Sublime Torch Publication

Sublime Torch Publication

Share

10/06/2026

๐‹๐ข๐ญ๐ž๐ซ๐š๐ซ๐ฒ | ๐’๐€๐‘๐‹๐ˆ๐๐† ๐Ž๐‘๐€๐’
โ€ŽNi: Teresa Lindo

โ€ŽBawat daang tinatahak,
โ€Žnais ay makamit ang minimithing pangarap.
โ€ŽBawat yapak na may kasamang luhaโ€™t pawis na pumapatak,
โ€Žโ€˜di alintana sa taong kaginhawaan ang hanap.
โ€Ž
โ€ŽSubalit mundoโ€™y hindi perpekto.
โ€ŽKayang ipagkaloob sa mga taoโ€™y hindi pare-pareho.
โ€Ž
โ€ŽKagaya na lamang ng mga estudyanteng "irregular" kung tawagin.
โ€ŽMga kalimitang nahuhusgahan at pinagtatawanan.
โ€Ž
โ€ŽSubalit, mali bang sila ay may ibang daan kumpara sa karamihan?
โ€ŽBawal bang magpatuloy sa pag-aaral nang hindi pareho sa oras na nakasanayan?
โ€Ž
โ€ŽSa mundong sanay magbilang ng taon,
โ€Žtila kasalanan ang hindi pagsabay sa agos.
โ€Ž
โ€ŽHabang isa-isang umaalis sa silid ang mga pamilyar na mukha,
โ€Žsila ay nananatili, bitbit pa rin ang parehong pangarap ngunit ibang kabanata na ang hinaharap.
โ€Ž
โ€ŽKapag ang iba'y abala sa paghahanda para sa pagtatapos,
โ€Žsila nama'y muling nakikipagsapalaran sa panibagong semestreโ€”
โ€Žnasa pagkuha pa lamang ng mga naiwang asignatura
โ€Žat nag-aabang ng mabubuksang klase.
โ€Ž
โ€ŽMinsan, hindi ang mga requirements ang pinakamabigat dalhin.
โ€ŽKundi ang tanong na paulit-ulit mong naririnig:
โ€Ž"Hindi ka pa ba ga-graduate?"
โ€ŽIsang simpleng tanong,
โ€Žngunit kayang ipaalala ang lahat ng pagkakataong naramdaman mong nahuhuli ka na.
โ€ŽSa panahon ng social media,
โ€Žisang pindot lamang ang pagitan mo sa mga tagumpay ng iba.
โ€Ž
โ€ŽMay bagong graduate.
โ€ŽMay bagong empleyado.
โ€ŽMay bagong nakapasa sa board exam.
โ€ŽAt habang binabati mo sila sa comment section,
โ€Žtahimik mong itinatanong sa sarili:
โ€Ž"Kailan kaya ang pagkakataon ko?"
โ€Ž
โ€ŽNgunit sino ba ang nagsabing pare-pareho ang oras na inilaan sa bawat tao?
โ€ŽHindi lahat ay may parehong laban.
โ€ŽMay mga estudyanteng kasabay ng pag-aaral ang pagtatrabaho.
โ€ŽMay mga umuuwi sa bahay na puno ng bigat at problema.
โ€ŽMay mga minsang piniling unahin ang pamilya bago ang sarili.
โ€ŽAt mayroon ding mga pagkakataong ang buhay mismo ang nagdikta ng paghinto,
โ€Žhindi dahil gusto nila, kundi dahil kinakailangan.
โ€Ž
โ€ŽKaya marahil ang pagiging irregular ay hindi tanda ng pagkukulang.
โ€ŽMarahil isa itong patunay ng katatagan.
โ€ŽPatunay na kahit ilang ulit kang nagpaliban,
โ€Žpinili mo pa rin ang bumalik.
โ€ŽKahit ilang beses kang nakaramdam ng hiya,
โ€Žpinili mo pa rin ang mangarap.
โ€ŽAt kahit ilang beses kang napag-iwanan,
โ€Žpinili mo pa rin ang magpatuloy.
โ€Ž
โ€ŽSapagkat ang tunay na tagumpay ay hindi nasusukat sa bilis ng pagdating o pagtatapos.
โ€ŽKundi sa tapang ng pagpapatuloy.
โ€ŽKaya ito ay para sa mga estudyanteng tila naligaw ng paroroonan ngunit hindi nawalan ng direksiyon.
โ€Ž
โ€ŽPara sa mga naiwan ng batch ngunit hindi iniwan ang kanilang mga pangarap.
โ€ŽAt para sa lahat ng patuloy na lumalaban kahit pakiramdam nila'y nauuna na ang mundo.
โ€ŽHindi ka nahuhuli.
โ€ŽHindi ka kulang.
โ€ŽAt hindi kailanman magiging kahihiyan ang pag-abot sa pangarap sa sarili mong oras.
โ€Ž
๐ŸŽจ | ๐‘๐š๐œ๐ค๐ฒ ๐‘๐š๐ฆ๐จ๐ฌ, ๐€๐ซ๐ญ ๐ƒ๐ข๐ซ๐ž๐œ๐ญ๐จ๐ซ

