Bugkos - CNSC

Bugkos - CNSC

Share

Photos from Bugkos - CNSC's post 27/04/2025

๐‡๐€๐‹๐ˆ๐๐€โ€™๐“ ๐Œ๐€๐† ๐๐”๐†๐Š๐Ž๐’!๐Ÿค๐Ÿซ‚

BUGKOS: Magbugkos, Magkaisa, Magsulong
UNITED IN PURPOSE, UNITED FOR CNSCEANS

TANGAN: Representation with Integrity

Ang tunay na paglilingkod ay nagmumula sa tapat na pagpapahayag ng tinig ng marami. Sa bawat hakbang, isinasabuhay ang marangal na representasyonโ€”isang pagtanaw na ang bawat programa at plataporma ay sumasalamin sa mga karanasan, laban, at pangarap ng mga nasa gitnang hanay ng institusyon.

Bahagi ng adhikaing ito ang pagdiriwang ng National Women's Month, kung saan binibigyang-pugay ang mahahalagang ambag ng kababaihan sa lipunan at akademya. Sa mga pag-uusap at pagtitipon, nililikha ang mga espasyo para sa pagtataguyod ng pagkakapantay-pantay, pagkilala sa intersectionality, at pagsulong ng inklusibong partisipasyon sa pamumuno at pag-unlad.

Kaakibat din ang pagsasakatuparan ng S*x Education and STI/HIV Awareness Seminar and Testing, na nagsusulong ng ligtas, maalam, at responsableng pakikipagdiskurso ukol sa kalusugan ng reproduktibo. Sa pamamagitan nito, hinahangad na mapawi ang mga stigma, mapalakas ang kaalaman, at mailapit ang mga serbisyong pangkalusugan sa mga kabataan ng institusyon.

Hindi rin nalilimutan ang mga nilalang na kasama natin sa kampus. Sa pamamagitan ng Animal Welfare Program, pinapanday ang isang pamayanang may malasakit at responsibilidad, na naglalayong alagaan ang mga pusa at iba pang hayop sa paligid ng paaralan. Isinusulong dito ang edukasyon sa tamang pag-aalaga ng hayop, karapatan ng mga hayop, at adbokasiya para sa pag-aaruga sa kanila sa pamamagitan ng boluntaryong pagkilos.

Sa mga programang ito, patuloy na isinasabuhay ang tungkuling tanganin ang tinig ng bawat isaโ€”may pananagutan, may malasakit, at may paninindigang nakaugat sa katotohanan ng ating kolektibong karanasan.

Publication Material by:
MAร‘AGO, CEDRICK Y. (USSG Media and Publicity Officer Candidate)

Photos from Bugkos - CNSC's post 27/04/2025

๐‡๐€๐‹๐ˆ๐๐€โ€™๐“ ๐Œ๐€๐† ๐๐”๐†๐Š๐Ž๐’!๐Ÿค๐Ÿซ‚

BUGKOS: Magbugkos, Magkaisa, Magsulong
UNITED IN PURPOSE, UNITED FOR CNSCEANS

KAAKIBAT: Collective Action and Support

Sa paglalakbay ng bawat estudyante, mahalaga ang mga bisig na handang umalalay. Sa diwa ng pagkakaisa at malasakit, pinagtitibay ng samahan ang mga inisyatiba na nagtataguyod ng sama-samang pagkilos para sa kapakanan ng bawat kasapi ng pamayanan.

Bahagi nito ang pagpapatuloy ng USSG Educational Assistance Program, isang programa na nagbibigay ng teknolohikal na suporta tulad ng laptop sa mga estudyanteng nangangailangan. Itinataguyod dito ang pag-aambag sa tagumpay ng mga mag-aaral sa larangan ng pananaliksik, online at offline na pagkatuto, at akademikong aktibidad, lalo na sa gitna ng mga hadlang sa pinansyal na kakayahan.

Sa pag-unawa rin sa pangangailangan ng kabuhayan at paghubog ng propesyonal na kakayahan, inilulunsad ang Student Job Fair โ€” isang tulay na nag-uugnay sa mga mag-aaral ng CNSC sa mga lehitimo, inklusibo, at abot-kayang oportunidad sa trabaho. Dito rin idinadaos ang mga seminar na naghahanda sa mga estudyante para sa mga hamon ng propesyonal na mundo.

