PRO6 Child Development Center

PRO6 Child Development Center

Share

It is a place where the seeds of faith are planted and nurtured in the hearts of little ones."🙏💕

Photos from PRO6 Child Development Center's post 03/07/2026

31st Police Community Relations (PCR) Month
LAB in Action Program | ❤️ PUSONG NAGMAMALASAKIT, KAMAY NA UMAALALAY ❤️

May mga paglalakbay na hindi nasusukat sa layo ng narating, kundi sa dami ng pusong naantig. Sa bawat pagtulong, pag-asa ang naihahatid at pagmamahal ang nananatili.

Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng 31st Police Community Relations (PCR) Month ngayong Hulyo, na may temang "Sa Bagong Pilipinas, Ugnayang Pulis at Mamamayan: Tapat, Maaasahan, at Nararamdaman ng Bayan," muling isinabuhay ng PNP OLCFI-PRO6 Chapter ang diwa ng malasakit at serbisyong may puso sa isang makabuluhang outreach activity sa Guimaras Province ngayong Hulyo 3, 2026.

Sa pamumuno ni Mrs. Shiela L. Tayco, President, sa ilalim ng patnubay ni Mrs. Jhasmin S. Tuaño, Adviser, at sa pangkalahatang superbisyon at buong pusong suporta ni PBGEN RANDULF T TUAÑO, Regional Director, PRO6, isinagawa ang gawaing ito bilang bahagi ng LAB in Action Program ng PNP OLCFI, sa pamumuno ni Mrs. Mary Rose O. Nartatez, bilang suporta sa adhikain ng Chief, PNP, PGEN JOSE MELENCIO C NARTATEZ JR, na isulong ang Serbisyong Nararamdaman—isang serbisyong may malasakit na tunay na umaabot sa puso ng bawat Pilipino.

Unang binisita ng mga opisyal ng PNP OLCFI-PRO6 Chapter ang isang PNP personnel na patuloy na lumalaban sa malubhang karamdaman sa Dr. Catalino Nava Gallego Medical Center, Guimaras Province. Kasabay ng pagdiriwang ng Class Masilak ng kanilang class anniversary, nagkaisa ang PRO6 OLCFI at Class Masilak sa paghahatid ng cash financial assistance, groceries, bigas, at hygiene kits bilang simbolo ng pagdamay, pag-asa, at pagmamahal sa ating kapwa.

Nagpatuloy ang misyon sa Dasal Child Development Center, Barangay Dasal, Sibunag, Guimaras, kung saan nagsagawa ng feeding activity para sa mga mag-aaral. Naging katuwang sa gawaing ito sina PLT HERBERT G REMIGIO, OIC, Sibunag MPS, kasama ang kanyang mga personnel, at Punong Barangay Gerardo Galupino sa paghahatid ng saya at pag-asa sa mga bata.

Taos-puso rin ang aming pasasalamat sa Guimaras Police Provincial Office, sa pamumuno ni PCOL FERDINAND N NAVALES, Provincial Director, at sa buong Guimaras PPO Family para sa kanilang mainit na pagtanggap, pakikiisa, at buong pusong suporta sa matagumpay na pagsasakatuparan ng gawaing ito.

Sa bawat tulong na naipagkaloob, higit na pinagtitibay ang ugnayan ng kapulisan at komunidad—tapat, maaasahan, at tunay na nararamdaman ng bayan.

Sapagkat ang tunay na serbisyo ay nagsisimula sa pusong nagmamalasakit at sa kamay na laging handang umalalay. ❤️

Photo Disclaimer: Photos of the children are posted with the consent of their parents/guardians and the Child Development Center.

Photos from PNP Police Regional Office 6's post 26/06/2026

❤️❤️❤️

Photos from PRO6 Child Development Center's post 21/06/2026

Happy Father’s Day, SIR R5 DINGAL❤️

Want your organization to be the top-listed Non Profit Organization in Iloilo City?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


Camp Gen Martin Teofilo B Delgado, Fort San Pedro, Iloilo City
Iloilo City
5000