07/06/2026

๐‹๐ˆ๐“๐„๐‘๐€๐‘๐˜ | ๐–๐ž ๐ƒ๐ž๐ฌ๐ž๐ซ๐ฏ๐ž ๐’๐ฎ๐ง๐ฌ๐ก๐ข๐ง๐ž
โ€ŽNi: Jude Apolinario ยท ๐˜š๐˜ข๐˜ญ๐˜ฆ๐˜ฏ ๐˜ž๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ฎ
โ€Ž
โ€ŽSabi nila,
โ€Žang bahaghari ay lumalabas lang pagkatapos ng ulan.
โ€ŽKaya matagal kong inisip
โ€Žkung kailangan ko bang mabasa muna ng lungkot
โ€Žbago maging makulay.
โ€Ž
โ€ŽNoong bata pa ako,
โ€Žpinagpa-praktisan ko ang paglalakad sa pagitan ng mga salitang
โ€Ž"bawal" at "nakakahiya."
โ€ŽParang may guhit sa sahig ng bahay
โ€Žna ako lang ang nakakakita.
โ€Ž
โ€ŽKapag tumawid ako, may mawawala.
โ€ŽKapag bumalik ako, ako naman ang mawawala.
โ€Ž
โ€ŽMay mga gabi na pinapatulog ko ang sarili ko gamit ang parehong tanong:
โ€ŽPaano kung ang bakla ay hindi pagkakamali,
โ€Žkundi isa lamang pangungusap na mali ang pagkakabasa ng mundo?
โ€Ž
โ€ŽHindi ko maintindihan kung bakit kailangan kong magpaliwanag.
โ€ŽHindi naman pinapagalitan ang dagat sa pagpili nitong maging maalat.
โ€Ž
โ€ŽMinsan naiisip ko, paano kung napapagod din ang salitang "bakla"?
โ€ŽPaano kung gusto rin nitong umuwi at humiga sa tabi ng iba pang salita nang hindi tinatawag na insulto?
โ€ŽPaano kung sawa na rin itong gamitin bilang bato gayong ginawa naman ito bilang isang bulaklak?
โ€Ž
โ€ŽAt kung may natutunan ako sa mahabang pakikipagtalo sa sarili, ito iyon:
โ€ŽHindi pala kailangang humingi ng pahintulot ang liwanag upang sumikat.
โ€ŽHindi kailangang patunayan ng bahaghari kung bakit pito ang kulay nito.
โ€ŽAt hindi kailangang maging malungkot muna ang isang tao para maging karapat-dapat sa pag-ibig.
โ€Ž
โ€ŽKaya ito ay para sa mga pusong natutong manahimik bago pa man turuang magsalita;
โ€Žpara sa mga halik na kailangang itago sa pagitan ng mga anino,
โ€Žpara sa mga pangalang hindi mabigkas nang malaya sa sariling tahanan o sa lansangan,
โ€Žpara sa mga pag-ibig na laging sinusukat kung "tama ba," "pwede ba," o "hanggang saan lang"โ€”parang laging nauuna ang mundo bago pa man sila makapili ng sarili nilang katotohanan.
โ€Ž
โ€ŽPara sa mga bakla.
โ€ŽPara sa mga tomboy.
โ€ŽPara sa mga baklang nanay.
โ€ŽPara sa mga baklang nagdarasal gabi-gabi na sana ay mahalin sila ng mundo nang hindi kalahati.
โ€ŽPara sa batang bakla na hindi pa kilala ng mundo.
โ€Ž
โ€ŽMalaya kang magmamahal, hindi ka kailanman masusukat sa kung paano mo tinitignan ang iyong siko at mga kuko.
โ€ŽHindi ka kasalanan, hindi ka iba, may lugar ka rito, may araw na sisikat para sa'yo.
โ€ŽAt mula sa musika ng bandang Wolf Parade, naniniwala akong "we all deserve sunshine."
โ€Ž
โ€ŽDAHIL MABUHAY ANG MGA BAKLA, MASAYA PAG MAY BAKLA, DAPAT MAY BAKLA!

