Alpas
13/04/2026
Pitong taon ng paglikha, pitong taon ng pagiging mapagpalaya,
pitong ulit naming piniling kumapit sa pangarap,
hanggang sa kami na mismo ang naging kapit ng isaโt-isa.
Nagsimula kami noong Abril 13, 2019;
mga pusong naghahanap ng tinig,
mga kaluluwang kumakapa sa dilim,
umaasang may liwanag na tutugon sa aming mga salita.
Sa bawat piyesa, sa bawat pagtatanghal,
unti-unti kaming nabuo:
hinulma ng oras, hinabi ng karanasan,
at pinagtibay ng mga kamay na sabay-sabay kumakapit.
Hindi naging tuwid ang landas.
May mga pagbitiw, may mga pagitan, may mga sandaling tila lumuluwag ang kapit.
Ngunit sa bawat pagdulas, mas lalo naming pinili ang kumapit;
ikapit ang pangarap sa dibdib,
ikapit ang sining sa aming pagkatao,
ikapit ang isaโt-isa sa gitna ng pag-aalinlangan.
Sa paglipas ng mga taon, napagtanto naming
hindi lang pala ito tungkol sa sarili.
Ang sining ay hindi lang boses, ito ay tulay.
Hindi lang pagpapahayag, ito ay pagyakap.
Hindi lang paglikha, ito ay pagpapalaya.
Dito, ang bawat salita ay nagiging sandata at sandigan,
ang bawat entablado ay nagiging tahanan
para sa mga pangarap na matagal nang naghihintay marinig.
Kaya ngayon, bilang ALPAS,
hindi lang kami basta lumilikhaโ
kami ay kumakapit at nagpapakapit.
Sa bawat piyesa, inaabot namin ang iba,
inaanyayahang kumapit, makiisa, at mangarap.
Pitong taon na ang nakalipas, ngunit hindi pa tapos ang kuwento.
Sa ikapitong yugto, mas mahigpit ang hawak,
mas malinaw ang paninindigan,
mas malalim ang dahilan.
Ikapit ang pangarap.
Ikapit sa sining.
Ikapit sa sarili.
Ikapit sa kapwa.
Dahil sa bawat kapit, may pag-asa.
Sa bawat pag-asa, may paglikha.
At sa bawat paglikha,
may kalayaan.
Maligayang ika-pitong anibersaryo, ALPAS.
Patuloy na kumapit. Patuloy na lumikha ng sining na mapagpalaya.
30/03/2026
Day 29 of ๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ โจ
๐๐ข๐๐จ๐ฅ๐ ๐๐ซ๐ข๐จ๐ง๐๐ฌ, widely known by her artist name ๐ต๐๐๐๐๐, is a multi-hyphenate creator whose journey is defined by the belief that art is a powerful tool for community building and advocacy. As the ๐ณ๐ผ๐๐ป๐ฑ๐ฒ๐ฟ ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐ฝ๐ฟ๐ฒ๐๐ถ๐ฑ๐ฒ๐ป๐ ๐ผ๐ณ ๐๐น๐ฝ๐ฎ๐ ๐๐ฟ๐ ๐๐ผ๐น๐น๐ฒ๐ฐ๐๐ถ๐๐ฒ๐, she has successfully united artists from various disciplines, creating a home for creativity to flourish. Beyond her own collective, her influence resonates across different art groups in Cavite, championing the idea that art should always be a safe space for expression.
Known for her voice as much as her vision, Nikita is a talented writer and performance poet who also excels in painting, drawing, and singing. Her excellence isn't limited to the arts; she is a consistent honor student who balances academic rigors with her passion for public speaking. She uses her platform to speak up for vital advocacies, particularly women empowerment and the promotion of the arts as a sanctuary for all.
๐๐ข๐๐จ๐ฅ๐ ๐๐ซ๐ข๐จ๐ง๐๐ฌ, beyond the accolades, is celebrated for her jolly, outgoing, and kind personality, making her a beloved companion to those around her. She serves as a brilliant example of what one can achieve when they are "locked in" and genuinely fueled by love for their craft. The legacy of Nikita proves that leadership is about more than just titles โ it's about using your talents to uplift others and standing firm in your convictions.
โโโโโ
Caption by ๐ ๐ถ๐ป๐ฎ๐๐ผ
Layout by ๐๐น๐ผ๐ป
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the public figure
Website
Address
Cavite