DPC - Junior Adult Ministry

DPC - Junior Adult Ministry

Share

03/04/2026

Maligayang Kaarawan Sis Mavic, mula sa Junior Adult Ministry! 🎉💖

Lubos kaming nagpapasalamat sa Panginoon para sa iyong buhay.
Sa espesyal na araw na ito, ipinapanalangin namin na patuloy kang hubugin at baguhin ng Panginoon ayon sa Kanyang kalooban bilang Kanyang anak, bilang isang mapagmahal na asawa, at bilang isang mapag-arugang ina. Nawa’y patuloy kang gabayan ng Kanyang karunungan, palakasin ng Kanyang kapangyarihan, at punuin ng Kanyang kagalakan.
Nawa’y ang iyong buhay at talento ay patuloy na magbigay ng papuri at kaluwalhatian sa Kanya. Huwag nawang mapagod ang iyong tinig sa pag-awit ng papuri sa Diyos, at manatiling nakatuon ang iyong puso sa Kanyang presensya.

Maligayang Kaarawan! Nawa’y mapuno ang panibagong taong ito ng iyong buhay ng pag-ibig, kapayapaan, at kagalakan mula sa Panginoon. 🙏✨

30/03/2026

Maligayang Kaarawan, kapatid kay Cristo, Bro Noeglen!🥳🎉

Salamat sa Diyos para sa iyong buhay at sa patuloy Niyang pagkilos dito. Ang iyong pananampalataya at katapatan sa pagsunod sa Kanya ay isang pagpapala sa mga taong nakapaligid sa iyo. Nawa’y lalo kang lumalim sa iyong relasyon sa Kanya na matatag sa Kanyang Salita at may buong pusong tapat na naglilingkod.

Nawa’y mamunga nang sagana ang iyong buhay para sa Kanyang kaluwalhatian. Nawa’y pagpalain ng Panginoon ang iyong tahanan ng pag-ibig, pagkakaisa, at bigyan ka ng Niya ng karunungan at pusong tulad ni Cristo upang sama-sama at patuloy kayong lumago sa pananampalataya at pag-ibig sa Kanya.

Nawa’y mapuspos ang panibagong taon ng iyong buhay ng masaganang biyaya at pagpapala ng Diyos.
Magpatuloy ka, kapatid dahil ang Panginoon ay laging kasama mo.

Belated happy birthday! God bless you 🙏

09/03/2026

Maligayang Kaarawan, kapatid sa Panginoon, Brother MP!🎉🎂🥳

Una sa lahat, nagpapasalamat kami sa Diyos para sa iyong buhay, sa iyong pananampalataya, sa iyong puso sa paglilingkod, lalo’t higit sa pagiging coordinator ng Junior Adult Ministry.
Tunay na pagpapala ang makita kung paano ka patuloy na ginagamit ng Diyos upang maglingkod at maging instrumento sa paglago ng pananampalataya ng iba. Dalangin namin na patuloy kang patibayin ng Panginoon, gabayan sa bawat hakbang, at lalo pang palalimin ang iyong relasyon sa Kanya habang nagpapatuloy ka sa Kanyang gawain.

Sa pagpasok mo sa isang napakagandang bagong yugto ng buhay, ang maging isang ama, nawa’y pagkalooban ka ng Diyos ng karunungan, lakas, at biyaya upang pamunuan ang iyong pamilya nang may pag-ibig at pananampalataya. Nawa’y pagpalain Niya ang iyong tahanan, ingatan ang iyong pamilya, at gawing isang lugar ng Kanyang presensya at pagpapala.

Maligayang kaarawan! Nawa’y patuloy kang pagpalain ng Panginoon at gamitin pa lalo para sa Kanyang kaluwalhatian. 🙏

Want your place of worship to be the top-listed Place Of Worship in Daet?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Telephone

Website

Address


BARANGAY COBANGBANG
Daet
CHRISTIANITY