๐ŸŽจ | ๐‰๐ฎ๐๐ž ๐€๐ฉ๐จ๐ฅ๐ข๐ง๐š๐ซ๐ข๐จ, ๐’๐ญ๐š๐Ÿ๐Ÿ ๐€๐ซ๐ญ๐ข๐ฌ๐ญ

07/06/2026

๐†๐ซ๐š๐๐ฎ๐š๐ญ๐ข๐ง๐  ๐ฌ๐ญ๐ฎ๐๐ž๐ง๐ญ๐ฌ ๐ง๐  ๐Œ๐‚, ๐๐ข๐ฌ๐ฆ๐š๐ฒ๐š๐๐จ ๐ฌ๐š ๐ ๐ซ๐š๐ ๐ฌ๐จ๐ง๐ ; ๐š๐๐ฆ๐ข๐ง๐ข๐ฌ๐ญ๐ซ๐š๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง, ๐ง๐š๐ -๐š๐›๐จ๐ญ ๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ก๐š๐ฒ๐š๐ 

โ€ŽUmani ng ilang negatibong saloobin sa social media ang mga napiling graduation songs para sa darating na 86th Commencement Rites ng Mabini Colleges.
โ€Ž
โ€ŽIto ay matapos mapansin ng mga estudyanteng magsisipagtapos na ang opisyal na dalawang awiting napili na may mga pamagat na "We made it through" at "Tagumpay na aming hinintay", ay 'di umano'y nilikha gamit ang Artificial Intelligence (AI).
โ€Ž
โ€ŽPaliwanag ni Mr. Nestor Alagbate, pinuno ng komite na nakatalagang pumili ng graduation songs, ang pagpili sa dalawang kanta ay nakabatay sa tatlong salik: lyrics, singability, at recency.
โ€Ž
โ€ŽAyon sa criteria, ang mga nabanggit na kanta ang pinakaangkop sa tema ng okasyon.
โ€Ž
โ€ŽKabilang din aniya ang mga Dekano sa pagpili ng mga awiting isinumite ng bawat departamento, at ang mga pinagpilian ay nanggaling mismo sa mga magsisipagtapos.
โ€Ž
โ€ŽGiit pa niya, bagamaโ€™t nababasa nila ang hinaing ng mga estudyante sa social media, walang nagpasa ng pormal na reklamo sa opisina ng Vice President for Academic Affairs (VPAA) kung kaya't naging pinal ang naging desisyon patungkol sa graduation songs.
โ€Ž
โ€ŽAyon naman sa pribadong mensaheng natanggap ng pahayagan mula sa isang graduating student ng College of Education na tumangging mapangalanan, hindi nila agad nalaman ang desisyon tungkol sa pagpili ng graduation songs.
โ€Ž
โ€ŽWala rin aniyang naglakas ng loob sa kanilang klase na magsumite ng complaint sa tanggapan ng VPAA dahil iniiwasan nila ang anumang komplikasyon laban sa administrasyon.
โ€Ž
โ€Ž"Nung ibinigay ang final song for graduation, walang nakakaalam kung paano at saan kami pwedeng mag-file ng complaint kaya ang pinaka-accessible na outlet ay through online. Kaya din sya anonymous kasi ayaw namin ng ano pang uri ng repercussions."
โ€Ž
โ€ŽSa ngayon, may iilan pa ring kumukuwestiyon sa nasabing pinal na desisyon sa pagbabakasakaling mapakinggan ng administrasyon ang kanilang hinaing na mapalitan ang mga nabanggit na awitin.
โ€Ž
โ€ŽMagaganap ang graduation ceremony sa ika-17 hanggang ika-19 ng Hunyo na dadaluhan ng mga magsisipagtapos mula sa Graduate School, College of Education, College of Criminal Justice Education, College of Nursing, College of Business Administration and Accountancy, College of Computer Studies, at College of Liberal Arts.

โœ๏ธ | ๐Œ๐š. ๐Š๐š๐ญ๐ซ๐ข๐ง๐š ๐๐š๐ฏ๐š๐ฅ, ๐Œ๐š๐ง๐š๐ ๐ข๐ง๐  ๐„๐๐ข๐ญ๐จ๐ซ
๐ŸŽจ | ๐“๐ซ๐จ๐ฒ ๐€๐ง๐๐ซ๐ž๐ฐ ๐„. ๐ƒ๐š๐ญ๐ข๐ง๐ ๐š๐ฅ๐ข๐ง๐ , ๐‹๐š๐ฒ๐จ๐ฎ๐ญ ๐€๐ซ๐ญ๐ข๐ฌ๐ญ

04/06/2026

๐‡๐€๐๐๐˜ ๐๐ˆ๐‘๐“๐‡๐ƒ๐€๐˜ to our ๐€๐ฌ๐ฌ๐จ๐œ๐ข๐š๐ญ๐ž ๐„๐๐ข๐ญ๐จ๐ซ, ๐‚๐š๐ซ๐ฅ ๐ˆ๐ฏ๐š๐ง ๐Œ๐š๐ฅ๐ฅ๐š๐ฉ๐ซ๐ž!

Your creativity and dedication have greatly contributed to the publication and beyond your skills as an editor, your talent as an artist continues to inspire those around you, bringing ideas to life with passion and imagination.

As you celebrate another year and prepare to embark on a new chapter as a graduating student, we wish you success in all your future endeavors.

Keep sharing your creativity, laughter, and positivity wherever life takes you. Warm wishes for a joyful birthday, a memorable graduation journey, and a bright future ahead! โ™ก

Want your public figure to be the top-listed Public Figure in Daet?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Telephone

Website

Address


Gov. Panotes Avenue, Brgy. VII
Daet
4600