LGU - Infanta, Pangasinan - Opisyal

LGU - Infanta, Pangasinan - Opisyal

Share

22/06/2026

Happy Birthday to our dedicated IWWS Administrative Aide IV (Clerk II), Ma'am Jenilyn B. Mores!

Thank you for your hard work, efficiency, and the vital support you provide to our team every day. May your special day be filled with joy, and may the year ahead bring you continued success and happiness.

Cheers to you, Ma'am Jenilyn! Have a wonderful celebration!

Photos from LGU - Infanta, Pangasinan - Opisyal's post 22/06/2026

𝗜𝗻𝗳𝗮𝗻𝘁𝗮 𝗦𝘂𝗰𝗰𝗲𝘀𝘀 𝗦𝘁𝗼𝗿𝗶𝗲𝘀

Mula sa pagsubok tungo sa tagumpay.
Ang mga kwento ng tagumpay ng mga dati at kasalukuyang benepisyaryo ng 4Ps sa Bayan ng Infanta ay patunay na sa tulong ng sipag, tiyaga, at tamang suporta ng pamahalaan, kayang baguhin ang takbo ng buhay. Mula sa simpleng pangarap, unti-unting naabot ang mas maayos na kinabukasan para sa pamilya at komunidad.

Ang bawat tagumpay ay inspirasyon na ang pagbabago ay posible kapag may pagkakaisa, determinasyon, at pananampalataya. Patuloy nating ipagdiwang ang mga kwento ng pag-angat at pag-asa ng bawat pamilyang Pilipino.


#

Photos from LGU - Infanta, Pangasinan - Opisyal's post 22/06/2026

TAGUMPAY NG KABATAANG INFANTANIAN SA CPA LICENSURE EXAM!

Isang malaking karangalan para sa bayan ng Infanta ang ipinagbubunyi nating tagumpay ni Marl Angelo Mirador Caracas, na nagkamit ng Top 6 sa Certified Public Accountant (CPA) Licensure Examination 2026!

Sa libu-libong examinees mula sa iba’t ibang panig ng Pilipinas, pinatunayan ni Marl Angelo na ang husay at galing ng mga Infantanian ay kayang makipagsabayan sa pinakamahusay sa bansa. Ang kaniyang pagtatagumpay ay bunga ng kaniyang pambihirang talino, disiplina, at dedikasyon sa kaniyang layunin, na naging posible rin dahil sa kalinga at suporta ng kaniyang mga magulang na sina Gng. Jean Mirador Caracas at G. Marlito Caracas.

Ang Lokal na Pamahalaan ng Infanta, sa pangunguna nina Doctor Mayor Virgilio F. Vallarta, M.D. at Vice Mayor Erdolfa A. Soriano, katuwang ang LYDO, ay nagpapaabot ng taos-pusong pagbati sa kaniyang natamong karangalan. Nawa’y magsilbi kang inspirasyon sa ating mga kabataan na huwag tumigil sa pangangarap at patuloy na magsikap upang maabot ang kanilang mga mithiin.

Isang maalab na pagbati, Marl Angelo Mirador Caracas, CPA! Tunay kang huwaran ng kahusayan at integridad. Ipinagmamalaki ka ng buong Infanta!

Mabuhay ang Bagong Infanta!



-
-
-

Please LIKE, FOLLOW & SUBSCRIBE
FACEBOOK:
https://www.facebook.com/lguinfantapangasinan
INSTAGRAM:
https://www.instagram.com/lguinfantapangasinan/
YOUTUBE:
https://www.youtube.com/

Want your organization to be the top-listed Government Service in Infanta?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Telephone

Address


Poblacion
Infanta
2412

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm