Karel R. Sakkalahul

Karel R. Sakkalahul

Share

07/08/2025

๐—ฃ๐—ฅ๐—œ๐—ฉ๐—œ๐—Ÿ๐—˜๐—š๐—˜ ๐—ฆ๐—ฃ๐—˜๐—˜๐—–๐—› ๐—ฃ๐—”๐—ง๐—จ๐—ก๐—š๐—ž๐—ข๐—Ÿ ๐—ฆ๐—” ๐—ž๐—”๐—ฅ๐—”๐—ฃ๐—”๐—ง๐—”๐—ก ๐—”๐—ง ๐—ž๐—”๐—ฃ๐—”๐—ž๐—”๐—ก๐—”๐—ก ๐—ก๐—š ๐— ๐—š๐—” ๐— ๐—”๐—ฌ ๐—ž๐—”๐—ฃ๐—”๐—ก๐—ฆ๐—”๐—ก๐—”๐—ก (๐—ฃ๐—ช๐——)

Bismillahi Rahman Neerahim

Assalamualaykum Warahma Tullahi Wabarakatuh

Magandang araw po sa ating lahat, lalung-lalo na sa ating kagalang-galang na Punong Lungsod, mga kasamahan sa Sangguniang Panlungsod, mga opisyal mula sa ibaโ€™t ibang tanggapan, at mga minamahal nating kababayan.

Ako po ay tumatayo ngayon hindi lamang bilang inyong lingkod-bayan, kundi bilang boses ng isang sektor na madalas ay hindi naririnigโ€”ang ating mga kapatid na Differently Abled Persons o mga taong may kapansanan.

Ang mga PWD ay hindi hadlang sa pag-unlad ng lipunan. Sila ay may kakayahan, may pangarap, at may karapatanโ€”katulad ng bawat isa sa atin. Sa kabila ng mga hamon na kanilang kinakaharap araw-arawโ€”mula sa kawalan ng access sa edukasyon, kabuhayan, transportasyon, at serbisyong medikalโ€”hindi natin matatawaran ang kanilang tapang at determinasyon na maging kapaki-pakinabang na miyembro ng komunidad.

Sa Isabela City, kitang-kita po natin ang aktibong partisipasyon ng mga PWD sa mga gawaing pang-komunidad. Sa katatapos lamang na National Disability Rights Week, ipinamalas ng ating mga kapatid na may kapansanan ang kanilang talento, galing, at kakayahang makiisa sa mga aktibidad gaya ng cooking competition, sports challenge, PWD Got Talent, at maging sa mga inisyatibong pangkalikasan tulad ng Coffee Tree Planting.
Isang malaking bahagi ng tagumpay ng mga gawaing ito ay dahil sa pamumuno at malasakit ng ating PDAO President na si Maโ€™am Gemma Casas-Paculio, gayundin ang suporta ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) at Persons with Disability Affairs Office (PDAO).

Ngunit hindi pa po ito sapat.

Kailangan natin ng mas matibay na suporta mula sa bawat antas ng pamahalaan. Kailangan nating paigtingin ang paggamit ng PWD Desk sa bawat isa sa ating 45 barangay. Ito ay upang masig**o na ang mga PWD sa komunidad ay nabibigyan ng pansin, serbisyo, at oportunidad na nararapat sa kanila.

Ipinapanukala ko rin na isaalang-alang natin ang:
1. Paglalaan ng karagdagang pondo para sa mga PWD programs sa ilalim ng annual budget;
2. Pagsasagawa ng regular na PWD profiling sa barangay level;
3. Pagbibigay ng skills training at livelihood assistance;
4. At higit sa lahat, ang pagpapatuloy ng mga programang makatao at inklusibo.

Sa pagtatapos po ng aking talumpati, nais kong hikayatin ang bawat isaโ€”mula sa mga opisyal ng barangay, mga lider ng komunidad, at maging tayong mga halal na opisyalโ€”na gawin nating layunin ang pagbuo ng isang lungsod na tunay na makatao, inklusibo, at may malasakit sa lahat, anuman ang kanilang kalagayan.

Mga kasama sa serbisyo publiko, ang tunay na sukatan ng pag-unlad ay hindi lamang nasusukat sa imprastraktura o ekonomiya, kundi sa kung paano natin pinangangalagaan ang pinaka-nangangailangan at pinaka-naiiwan.

Sa mga Persons with Disabilities ng Isabela Cityโ€”kami po ay kasama ninyo, karamay ninyo, at katuwang ninyo.

Maraming salamat po at mabuhay ang bawat Isa!

Photos from Karel R. Sakkalahul's post 31/07/2025

๐Ÿต๐—ง๐—› ๐—ฆ๐—”๐—ก๐—š๐—š๐—จ๐—ก๐—œ๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—ก๐—Ÿ๐—จ๐—ก๐—š๐—ฆ๐—ข๐——
๐— ๐—”๐—œ๐——๐—˜๐—ก ๐—ฆ๐—˜๐—ฆ๐—ฆ๐—œ๐—ข๐—ก | ๐—๐—จ๐—Ÿ๐—ฌ ๐Ÿฏ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฑ

Noong Hulyo 3, 2025, ang 9th Sangguniang Panlungsod ay nagkaroon ng maiden session at ang inyong lingkod ay nagkaroon ng oportunidad upang magbigay ng Inaugural Speech.

Muli, tayo ay nagpapasalamat sa lahat ng mga sumuporta, nagdasal at patuloy nagmahal at nagtitiwala sa atin.

Nawaโ€™y bigyan pa tayo ng sapat na lakas at gabayan ng Allah swt sa ating tungkulin at responsibilidad bilang lingkod bayan.

Photos from Isabela City Tourism's post 27/07/2025
Want your business to be the top-listed Media Company in Isabela?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address


City Hall Complex
Isabela
7300