Upang lalo pang maibsan ang gastusing akademiko, itinatag ang Piso Printing Project โ€” isang sustainable na inisyatibang nagbibigay ng mura, maaasahan, at estudyante-managed na serbisyong pag-iimprenta sa loob mismo ng kampus.

Sa pamamagitan ng mga proyektong ito, pinapanday ang isang pamayanan ng pag-aaruga, tulungan, at kolektibong paglago โ€” kaakibat ang bawat estudyante sa pagsulong tungo sa mas nagkakabugkos na bukas.

Publication Material by:
MAร‘AGO, CEDRICK Y. (USSG Media and Publicity Officer Candidate)

Photos from Bugkos - CNSC's post 27/04/2025

๐‡๐€๐‹๐ˆ๐๐€โ€™๐“ ๐Œ๐€๐† ๐๐”๐†๐Š๐Ž๐’!๐Ÿค๐Ÿซ‚

BUGKOS: Magbugkos, Magkaisa, Magsulong
UNITED IN PURPOSE, UNITED FOR CNSCEANS

PUNDASYON: Grassroot Empowerment

Ang tunay na pagbabago ay nagsisimula sa pinakapundasyon. Sa pagyakap sa lakas ng mga nasa pinakapayak na antas, pinangangalagaan ng samahan ang mga inisyatiba sa pagpapalawak ng kaalaman, pagpanday ng kakayahan, at paghubog ng pamumuno na nakaugat sa karanasan ng bawat estudyante.

Bahagi ng adhikaing ito ang Salubong 2025 โ€” isang pagpapatuloy ng naunang programa na nagsisilbing opisyal na pagtanggap sa mga bagong estudyante ng institusyon. Dito ipinakikilala ang mga sistema, serbisyong pangsuporta, at mga samahan ng estudyante, habang pinatitibay ang diwa ng pagkapamilya at pagsasanib sa mas malawak na komunidad.

Kasabay nito, isinusulong ang Lagablab 2025 โ€” isang pagsasanay sa pamumuno na itinayo sa pundasyon ng mga programang Siklab 2023 at Liyab 2024. Layunin nitong bigyang-lakas ang mga kabataang lider at mga aspirante, gamit ang mga kasangkapan sa pagbubuo ng bisyon, pagpapanday ng mga halaga, at pagtataguyod ng pamumunong nakabatay sa karanasan at pangangailangan ng kapwa estudyante.

Bilang tugon sa laging hinaharap na sakuna ng ating bansa, isinusulong ang mga Disaster Risk Reduction (DRR) Initiatives. Layunin nitong paigtingin ang kahandaan, kamalayan, at kakayahan ng bawat estudyante upang makalikha ng isang mas ligtas at matatag na pamayanan.

Hindi rin nalilimutan ang kahalagahan ng pangunang lunas at mabilisang pagtugon. Kaya't isinusulong na rin sa mga estudyante ang Life Support Training โ€” isang pagsasanay na naglalayong hubugin ang mga pangunahing kasanayan sa pagsagip ng buhay, paghahanda para sa serbisyong makatao, at paglinang ng kamalayang maagap at mapagkalinga sa bawat sulok ng ating institusyon.

Sa gitna ng pagharap natin sa mga hamon ng kalikasan, binibigyang-halaga rin ang mga Environmental Seminars at Clean-Up Drives. Sa pamamagitan ng edukasyon at konkretong pagkilos, pinupukaw ang kamalayan, iniaangat ang tinig ng mga mag-aaral sa adbokasiyang ekolohikal, at itinataguyod ang aktibong pakikiisa sa pangangalaga sa kapaligiran.

Sa bawat hakbang ng pagsasanay, sa bawat binubuong ugnayan, at sa bawat adhikaing nakaugat sa kapakanan ng nakararami, pinatitibay natin ang pundasyon ng isang mas matatag, makabuluhan, at makatarungang pamayanan.

