MSWD Gumaca

MSWD Gumaca

Share

MSWD is the social welfare arm of the Municipal Government mandated by Local Government Code of 1991 to address poverty-related concerns and committed to the care, protection and rehabilitation of individuals, family, and community.

01/06/2026

Patuloy na nakikiisa ang MSWDO sa mga programang naglalayong hubugin ang mga kabataan bilang responsable, mulat, at aktibong mamamayan na magiging katuwang sa pag-unlad ng komunidad.

Maraming salamat sa lahat ng ahensya at kabataang naging bahagi ng matagumpay na gawaing ito. Sama-sama nating itaguyod ang kapakanan at kinabukasan ng ating kabataan.

PYAP GUMACA, AKTIBONG NAKILAHOK SA U4U (Youth for Youth) TRAINING!

Matagumpay na naisagawa noong Mayo 20–21 ang U4U (Youth for Youth) Training sa PDAO Office, sa pangunguna ni Mr. Emman T. Abuela, Regional Population Program Officer, kasama si Ms. Diane Almaza, Provincial Program Officer IV, at sa pakikipagtulungan ng RHU Gumaca sa pangunguna nina Dra. Maria Estelita C. Soriano at Ms. Ariane Loren Cabangon, Nurse III.

Naging matagumpay ang programang ito sa pamamagitan ng pagtutulungan ng Local Youth Development Office (LYDO) sa pangunguna ni Mr. Hamilton A. Villapando, Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) sa pangunguna ni Ma'am Nancy Pascual, at ng Pag-asa Youth Association of the Philippines (PYAP) – Gumaca sa pangunguna ng PYAP Focal Person na si Christian Dave M. Sebuc, kasama ang mga opisyal ng organisasyon na naging katuwang sa koordinasyon, mobilisasyon, at matagumpay na pagsasagawa ng nasabing programa.

Layunin ng pagsasanay na mapalawak ang kaalaman at kamalayan ng mga kabataan tungkol sa:
✅ Adolescent Health
✅ Responsible Decision-Making and Teen Pregnancy Prevention
✅ HIV/AIDS Awareness

Sa pamamagitan ng mga makabuluhang talakayan, workshops, at interactive activities, higit na napalakas ang kakayahan ng mga kabataan bilang mga responsableng lider, mabubuting huwaran, at aktibong tagapagtaguyod ng kalusugan at kapakanan ng kanilang komunidad.

Lubos na nagpapasalamat ang PYAP Gumaca sa lahat ng katuwang na ahensya, resource speakers, at mga kabataang buong pusong nakibahagi sa programang ito. Nawa'y magsilbi itong inspirasyon upang patuloy na paigtingin ang kamalayan, partisipasyon, at pamumuno ng kabataan tungo sa isang mas ligtas, mas malusog, at mas maunlad na kinabukasan.

29/05/2026

Happy Birthday, Ma'am Lucina! 🎉🎂

Wishing you a day filled with happiness, love, and countless blessings. Thank you for your hard work, kindness, and dedication that inspire everyone around you.

Want your organization to be the top-listed Government Service in Gumaca?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address


J. P Rizal Brgy. Pipisik Pob
Gumaca
4307