Frontline Update ph

Frontline Update ph

Share

08/06/2026

OFFICIAL STATEMENT OF SENATOR B**G GO
Taus-puso akong nakikiramay sa lahat ng kapwa ko Mindanaoan na tinamaan ng napakalakas na lindol kaninang umaga. Nakikidalamhati ako sa mga pamilyang nawalan ng mahal sa buhay, at patuloy akong nananalangin para sa agarang paggaling ng mga nasugatan.
Nananawagan ako sa ating mga local government units na magsagawa ng agarang assessment sa lahat ng apektadong gusali at mga istruktura, sapagkat ang kaligtasan ng ating mga kababayan ang dapat na pangunahing prayoridad upang maiwasan ang karagdagang pinsala.
Kasabay nito, umaapela ako sa mga ahensya ng national government na maglatag ng mabilis na interventions para sa mga nawalan ng kabuhayan, lalo na ang mga ordinaryong manggagawa sa mga establisyemento na pansamantalang nagsara dahil sa pinsala.
Kailangan nating gawin ang lahat ng makakaya sa lalong madaling panahon—mula sa agarang pagpapanumbalik ng kuryente at daloy ng trapiko sa mga nasirang daan, hanggang sa pagbibigay ng tulong sa mga pamilyang nawalan ng tirahan at kabuhayan, at pagpapatibay ng koordinasyon sa relief at recovery operations.
Bukas palagi ang aking opisina, at handa ako kasama ang aking Malasakit Team na maghatid ng tulong sa abot ng aming makakaya.
Sa muli, nakikiisa ako sa lahat ng Mindanaoan sa oras ng hinagpis, pangamba at dalamhati. Nananawagan ako sa buong sambayanang Pilipino, magkaisa po tayong lahat alang-alang sa mga kapwa nating lubos na nangangailangan ng tulong.
Mag-ingat po tayong lahat, at huwag nating kalimutang manalangin sa ating Panginoong Diyos, kay Allah, ang pinakamakapangyarihan sa lahat.

Want your business to be the top-listed Media Company in Davao City?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


JP Laurel Avenue
Davao City
8000