JEYPS Auto Paint and Body Works

JEYPS Auto Paint and Body Works

Share

19/06/2026

"Kapag premium ang services, premium din ang result, mga kasama kong loading. Pero Bossing, linawin ko lang ha—yung ₱55,000 na basic wash-over ko, budget meal pa nga 'yan sa totoo lang.

Binigay ko na ang computation dito. Ang isang wash-over, hindi natatapos ng ilang araw lang. Umaabot iyan ng dalawa hanggang tatlong linggo para maayos ang proseso at quality.

Ang master painter ko ay ₱1,000 kada araw. Dalawang helper, tig-₱700 kada araw. Secretary, ₱600 kada araw. Anim na araw ang pasok kada linggo. Hindi pa kasama diyan ang renta, kuryente, tubig, kagamitan, maintenance ng shop, at iba pang hidden costs ng negosyo.

Kaya sa ₱55,000, manipis pa ang margin niyan. Sa totoo lang, ang ₱55,000 na wash-over ngayon, budget meal na lang sa industriya ng premium auto painting.

Kaya huwag na tayong maghanap ng ₱25,000, ₱35,000, o ₱45,000 na premium wash-over. Wala na po tayo sa panahon na mura ang materyales at labor. Mataas na ang inflation, mahal na ang pintura, mahal ang skilled workers, at mahal ang magpatakbo ng maayos na shop.

Kung premium ang gusto mong result, kailangan ding maintindihan na may tamang presyo ang premium na serbisyo. Dahil kadalasan, ang sobrang murang presyo ngayon, siya ring nagiging mahal na problema bukas."

18/06/2026

"Bakit mas mahal ang singil sa rework o redo?"

Madalas may nagtatanong sa akin:

"Boss, bakit mas mahal pa yung singil ninyo sa pag-ayos kaysa sa unang gumawa?"

Simple lang ang sagot ko.

Kasi hindi na lang kami gumagawa, inaayos namin ang maling ginawa ng iba.

Halimbawa, may dumating sa akin na bumper at fender na ang alignment ay ginawa gamit ang metal screw at makapal na masilya para lang magmukhang pantay. Ang problema, hindi naman talaga naka-align ang piyesa. Tinakpan lang ang mali.

Kapag ganyan ang ginawa, sa unang tingin maganda. Pero kapag tinanggal at ibinalik ang bumper, wala na ang alignment. Nagbibitak ang masilya, bumabalik ang awang, at lumalabas ang daya.

Ang tamang proseso ay:

✅ Tanggalin ang maling pagkakakabit
✅ Burahin ang masilyang ginamit para magtago ng depekto
✅ I-correct ang mounting at alignment ng bumper at fender
✅ Ibalik ang fitment na halos katulad ng original factory gaps

Tandaan ninyo:

Ang premium repair ay hindi pagtatago ng problema. Ang premium repair ay pag-aayos ng ugat ng problema.

Kaya kung mas mahal ang singil namin sa redo, hindi dahil gusto naming manlamang. Mas mahal dahil:

Nagbabayad ka para itama ang daya, hindi para ulitin ang mali.

At ang masakit na katotohanan?

Una kang siningil sa maling gawa, tapos kailangan mo pang magbayad ulit para maitama ito. Iyan ang tunay na mahal.

Want your business to be the top-listed Autos & Automotive Service in Imus?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Telephone

Website

Address


204 Camerino Compound Pasong Buaya 2
Imus
4103

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 8am - 5pm
Sunday 8am - 4pm