DTI R2 Isabela
The DTI is in charge of achieving the nation's objective of having an innovative, globally competitive, and inclusive industrial and services sector. DTI fervently pursues its objective and mandate through a thorough industrial growth strategy, progressive and socially responsible programs, trade-expansion and trade-diversification-oriented policies, and consumer empowerment and protection measure
30/05/2026
πππ π2, πππ πππππππππππ ππ πππππππ, πππππππππ; ππππππππ ππππ ππ πππ πππππ¬, πππππππππ
Nagpulong ang Department of Trade and Industry Region 02 (DTI R2) at DTI Isabela Provincial Office kasama ang mga kongresista ng Isabela upang talakayin ang mga programa para sa pagpapalakas ng micro, small, and medium enterprises (MSMEs) at iba pang development initiatives sa lalawigan.
Pinangunahan ni House Speaker Faustino βBojieβ Dy III ang diskusyon kasama ang mga kinatawan ng LPG Marketers Association (LPGMA) Party-list ukol sa mga prayoridad na programa ng DTI para sa pagpapaunlad ng kabuhayan at lokal na negosyo sa Isabela. na isinagawa noong May 25 sa Batasan Hills Quezon City. Inilatag nina DTI R2 Regional Director Ma. Sofia G. Narag at Acting Provincial Director Atty. Cyrus I. Restauro ang mga hakbang ng ahensya sa pagpapalawak ng livelihood at enterprise development opportunities, pagpapalakas ng Shared Service Facility (SSF) projects, at pagpapaigting ng consumer protection programs sa buong lalawigan.
Layunin ng pakikipagtulungan sa mga mambabatas na maisulong ang inklusibo at tuloy-tuloy na paglago ng ekonomiya sa Isabela sa pamamagitan ng mas matibay na suporta sa mga lokal na negosyante at MSMEs, patuloy na pinagtitibay ng ahensya ang koordinasyon nito sa mga stakeholder at legislative partners.
30/05/2026
1ππ πππ ππππππππ πππππππ, πππππππππ ππ ππππππ πππππππ, πππππππ
Inilunsad ng DTI Isabela Provincial Office, katuwang ang Lokal na Pamahalaan ng Benito Soliven, ang kauna-unahang βDTI Serbisyo Caravanβ noong Mayo 26, 2026, upang ilapit ang mga programang pangkabuhayan at serbisyo ng gobyerno sa mga negosyante at aspiring entrepreneurs sa bayan.
Dinaluhan ito ng mga micro, small, and medium enterprises (MSMEs) at mga nais magsimula ng kabuhayan upang makinabang sa iba't ibang business development programs at government services. Pinuri ni Mayor John Paul S. Azur ang mga lokal na negosyante sa kanilang ambag sa paglago ng ekonomiya ng Benito Soliven, kasabay ng pagpapahalaga sa potensyal ng banana fiber industry at mga lokal na produkto. Ibinahagi rin ang planong pagbubukas ng Pasalubong Center ngayong Hunyo upang mas mapalawak ang merkado ng mga lokal na produkto.
Nagpahayag naman ng suporta si Acting Provincial Director Cyrus I. Restauro, kinilala ang matibay na pakikipagtulungan ng LGU sa DTI. Tampok sa caravan ang mga seminar tungkol sa packaging, marketing, at negosyo education, gayundin ang mga programang pangkabuhayan tulad ng CFIDP at SSF. Nagbigay din ng loan facilitation, BMBE at PhilGEPS registration assistance, at product development consultation. Layunin ng caravan na mapalago ang kabuhayan at lokal na negosyo ng mga Solivenian
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the organization
Telephone
Website
Address
City Civic Center, Alibagu, City Of Ilagan, Isabela
Ilagan
3300
Opening Hours
| Monday | 7am - 6pm |
| Tuesday | 7am - 6pm |
| Wednesday | 7am - 6pm |
| Thursday | 7am - 6pm |