipatulungan ng KNHS – PTA Officers sa pangunguna ni G. Vicente Rivas maging ang aktibong pagresponde ng lokal na pamahalaan ng Kabacan pamamagitan ni Mayor Evangeline Pascua-Guzman kabilang ang hanay ng PNP at BFP upang masigurado ang kalidad serbisyo na matamasa ng delegasyon ng CD 1 na kinabibilangan ng munisipalidad ng Pikit, Pigkawayan, Aleosan, Libungan, Midsayap, at Alamada.

Ibinahagi ni G. Lobaton sa faculty and staff ng KNHS ang makabuluhang winika ng isang kilalang pangulo sa pagbibigay nito ng sigasig at inspirasyon sa kanilang mga responsibilidad sa kasagsagan ng preparasyon at pagiging punong abala sa mga gawain kaugnay sa palarong panlalawigan.

“Ask not what your country can do for you, — ask what you can do for your country ." - President John F. Kennedy

Sa pamamagitan ng pagtutulungan, pagkakaisa at dedikasyon ng Kabacan National High School, LGU Kabacan at sa lahat ng naging kabahagi ng tagumpay na ito ipinagmamalaking naiuwi ng paaralan ang Best Host School Award sa Palarong Panlalawigan 2025.

✍️ | Jesza Lou Paguirigan

Want your school to be the top-listed School/college in Kabacan?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address


Mapanao Street , Poblacion
Kabacan
9407