Publication Material by:
MAร‘AGO, CEDRICK Y. (USSG Media and Publicity Officer Candidate)

Photos from Bugkos - CNSC's post 27/04/2025

๐‡๐€๐‹๐ˆ๐๐€โ€™๐“ ๐Œ๐€๐† ๐๐”๐†๐Š๐Ž๐’!๐Ÿค๐Ÿซ‚

BUGKOS: Magbugkos, Magkaisa, Magsulong
UNITED IN PURPOSE, UNITED FOR CNSCEANS

SALIG: Transparency and Accountability

Sa linaw ng layunin, naroroon ang linaw ng proseso. Sa ilalim ng pangakong magsilbi nang may katapatan at pananagutan, aming isinusulong ang mga inisyatiba na naglalayong itaguyod ang kahusayan at matapat na pamamahala.

Bilang bahagi ng layuning ito, inilunsad ang USSG Document Digitalization Initiative โ€” isang hakbang tungo sa mas sistematikong at masinsinang pag-salay ng mga mahahalagang dokumento. Layunin nitong bumuo ng sentralisadong digital repository upang mapangalagaan, mapadali ang akses, at mapanatili ang integridad ng opisyal na komunikasyon, ulat, at transaksyon ng samahan.

Binubuksan rin nito ang daan upang magkaroon ng mas malawak na akses ang mga estudyante sa mahahalagang impormasyon na nararapat nilang malaman.

Kasabay nito, pinagtitibay rin ang pagsulong ng Opisyal na Bank Accounts para sa USSG at Delivery Unit SGs, na naglalayong maglatag ng maayos, nasusuri, at ligtas na sistema ng pinansyal na pamamahala. Sa pamamagitan ng hakbanging ito, higit na napangangalagaan ang pondo ng mga mag-aaral, napapababa ang panganib ng accountability risks, at naisasabuhay ang prinsipyo ng bukas at responsableng pamumuno.

Sa bawat dokumentong isinasalin sa digital, at sa bawat sentimong inaalagaan, itinataguyod natin ang isang pamayanang tapat, organisado, at may matibay na pundasyon ng pananagutan.

Publication Material by:
MAร‘AGO, CEDRICK Y. (USSG Media and Publicity Officer Candidate)

Photos from Bugkos - CNSC's post 26/04/2025

๐‡๐€๐‹๐ˆ๐๐€โ€™๐“ ๐Œ๐€๐† ๐๐”๐†๐Š๐Ž๐’!๐Ÿค๐Ÿซ‚

BUGKOS: Magbugkos, Magkaisa, Magsulong
UNITED IN PURPOSE, UNITED FOR CNSCEANS

Sa ilalim ng Bugkos, isinusulong ang isang malawak at makabuluhang hanay ng mga programa: para sa kapakanan ng bawat estudyante at kinatawan ng mga organisasyon; pagbibigay ng iba't ibang serbisyong pang-edukasyon; pangangalaga sa kalikasan; maagap na pagtugon sa mga sakuna; pagpapatatag ng kaligtasan at kaayusan; at pagsusulong ng kalusugan at kapakanan ng komunidad.

Isinasaalang-alang din ang pagtaguyod sa karapatan ng kababaihan, ng pamayanang LGBTQIA+, at ng mga indibidwal na may kapansanan.

Kabilang din dito ang pagpapalawak ng mga oportunidad sa trabaho, ang pangangalaga sa kapakanan ng mga hayop, at ang pagpapatibay ng mga mekanismo upang matiyak ang katapatan, kahusayan, at integridad ng aming konseho.

Sa bawat hibla ng lubid na bumabalot sa Bugkos, hinahabi ang mga adhikaing ito โ€” para sa isang pamayanang nakabugkos, matatag, inklusibo, at makatarungan.

Isang panibagong yugto ang ating hinaharapโ€”at sa yugtong ito, ang BUGKOS ay humahakbang na may matibay na paninindigan para sa pagkakaisa. Sa gitna ng ibaโ€™t ibang tinig at pananaw, hinahangad naming magsilbing tulay, nag-uugnay tungo sa makabuluhang pagbabago.

Publication Material by:
MAร‘AGO, CEDRICK Y. (USSG Media and Publicity Officer Candidate)

07/04/2025

๐‡๐€๐‹๐ˆ๐๐€โ€™๐“ ๐Œ๐€๐† ๐๐”๐†๐Š๐Ž๐’! ๐Ÿค๐Ÿซ‚

BUGKOS: Magbugkos, Magkaisa, Magsulong
UNITED IN PURPOSE, UNITED FOR CNSCEANS

Isang panibagong yugto ang ating hinaharapโ€”at sa yugtong ito, ang BUGKOS ay humahakbang na may matibay na paninindigan para sa pagkakaisa. Sa gitna ng ibaโ€™t ibang tinig at pananaw, hinahangad naming magsilbing tulay, nag-uugnay tungo sa makabuluhang pagbabago.

