Kabataan Partylist - Intramuros
13/11/2022
Youth of Intramuros, we call on you to WALK FOR EDUCATION! WALK FOR YOUR FUTURE!
Join us next week as we discuss the rising issues in our education sector and as we unite together to amplify the plight of Filipino students everywhere! Magkaisa para sa 100% ligtas, abot-kaya, at dekalidad na pagbabalik eskwela, hindi mandatory ROTC!
Sign-up using the link: bit.ly/WalkforEducation
11/10/2022
Ika-9 ng Oktubre ay ating inalala ang dalawang taon simula ng paglisan ni Baby River sa mundo. Si River Nacino ay ang anak ng na isang human rights worker na si Riena Mae Nacino na ikinulong ng rehimeng Duterte. Matatandaan na si Baby River ay dumanas ng acute respiratory distress syndrome habang hinihintay na maalagaan ng kanyang ina dahil sa murang edad nito ngunit hindi pinayagan ng kapulisan at ng estado hanggang tuluyan itong bawian ng buhay. Maski sa huling hantungan nito ay tandang-tanda pa rin natin ang pagpigil kay Riena na makapagdalahamhati nang maayos.
Nitong ika-5 ng Sityembre ay idiniklara ng Court of Appeals na “Void” o walang bisa ang search warrants na ginamit kay Riena Mae Nasino at sa Dalawa nitong kasamang Human rights activist. Nagpapatunay lamang na siya o ang Tondo 3 ay inosente at ang pait na kanyang dinaranas ay dulot ng laganap na redtagging at impyunidad ng estado.
Kaisa ang Kabataan Partylist- Intramuros na taas kamaong sigaw ang hustisya para kay Baby River Nacino at tuluyang pagpapalaya sa kanyang ina na Si Riena Mae Nacino! Atin kailanaman hindi makakalimutan ang bawat luha at dugong dumanak. Tayo’y taas kamaong lalaban para sa tunay na hustisya at paninigil sa mga nagkasala.
09/09/2022
Hinarass ng mga kapulisan ang mga kabataang nagkasa ng kilos protesta ngayong araw sa harap ng House of Representative upang kondenahin ang pagtapyas na naman ng badyet para sa edukasyon.
Kaisa ang Kabataan Partylist- Intramuros sa tumututol sa pagbabawas na naman ng badyet sa Edukasyon. Matatandaang nitong nakaraang rehimeng Duterte ay tinapyasan ng ilang bilyones na ang para sa sektor ng edukasyon sa ilalim ng lumalalang krisis ng pandemya. Ang pagpapatuloy ng pagbaba ng nakalaang pondo para sa edukasyon ay lalong negatibong makakaapekto sa pagkatuto ng mga mag-aaral na Pilipino.
Karapatan sa Edukasyon, Ipaglaban!
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the organization
Address
Intramuros