Sucess Path

Sucess Path

Share

No matter what your excuse is, you will eventually retire and stop making active income....

26/10/2019

Sa Pagiinvest Hindi Dahilan Ang Maliit Ang Kita, Kung Ang Labandera Nga Nakaya, Ikaw Pa?

Ang kwento ni Ate Jessica: ( mahaba ito pero sure maiinspire ka dito)

Noong Lunes pagkatapos ng aming panaghalian may biglang kumatok sa aming opisina, agad kong pinagbuksan,
(Isang babaeng hiyang hiya)
"Ako po si Jessica, Dito po ba ang IMG ?"
Ako naman: "Opo dito po, Bakit po ?"
Jessica: Ay sa wakas tama ako, Noong January ko pa po ito hinahanap, Nanonood po kasi ako tuwing Sabado ng Kape at Salita sa DZMM Teleradyo, maganda po yun tinuturo nila paano makaipon sa mutual fund. Tumawag po ako sa binigay nilang numero sa screen, tinanong ko po kung saan po ang malapit na IMG sa San Mateo, sabi po nila meron nga po dito.

Ako: Ay sige po, umupo lang po kayo, sakto po may Financial Literacy Seminar po kami ng alas dos, pwede po kayong umattend.
Ate Jessica: Kailangan pa po ba umattend ako, may bayad po ba? Labandera lang po ako.
Sagot ko naman, ang opis po namin ay para sa lahat, ano man ang estado sa buhay,
Kaya nakumbinsi ko siyang maupo at makinig,
(Habang nagseseminar kami, kasama niyang isang OFW na attendee)
Sobrang excited siya, grabe ang kanyang halakhak sa mga jokes ko at ang pinakanagulat ako sabi niya, Iyan po ang laging sinasabi ni Sir Joen ( sa isip ko lang, Wow ha close kayo ng President ng IMG 😀) as in kilala niya yung mga host at founder ng IMG,
After ng Seminar:
Ako: Ano po ang palano ninyo? (Sa isip ko at nagtatalo sa isip ko ang doubt, guilt and the question "May pang invest ba ito?"
Mas lalo ako naguilty na ang sama ko naman to judge her nang magkwento siya,
Ang kita ko po sa bawat laba ay P500, sa plantsa 500 pag konti lang ang lalaban at plantsahin, P250, sa isang linggo may 2 to 3 beses akong regular costumers.
Biyuda na po ako at yun anak ko may asawa na kaya magisa lang ako sa buhay.
Siya: Gustung gusto ko po yan talaga dahil matagal ko na yan hinahanap, at kailangan ko po talaga yan kasi po hindi po habang buhay kaya ko maglaba kaso wala po akong dalang pera ngayon at wala po akong pera at hindi ko dala ang aking salamin para makafill-up ng form.
Sabi niya babalik po ako sa Thursday para magumpisa.
At nagulat nga kami, Huwebes, nagumpisa na siyang magivest at ang nakakatuwa kasama pa niya ang anak niya na tinuruan niya rin na dapat makaipon para sa kanilang kinabukasan.
Ilan kaya ang tulad ni Ate Jessica, na sa maliit na kita ay naniniwala na may pag asa, ilan kaya ang tulad niya na kahit sa maliit na paraan sa pagsubaybay sa programa sa tv ay nais madagdagan ang kaalaman at ilan ang tulad niya na porsigidong isabuhay at gawin ang kaniyang mga natutunan.
Magkano kaya ang income mo? Tulad din ba ng sa isang labandera? Kung nakaya niya? ikaw pa kaya?

Simulan mo na.
Usap tayo san ka mang sulok ng mundo 🙂

------------------------------------------------------------------
Credit to Coach Kiko Vergara De Belen for this wonderful sharing.

25/10/2019
12/10/2019

While Jollibee is busy sa pag hahanap ng bagong location ng jollibee store alam mo ba na there's 3 Ways To Become A Business Partner, Co-Owner & Investor in Jollibee Food Corporation (JFC)

1. FRANCHISE!

How Much Money Do We need? Initially you will be needing Php. 30 – 40 Million. Kung wala tayong Php. 30 – 40 Million ngayon sa bank account natin, huwag na natin pag usapan ang iba pang detalye ng pag Franchise ng Jollibee.

2. DIRECT STOCK MARKET!

How Much Money Do We Need? You can Open a Stock Market Account at Php 10,000.00 and Buy Shares of Stocks of Jollibee Food Corporation (JFC) @ Php. 243.80 per share. Pero Hindi ka makakabili ng isang share lang, minimum 10. So kung may 10,000.00 ka, makakabili ka ng almost 40 shares of Stocks ni Jollibee. Pwede ka bumili ulit para madagdagan ang share mo sa Jollibee, say another Php. 10,000.00, kung nasa 243.80 per share parin ang price meron ka ulit 40 shares of Stocks ni Jollibee. Co-owner ka na ng Jollibee!

3. MUTUAL FUNDS! (Indirect Stock Market)

How Much Money Do We Need? You can open a Mutual Funds Account for Php. 5,000.00 Only. Unlike sa Direct Stock Market kung saan ang Php. 10,000.00 mo nasa 40 shares of stocks lang ni Jollibee ang mabibili mo, sa Mutual Funds ang 5,000.00 ay makakabili na ng iba ibang share of stocks kung saan magiging part owner ka narin. Halimbawa, ng invest ka sa Mutual Fund na nag invest sa Jollibee, BDO, PLDT, BPI, SMDC, Cebu Pacific, Ayala Land, Philippine Airlines atbp. Pwede ka ulit bumili ng share of stocks, magdagdag ka lang ulit ng funds mo sa Mutual Funds account mo, minimum additional investment is Php. 1,000.00 para madagdagan ulit ang share of stocks mo sa iba ibang company. Sa Mutual Funds Co-Owner ka ng malalaking company kung saan ininvest ni Mutual Fund Company ang pera mo.

10M2025
Ctto

Want your business to be the top-listed Finance Company in Cebu City?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Telephone

Address


Sogod Cebu
Cebu City
6007

Opening Hours

Monday 12am - 11:59pm
Tuesday 12am - 11:59pm
Wednesday 12am - 11:59pm
Thursday 12am - 11:59pm
Friday 12am - 11:59pm
Saturday 12am - 11:59pm
Sunday 12am - 11:59pm