KILALANIN ANG MGA KANDIDATO NG BUGKOS:
USSG EXECUTIVE COUNCIL

๐Ÿ”นCLACIO, JOHN ADRIAN I.
Chairperson

๐Ÿ”นMARMOL, CHRISTIAN JAY B.
Internal Affairs Officer

๐Ÿ”นSAN VICENTE, MARLON JAMES P.
External Affairs Officer

๐Ÿ”นENDAYA, JHAY ANNE F.
Financial Affairs Officer

๐Ÿ”นSALAYON, SAMANTHA JANE D.
Auditing Officer

๐Ÿ”นDEAUNA, KRISTINE MAE B.
Budget Officer

๐Ÿ”นMAร‘AGO, CEDRICK Y.
Media And Publicity Officer

๐Ÿ”นBONIFACIO, ALDWIN JAY L.
Technical Officer

Sa Bawat Pangalan, May Paninindigan.
Sa Bawat Paninindigan, May Panawagan.

Publication Material by:
CLACIO, JOHN ADRIAN I. (USSG Chairperson Candidate)
MAร‘AGO, CEDRICK Y. (USSG Media and Publicity Officer Candidate)

Photos from Bugkos - CNSC's post 05/04/2025

CLACIO, JOHN ADRIAN I.
USSG Chairperson Candidate

Sino nga ba siya?

Hindi lang siya isang pangalan sa balotaโ€”kundi isang estudyanteng may kwento, may pinanggalingan, at may layuning maging daan tungo sa mas inklusibo at progresibong gobyernong pang mag-aaral. Ating lubos na kilalanin si JOHN ADRIAN I. CLACIOโ€”isang estudyanteng hindi lang tumindig, kundi patuloy na tumutugon sa tawag ng tunay na paglilingkod.

Halinaโ€™t makiBUGKOSโ€”makinig at makiisa!

Publication Material by:
CEDRICK Y. MAร‘AGO (USSG Media and Publicity Officer Candidate)
JOHN ADRIAN I. CLACIO (USSG Chairperson Candidate)

Photos from Bugkos - CNSC's post 05/04/2025

MARMOL, CHRISTIAN JAY B.
USSG Internal Affairs Officer Candidate

Sino nga ba siya?

Hindi lang siya isang pangalan sa balotaโ€”kundi isang estudyanteng may kwento, may pinanggalingan, at may layuning maging daan tungo sa mas inklusibo at progresibong gobyernong pang mag-aaral. Ating lubos na kilalanin si CHRISTIAN JAY B. MARMOLโ€”isang estudyanteng hindi lang tumindig, kundi patuloy na tumutugon sa tawag ng tunay na paglilingkod.

Halinaโ€™t makiBUGKOSโ€”makinig at makiisa!

Publication Material by:
CEDRICK Y. MAร‘AGO (USSG Media and Publicity Officer Candidate)
JOHN ADRIAN I. CLACIO (USSG Chairperson Candidate)

Photos from Bugkos - CNSC's post 05/04/2025

SAN VICENTE, MARLON JAMES P.
USSG External Affairs Officer Candidate

Sino nga ba siya?

Hindi lang siya isang pangalan sa balotaโ€”kundi isang estudyanteng may kwento, may pinanggalingan, at may layuning maging daan tungo sa mas inklusibo at progresibong gobyernong pang mag-aaral. Ating lubos na kilalanin si MARLON JAMES P. SAN VICENTEโ€”isang estudyanteng hindi lang tumindig, kundi patuloy na tumutugon sa tawag ng tunay na paglilingkod.

Halinaโ€™t makiBUGKOSโ€”makinig at makiisa!

Publication Material by:
CEDRICK Y. MAร‘AGO (USSG Media and Publicity Officer Candidate)
JOHN ADRIAN I. CLACIO (USSG Chairperson Candidate)

Want your organization to be the top-listed Government Service in Daet?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


F. Pimentel Avenue
Daet
4600