RPSPU3
To secure and protect elected and appointed national government officials, members of diplomatic corps and visiting foreign dignitaries, delegates and/or participants during special special events, private individuals authorized to be given protection.
25/07/2025
22/06/2025
PNP GOOD DEEDS
TINGNAN: Mga Opisyal ng Barangay Esperanza, Aktibong Lumahok sa IDADAIT 2025 Lecture
Ipinamalas ng mga opisyal ng Barangay ang kanilang dedikasyon sa pagsuporta sa kampanya kontra ilegal na droga sa pamamagitan ng aktibong pakikiisa sa isinagawang IDADAIT 2025 Lecture na ginanap sa Barangay Hall ng Brgy. Esperanza, Casiguran, Aurora nito lamang Hunyo 19, 2025.
Ang nasabing aktibidad ay isinagawa ng mga tauhan ng Casiguran Municipal Police Station sa ilalim ng masigasig na pamumuno ni Police Major Donna Fe M. Galban, Hepe ng Pulisya.
Ang International Day Against Drug Abuse and Illicit Trafficking 2025 (IDADAIT) na may temang “The Evidence is Clear: Invest in Prevention,” ay may layuning paigtingin ang kooperasyon at aksyon ng mga lokal na opisyal tungo sa pag-abot ng mithiin ng isang lipunang malaya sa droga. Tinalakay din sa pagtitipon ang iba’t ibang mahahalagang isyu tulad ng Executive Order No. 70 kaugnay ng NTF-ELCAC, mga hakbang kontra kriminalidad, at ang Violence Against Women and their Children (VAWC) Act.
Nagpakita ng matibay na suporta ang mga opisyal ng barangay sa pamamagitan ng kanilang aktibong partisipasyon, pakikinig, at pakikiisa sa diskusyon. Ayon sa mga kinatawan ng Casiguran MPS, mahalagang katuwang ang mga opisyal ng barangay sa pagpapalaganap ng kaalaman at pagpapatupad ng mga programang pangkapayapaan at pangkaayusan sa kani-kanilang nasasakupan.
Ang ganitong inisyatiba ay patunay ng mas pinatibay na ugnayan sa pagitan ng pulisya at pamahalaang barangay, na siyang pundasyon ng mas ligtas at mas matatag na komunidad para sa bawat mamamayan.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the organization
Telephone
Website
Address
Ninoy Aquino Avenue
Clark
2020