GarfieldTv

GarfieldTv

Share

29/08/2024

Siguro naman magsama rin tayo sa kabilang buhay hindi man ngayon soon

24/08/2024

Dito lang muna ako.

Kahit sa mga oras na hindi mo na ako kailangan,
Kahit sa mga panahong masaya kang tinatahak ang mundo,
Kahit sa mga sandaling hindi na ako ang naaalala na iyong puso,
At kahit hindi na ako maging bahagi dito.

Nandito lang ako, kahit hindi mo na ako tingnan,
O kahit hindi kana kumaway kung makita mo man ako sa daan.
Kahit hindi na tumugon at ngitian,
Kahit hindi mo na ako lapitan.

Dito lang ako,
Kahit na sa iba na ngumingiti ang iyong mga mata.
Na dati ako lang ang laman ng iyong pagtawa,
Na noo'y sinama mo akong maglakbay sa makulay mong mundo,
Basta dito lang muna ako, kahit hindi na sa tabi mo.

Hayaan mo munang pagmasdan kita, kahit sa mga huling sandali.
Hindi pa napapagod ang puso, narito kang palagi.
Nanamnamin ang bawat oras na naririnig ko pa ang iyong halakhak.
Kahit ito'y masakit, kahit pa mahirap.

Mapapagod din siguro ako.
Aalis din, kapag alam kong wala na.
Kung hindi na magtagpo itong ating mga mata.
Lilisanin din kita.

Ngunit sa ngayon, hayaan mo muna—
na umasang babalik ka pa.
Na sana'y maisip mong umuwi sa akin,
Na maisip mong ako na ang tahanang hahanap-hanapin.

Baka bukas,baka sa makalawa.
Baka sa isang buwan, o higit pa.

Basta dito lang muna ako,
Hanggang sa hindi ko na makaya.

Want your business to be the top-listed Gym/sports Facility in Ipil?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Culinary Team

Attire

Website

Address


Ipil, Sanito Purok Nuevo1 Zamboanga Sibugay
Ipil
7001