Drib

Drib

Share

01/02/2026

Hustisya

Kailan nga ba magigising sa panaginip Ang mga tao?
Kapayapaa'y kailan nga ba matatamo?
Puro mamamayan lang ang apektado
Sa kurapsyon, katiwalian, at giyerang pinapangunahan niyo

May payapang bukas pa ba para sa kabataang di pa nasisilang?
Mga bata ba'y may lupang sagana pang malalakaran?
Lupang di nabahiran Ng dugo sa digmaan
Digmaang mayayaman din lang Ang nakikinabang

Kailan ba titila Ang ulan?
May araw pa kayang masisilayan?
Kung ang kalangitan ay puno na ng abo ng kasakiman
Kasakiman sa kapangyarihan na ang kahahantungan din ay digmaan

Di na ba titigil ang pagtulo ng luha?
Ang dasal ko'y mas madami pa sa kada putok ng baril at bala
Kung gusto mo ng pagbabago na matatamasa
Sa sariling bakod ka mag umpisa

Ang hiling ng mga batang di nakaranas Ng digmaan
Ay iba sa panawagan ng mga batang doon isinilang
Tagumpay bang maituturing Ang pagkakapanalo sa digmaan
Kung marami namang nagdurusang mamamayan?

20/10/2025

Even a chest full of gold and jewels can't satisfy a greedy pirate

15/06/2025

Tinta at pluma Ang tanging sandata, matakasan lang Ang lungkot na nadarama

Hiram - Drib 13/03/2025

Please like share and subscribe

Hiram - Drib A farewell poem I wrote for my father

Want your public figure to be the top-listed Public Figure in Cebu City?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Address


Morelos Street Brgy. Tejero
Cebu City
6000